Ameera's POV
"What!? Tinuhog ka ni Mr. Hawk—" Sigaw ni Sarah na agad ko namang tinakpan. Hindi ko kinakaya ang kaingayan ng isang to, kulang nalang ipapasubo ko ang kung ano man ang mahawakan ng kamay ko para lang mapatigil."Ano'ng tinuhog pinagsasabi mo? Tsaka, wag ka ngang maingay." Saway ko dito, muntik niya ng isigaw ang apelyido ni Zayn. Buti nga at may sariling mundo ang mga co-workers niya, at hindi na siya pinansin. Nasanay na din guro sa kaingayan ng isang to. Nga pala kasalukuyan akong nasa department nila Sarah.
Matapos ko kasing kumain, napag-alaman kong alas 2 na pala ng hapon. Grabe nga ang gulat ko dahil ang tagal ko palang nakatulog, kaya pala nagugutom ako ng magising.
Malamang, pinaligaya ka lang naman at pinagud ng isang Zayn Hawksley.
Muntik ko ng sawayin ang sarili dahil sa kung ano-anong pumapasok sa utak ko. Tsaka, para itong nagtunog na para bang ginawa namin ni Zayn yung 'alam niyo na', eh hanggang second base lang naman ang ginawa namin. I blushed again, kaya mas pinilig ko na ang ulo.
Tapos yun nga, hindi ko pa nagagawa ang pinapagawa ni Zayn kaya nag paalam na ako agad. Buti nga at pinakawalan ako nito ng matiwasay at walang ginawang 'hindi matino'.
Talaga ba Amee? so yung ginawa niyang pagpapaligaya sayo matino?
I blushed and mentally shook my head dahil sa na isip. Ang halay na ng utak ko!
"Sorry naman, eh kasi nakakagulat naman kasi yang pinagsasasabi mo. Like Amee! Boss natin yan! Ang nag iisang Zayn Hawksley sa mundo! " Pa sigaw niyang saad sa mahinang boses nang pakawalan ko na ang bibig nito.
"Kahit ako hindi makapaniwala sa nangyari. Nag padala ako sa emosyon ko." Malalim akong napabuntong hininga. Naka patong ang naka cross ko'ng braso sa cubicle ni Sarah habang naka upo naman ito sa swivel chair niya.
"Nag padala lang ba talaga? Oh talagang sinunod mo lang ang kung anong sinisigaw ng puso mo?" My eyes widened dahil sa ani nito.
"Kala mo guro hindi ko napapansin? Halata kayang gusto mo si sir. Lalo na yung sa resto. Nag mamaang-maangan lang naman akong walang alam sa nangyayari dahil gusto ko ikaw mismo ang mag sabi sakin." Mahabang saad nito na mas kinatigalgal ko.
"At tsaka, idagdag pa yung nangyari sa labas ng kompanya. Ibang tingin ang pinupukol ni Mr. Hawksley sayo. D'on palang, alam ko'ng may something na sa inyo." I looked at her, Astonished.
Nakakamangha ang pagiging observant ni Sarah sa paligid niya, but at the same time nakakatakot. Parang wala kang matatagong sekreto dito dahil malalaman at malalaman niya.
"Ang hindi ko lang talaga mapaniwalaan, ay may nangyari pala sa inyo!" Namula ako dahil sa ani nito.
"Wala namang nangyari samin Sarah! P-pero parang gano'n na din." Napangiwi ko'ng saad.
"P-pero kasi hindi niya naman p-pinasok yung a-ano niya..." Bawi ko agad habang pahina ng pahina ang boses ko, nakita ko'ng nawala sa ginagawa nito ang tingin at bumaling sakin.
"Ay hindi ba? So sa first base lang kayo gano'n?" Tanong nito, dahan-dahan naman akong umiling.
"Second..." Nanlaki ang mga mata nito at titili na sana pero agad ko'ng tinakpan ang bibig at sinigaan siya ng mata.
"Sige mag ingay ka, talagang papasukan ko ng papel yang bunganga mo." Banta ko na kinatango lang agad nito, kaya pinakawalan ko na.
"Oh em gee!" She shrieked silently.
"So ano—" Bigla itong napatigil ng tumunog ang intercom dito sa department nila na konektado kay Zayn. Nag katinginan kami at hinintay ang kung anong kailangan nito.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Love
RomansaAmeera Quezo and Zayn Hawksley have been close friends since they were in elementary. They were like magnets that even their mothers couldn't separate them, so as time went on, one of them developed feelings. And that was Zayn. But at that time, Am...