Chapter 21

8 0 0
                                    

Ameera's POV
 
 
Tumigil ang sinasakyan namin sa harap ng malaking gusali. Ang disenyo no'n ay parang sa mga buildings sa london. Vintage kung baga.

Nang makalabas sa sasakyan agad pumulupot ang kanang kamay ni Zayn sa beywang ko na nag bigay ng kiliti sa tiyan ko.

Ito ba yung sinasabi nilang butterflies in the stomach?

"Don't leave my side." Saad nito, kahit hindi ko nakikita ang mukha nito dahil sa maskarang suot, ay alam ko'ng seryoso lang ang ekspresyon niya.
 
Dahan-dahan akong napatango at muling napatingin sa harap. Ang dami ng tao kahit nasa labas pa lang kami. Btw nakasuot na kami ni Zayn ng parehong maskara, ang kaibahan lang ay ang kulay. Akin ay blue habang kanya naman ay itim.

Nag simulang lumakad si Zayn kaya nadala ako nito dahil sa pagkakahawak niya sa beywang ko. Hindi ko maiwasang hindi yon intindihin dahil nakikiliti ako sa kamay niya.

Nang nasa may entrance na kami, biglang may humarang saming malaking lalaki na akala mo'y restler dahil sa laki ng katawan. Wala sa sariling napakapit ako sa braso ni Zayn dahil sa takot.

He handed his hand na ani mo'y may hinihingi, nag taka naman ako. Biglang gumalaw si Zayn sa gilid ko kaya napalingon ako sa kanya. He took a black paper inside his coat and handed it to the guy with a scary figure.

Napatingin din ako sa papel na yon ng binuksan niya ito at binasa ang nasa loob. It was an invitation letter, napakunot noo naman ako.

Seriously? Sa dinami-dami ng kulay sa mundo black pa talaga ang napili nila? Walang taste.

Matapos binasa ay ibinalik nito iyon kay Zayn at umalis na sa harapan namin para tuluyan kaming maka daan.

Nang makapasok, bumungad sakin ang isang napakalaking espasyo na may mga sobrang gandang disenyo. Napatanga ako ng makatingala, there are big chandeliers doon habang sa baba naman ay may madaming misa.

The light was dim, na mas nakadagdag sa lugar ng ganda. It has a vintage design, feeling ko tuloy bumalik ako sa sinaunang panahon pero sa ibang bansa.

"Mesmerized?" Napalingon ako kay Zayn nang magsalita ito. Naka-upo na kami sa isang table na hindi kalayuan sa stage. I gave him a wide smile at masayang tumango. His sitting beside me habang ang isang kamay nito ay naka akbay sa upuan ko.

"Ang ganda nga dito Z— I mean Mr. Hawsley!
Ano bang meron?" Takang tanong ko. He stared at me for a second and then looked around.

"An auction will be held here." Seryosong saad nito, bigla ulit itong napalingon sa gawi ko kaya napalunok ako at napatingin din sa paligid.

Ba't feeling ko may mangyayaring hindi maganda sa gabing to?

I mentally shook my head at hindi na pinansin ang naisip, siguro na papraning lang ako.

"And you Ms. Quezo, until the auction ends you won't leave my side. Got it?" Napalingon ulit ako sa gawi niya at wala sa sarili akong napatango. He smirked a little and leaned in to whispered something. Nahigit ko ang aking hininga habang hinihintay ang sasabihin nito.

"Good girl Ms. Quezo..." He huskily whispered that made my heart beat in so much excitement. Napakagat labi ako ng bago niya inalis ang pagkakalapit niya sakin, he bit my neck and suck it lightly kaya wala sa sarili akong napakapit sa isang braso niya.

Umalis naman ito agad matapos gawin yon at tumingin sa paligid na ani moy may papatayin dahil ang sama sama ng tingin niya.

Hindi ko na yon pinansin dahil na agaw ang atensyon ko sa isang lalaking pumunta sa stage. May hawak na itong mic habang parang may binabasa.

The Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon