Ameera's POV
Kanina pa ako hindi makapaniwala sa mga naririnig ko sa mga tao. Matapos nong singsing na binili ni sir Erickson ay nag sunod-sunod na ang iba't ibang items. May relo, bracelet, gold na mga jewelries at madami pang iba.Ang nakakalula lang talaga at feeling ko mahihimatay na ako, ay yung mga presyo na binibid nila.
May 20 million, may 30 million tas may 50 million! Like pede na akong hindi mag trabaho kung may ganon akong pera! Tas sila binibili lang nila sa mga ganitong bagay?
Mayayaman nga naman.
"Our last item ladies and gentlemen, is a truly magnificent piece. It's a 14k white gold necklace featuring a stunning blue sapphire pendant surrounded by brilliant-cut diamonds." Napahanga ako sa sobrang ganda nang kwentas. It's really pretty.
"This necklace showcases a 5-carat, oval-cut, deep blue sapphire at its center. The sapphire is known for its exceptional clarity and vibrant color, making it a standout piece. Surrounding the sapphire is a halo of sparkling white diamonds, enhancing the beauty of the blue gemstone and adding a touch of glamour." Madaming namangha habang napapatango pa sa naririnig.
"This necklace is more than just a piece of jewelry. It's a statement of elegance, sophistication, and timeless beauty." The meaning is really catchy. Ang mas nag paganda din talaga sakin sa kwentas nato ay yung kulay! It's my favorite color. Blue.
"We will start the bidding for this blue sapphire and diamond necklace at 20 million. Do I hear 20 million?"
Napatanga ako dahil sa paunang presyo no'n, 20 million agad?! Kanina kasi 1 million ang pa unang presyo nila sa mga items. Tas ngayon biglang 20 million?
"30 million!"
"40 million!"
"100 million!" My eyes widened, mabilis akong napalingon sa sumigaw no'n. Isa iyong lalaki na may matabang pigura at moustache. I think nasa 50's? Napangiwi ako.
100 million?! Sa kwentas?
I mean maganda naman kasi talaga pero hindi ko lang maintindihan ay kung bakit pa sila gagastos ng gano'n kalaking pera sa mga ganitong bagay?
Rich people Amee.
Napabuntong hininga nalang ako at muling bumaling ang tingin sa stage.
"100 million! Do I hear 200? Going once, going twice, going tr—"
"500 million." My eyes widened even more when I heard the voice in my side. Dahan-dahan akong napalingon sa gawi no'n at nakita ko'ng seryosong nakatitig lang si Zayn sa harap.
Yes! Si Zayn ang nag bid ng 500 million! What the hell!
In my peripheral vision nakita ko'ng napangisi si sir Erickson habang pareho kaming nakatanga ni Sarah. Hindi makapaniwala sa narinig.
Napalingon ako sa lalaking may moustache at nakita itong masamang nakatingin kay Zayn.
"Wow! 500 million! Going once, going—"
"600 million!" Kung may ikalalaki pa ang mata ko sa sobrang pagkakagualt, gano'n na ang hitsura ko ngayon. Yun na ang pinaka malaking pera na binid ngayong gabi. Akala ko titigil na si Zayn ngunit nag kakamali ako.
"800." Seryosong saad ni Zayn. May nag bubulungan na dahil parang nag aagawa na sila Zayn sa kwentas.
I looked at Zayn with disbelief na hindi naman ako nililingon at nakatingin lang sa gawi no'ng may moustache na ngayon ay nakakuyom na ang kamao.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Love
RomanceAmeera Quezo and Zayn Hawksley have been close friends since they were in elementary. They were like magnets that even their mothers couldn't separate them, so as time went on, one of them developed feelings. And that was Zayn. But at that time, Am...