Ameera's POV
Sabado ngayon at nandito kami ni Sarah sa mall. Nagulat nga ako ng bigla itong mag ayang mag shopping. Hindi nga sana ako papayag dahil marami pa akong gagawin na trabaho, pero pinilit niya ako kaya wala akong magawa at umoo nalang.
Ngayon nandito kami sa jollibee at kumakain, sabi niya din kasi libre niya. Pag talaga libre hindi ako tumatanggi.
"Ba't biglaan ka nalang nag aya? Anong meron? " tanong ko sa kanya.
"Pag ba nag aya, may ganap agad? Hindi ba pwedeng trip ko lang? Tsaka hindi na tayo masyadong nagkikita kasi palagi ka nalang sa office mo. " parang may pagtatampo pa sa boses nito.
"Sorry naman, masyadong madaming pinapa- organize yung boss natin. " Paliwanag ko naman dito.
"Ah! " Bigla itong sumigaw, kaya nagulat ako. Napalingon pa nga yung ibang tao sa gawi namin. Nag sorry naman ito agad. Hindi ko tuloy alam kung mahiyain ba talaga to'ng babaeng to.
"Speaking of boss, Ano na? Gwapo ba?" Parang nag spark ang mga mata nito dahil sa excitement, nakinangiwi ko.
As much as possible, ayaw ko'ng pag-usapan namin ni Sarah yung about kay Zayn. Baka kung anong lumabas sa bibig ko, malaman niya pa'ng kilala ko si Zayn.
"Umm, yeah gwapo siya. " Alanganin ko'ng saad na kina tili ni Sarah. Nag paumanhin naman siya agad ng napatingin na naman sa direksyon namin yung mga tao. Ang ingay naman nang babae'ng to.
"Sabi ko na nga ba! Buti kapa nakikita mo siya. Hindi naman kasi pumupunta sa department namin eh. " parang bata pa itong napa nguso at bumuntong hininga.
"Ah Sarah, bilisan na kaya nating kumain? Mag s-shopping ka pa diba? " Pag iiba ko ng usapan, dahil baka kung ano na naman ang e tanong niya tungkol sa lalaking yon.
"Oh right! " buti nalang nawala na sa isip niya.
Umalis kami matapos naming kumain, nag shopping lang siya buong mag hapon habang sunod lang ako ng sunod sa kanya. Minsan nga may ipapaharap siyang damit sakin at sasabihing bagay daw sakin, tina-tanggihan ko naman dahil nag iipon ako ng pera, marami din kasing babayaran sa apartment ko.
Umabot nang hapon, nag paalam na kami sa isa't-isa. Bago umuwi dumaan muna ako sa bilihan ng prutas at bumili ng apples. Bukas na kasi yung napag usapan namin ni mama na bibisita ako sa bahay. I remember mahilig si mama sa apple kaya bibilhan ko siya. Sigurado akong matutuwa yon.
Kinaumagahan maaga ako'ng nagising, ginawa ko lang ang morning routine ko at pagkatapos ay kumain.
Ilang minuto din ay pumanhik na ako at nag hintay ng masasakyan. Habang naghihintay, biglang tumunog ang cellphone ko. Hudyat na may tumatawag. Akala ko nga si mama, ngunit nagtaka ako nang mapagtanto kung sino yon.
Sir Erickson?
Bakit napatawag si sir? Last contact niya kasi sakin, is I think when he emailed me about my new boss. And since then, hindi na ulit ito nagparamdam sakin dahil hindi na din naman siya ang boss ko.
"Sir Erickson? Napatawag po kayo? " Nagtataka ko'ng tanong, habang napakaway ng kamay nang may dumaang taxi.
Huminto naman ito agad kaya sumakay na ako, sinabi ko lang kung saan ako pupunta, at umandar na ito ulit.
"Hey, Ms. Quezo. I'm sorry for contacting you on your day off, but i had no other choice. " Napakunot ang noo ko dahil sa saad niya, naghintay lang ako kung ano pa ang sasabihin niya.
"Umm, so Zayn— I mean— Mr. Hawksley just contacted me, and he sounds horrible. He asked me to get him medicine— which i didn't even know why he asked me, of all people- but I'm currently really busy and I don't think I can give him the medicine he needs. So... If you could do me a favor Ms. Quezo, will you get it for him please? I just don't know, who else to contact except you, since you're his secretary." Mahabang paliwanag nito, na kinabigla ko.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Love
RomanceAmeera Quezo and Zayn Hawksley have been close friends since they were in elementary. They were like magnets that even their mothers couldn't separate them, so as time went on, one of them developed feelings. And that was Zayn. But at that time, Am...