Ameera's POV
Gulat pa din ako sa narinig ko'ng sinabi ni sir Erickson. Napatingin ako kay Zayn na ngayon ay nakakunot noong nakatingin na sakin.Ba't parang hindi niya ko kilala?
Ibang-iba siya sa Zayn na kilala ko noon. Si Zayn dati ay palangit, childish at hinding-hindi ako sasaktan. Ang Zayn na nasa harapan ko ngayon ay bukod sa seryosong ekspresyon ay mukha rin itong suplado, para bang pasan niya lahat ng problema sa mundo.
"Z? " wala sa sarili ko'ng tanong, nakita ko kung pano mas kumunot ang noo nito.
Kahit may pag-tatampo akong nararamdaman kay Zayn dahil sa hindi niya pag sabi na aalis siya, hindi naman ako galit sa kanya. Masaya nga ako dahil sa wakas nag kita ulit kami. Pero bakit parang ibang Zayn ang kaharap ko?
Napa balik-balik ang tingin ni sir Erickson sa aming dalawa habang nakakunot noo.
"Z? Wait, mag kakilala kayo? " Tanong ni sir Erickson. Tatango na sana ako ng biglang mag lakad papalapit si Zayn sa direksyon ko. Bigla niya akong hinawakan ng mahigpit sa braso na kinagulat ko. Napangiwi ako dahil sa sakit na pagkakahawak niya doon.
"Who are you? " may bahid ng diin at galit niya akong tinanong habang nakatitig sakin ng mariin. Bakit hindi niya ko kilala? Nag bibiro ba siya?
"A-aray nasasaktan ako.." Pinilit ko'ng kunin ang kamay ko pero mas diniinan niya pa ito ng hawak.
"Zayn, Man! what are you doing?! " dali-dali lumapit si sir Erickson para ilayo sakin si Zayn. Kung hindi dahil kay sir ay baka na bali na ni Zayn tong buto ko sa braso.
Lumayo ako ng kunti sa kanya at hinimas ang braso ko na ngayon ay namumula, na babakat ang kamay niya sa braso ko sa sobrang higpit ng pag kakahawak niya.
"What's wrong with you man?! " Napalingon ako kina sir Erickson na ngayon ay nakahawak kay Zayn na hanggang ngayon ay nakatitig pa din sakin ng mariin.
"You should get out of here first, Ms. Quezo. I'll talk to your boss." Napatingin ito sa braso ko at napangiwi.
"...also, get your arms treated. " sabi nito na tinangoan ko lang.
Tumingin muna ako saglit kay Zayn saka ako dali-daling umalis.
Kanina pa ako tulala. Andito ako ngayon sa apartment dahil pina uwi muna ako ni sir Erickson. Nalagyan ko na din ng ointment tong braso ko na ngayon namamaga na.Hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyari kanina. Bakit gano'n nalang bigla ang pakikitungo niya sakin? Kung makatingin siya ay parang ang laki-laki ng kasalanan ko sa kanya, e hindi niya naman pala ako kilala.
Tsaka nag tataka din ako kung bakit hindi niya ako kilala. Ano yon, pag aalis ng walang paalam required bang kumalimot? Imposible namang nakalimutan niya kung sino ako e mag kaibigan na kami simula bata.
Hindi ko tuloy alam kung maniniwala ba ako na siya yon.
Pero ilang taon na din kasi ang lumipas, baka nag bago lang talaga siya. Pero grabeng pag-babago naman ang nagyari sa kanya. Napabuntong hininga nalang ako.
Biglang tumunog ang cellphone ko, hudyat na may tumatawag. Nang tignan ko ang caller nakita kong si mama pala ito kaya sinagot ko na agad.
"Ma? Napatawag ka? " bungad ko dito habang naghuhugas ng pinag kainan ko.
"Wala naman anak, kinakamusta ka lang. Madalang ka na din kasing bumubisita dito sa bahay. "Sabi nito ng may bahid na pag tatampo.
Alam ko naman na nagtatampo na sakin si mama dahil matagal na yung last ko'ng bisita sa bahay, na busy din kasi ako sa trabaho kaya hindi ako makahanap ng tamang panahon para makabisita.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Love
RomanceAmeera Quezo and Zayn Hawksley have been close friends since they were in elementary. They were like magnets that even their mothers couldn't separate them, so as time went on, one of them developed feelings. And that was Zayn. But at that time, Am...