Chapter 7

12 2 0
                                    

Ameera's POV
 
 
Wait— so si tita Zyra ang ka meet up ni Zayn?! Hindi girlfriend niya? Tsaka, wait ulit— ba't parang nag ka energy ata ako bigla?? Ay basta! Mamaya na to'ng nararamdaman ko dahil may mas importante pa akong dapat pag tuonan ng pansin ngayon.

Nandito lang naman sa harapan ko ang mommy ni Zayn! Malaking problema to dahil kilala ako ni tita! Ay wait— baka  nakalimutan din ako ni tita.

Nagyakapan sila ni tita at nag beso, napansin niya siguro na may tao sa likod ni Zayn kaya napatingin ito sa gawi ko. Nakita ko ang gulat sa mukha nito ng magawi ang tingin niya sa mukha ko. Napangiwi naman ako dahil d'on. Shit! Mukhang kilala pa din ako ni tita!

Anong gagawin ko?! Diba nag sinungaling ako kay Zayn na hindi ko siya personal na kilala, magtataka ito pag nalaman niyang kilala ako ng mommy niya habang siya ay hindi. Nako!! Buking ang lola niyo!

"Oh em gee! Amee!" Napa-facepalm naman ako sa isipan ko, dali-daling tumakbo si tita sa gawi ko at niyakap ako.

Opo nanay po to ni Zayn, parang bata lang kung umasta no? Ganyan na talaga si tita tsaka mabait din, sayang nga at hindi nakuha ni Zayn ang personality ni tita, siguro meron pero kunti.

Childish naman si Zayn noon e, pero sa mga kakilala lang niya. Ngayon hindi na, it means kunti lang talaga.

Nag isip ako ng paraan kung paano ko paiintindihin sa sitwasyon si tita ng hindi napapansin ni Zayn. Habang nakayakap si tita sakin nakita ko'ng nakakunot noo na ngayon si Zayn, kaya napangiwi na naman ako. Punyemas, Lord tabang! (tulong, A: bisaya word po yan^^)

Nang pinakawalan ako ni tita ay tinignan ko siya sa mata at napapailing nang kunti. Napakunot noo naman ito sa ginagawa ko kaya napa-facepalm ulit ako sa isip ko. Tumingin ako kay Zayn na hanggang ngayon ay nakakunot parin ang noo at nanghihinala nang nakatingin sakin, binalik ko kay tita ang tingin ko at umiling ulit.

Lumingon siya sa gawi ni Zayn at sa akin. Napa-oh ito nang mahina at parang naiinitindihan na ang pinapahiwatig ko. Buti isip bata lang to'ng si tita umasta pero matalino, sa kanya ata na kuha ni Zayn ang katalinohan nito.

"You know her mom? " Nagtatakang tanong ni Zayn habang makatitig sakin nang mariin tsaka tumingin sa mommy niya. Napangiwi si tita at tumingin sakin.

"Ah, no son! I was just mistaking her for someone else. " Nakahinga naman ako ng maluwag dahil pinag-coveran ako ni tita. Nakita niya siguro sa mga mata ko na kailangan ko ng tulong, ang bait talaga ni tita!

Nakita ko'ng parang hindi na niniwala si Zayn at tinignan ako ulit.

"But you called her name mom. " mariin nitong sabi, hilaw naman na napatawa si tita na tumingin sa anak.

"Kapangalan lang niya siguro anak, actually Ameeka yung full name ng babae na sinasabi ko'ng akala ko ay siya. " Paliwanag naman nito at lumingon ulit ito sa gawi ko. Infairness marunong palang umacting itong si tita.

"Ano ba ang pangalan mo iya? Tsaka I'm sorry kanina ha, napagkamalan pa kita. " Kunyari'ng tanong at sabi nito habang sinisigahan ako ng mata na hindi naman nakikita ni Zayn.

"Ah no ma'am! it's okay, by the way I'm Ameera Quezo, I'm Mr. Hawksley's secretary. " Kunyari ko namang pakilala rito at inabot pa ang kamay ko.

"Oh my! Your my son's secretary?!" Gulat naman nitong tanong. Malamang ay hindi nito alam na ako ang secretarya ni Zayn basi palang sa reaction nito. Inabot niya naman ang kamay ko at nag shake hand kami.

"By the way I'm Zayn's mother, Zyra Hawksley. It's nice to meet you! " Bago niya binitawan ang kamay ko ay pinisil niya muna ito na hindi na papansin ni Zayn. Pinapahiwatig niya'ng ipaliwanag ko sa kanya ang mga nangyayari.

The Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon