Chapter 2

13 3 0
                                    

Ameera's POV
 
 
Sabado ngayon at biglaang nag aya si Z na lumabas daw kami, aayaw na sana ako kaso sabi niya libre niya naman daw kaya nag bihis na ako agad. 

Ngayon nag aantay na lang ako sa kanya. Ilang minuto din ay dumating na siya kaya sumakay na ako agad. 

Naka white polo shirt siya at naka slacks na beige brown ang kulay tapos pinaresan niya ng white shoes.

"Ano gagawin natin? " tanong ko pagkatapos ko'ng suotin ang seatbelt, bigla akong napa blush ng may maalala, hindi dahil sa kilig kundi dahil sa hiya! Hindi ko pa nakakalimutan yung ginawa sakin ng mokong na Zayn nato!

"Ano pa ngaba, edi mag d-date. " sabi niya like it's a normal thing, napatigil ako ng biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.

Hala anyare sakin??!

"A—anong d–d–date? " mahina ako'ng napamura ng magkanda utal-utal ako, halata tulo'yng kinakabahan ako dahil sa pinagsasabi niya.

"Oo, naisip ko lang na dahil sa papalapit na exam, wala na tayong time na mag bonding katulad ng dati dahil sa busy tayo sa kaka-study." Napabuntong hininga naman ito at napatingin sakin, nagulat ako ng bigla siyang ngumiti sakin. Kaya mas domuble ang bilis ng tibok ng puso ko.

Ano bang  nangyayari sakin???

Anong nangyayari sayo heart?

Bat parang aatakehin na ako sa puso?

"E-eh, ano'ng d-date pinagsasabi mo, mag kaibigan tayo baliw. " umirap nalang ako para matago ang pamumula ng mukha ko.

"Oh tapos? Bawal ba mag date ang mag kaibigan? Bonding² ,parang date na din naman yun. Tas ikaw anong nagyayari sayo? Ba't ka nauutal? " nagtataka niyang tanong habang napapatingin sakin tas balik din sa kalsada.

"Baliw ka kasi! " singhal ko bigla kaya nagulat siya at napatingin sakin saglit, kita ko'ng napakunot noo siya dahil sa biglaan ko'ng pagsigaw, kahit ako nabigla sa sarili ko eh.

"Huh?? Anong ginawa ko??? " nagtatakang tanong niya, pero di ko nalang siya pinansin at inirapan lang. Kung ano-ano kasing sinasabi.

Ilang minuto din ay tumigil na ang sasakyan, lumabas naman ako agad at napansing nasa mall pala kami.

Nang lumabas na si Z ng sasakyan tinatanong ko siya kung anong gagawin namin. Ngumiti lng siya sakin tapos bigla akong hinila. 

Pumasok kami sa jollibee, sinabihan niya akong maghanap ng mauupuan naman dahil siya na daw ang mag o-order. Umalis na siya agad without asking kung anong gusto ko. Sa tagal naming magkaibigan, alam na alam niya na ang mga gusto at hindi ko gusto at ganon din ako sa kanya.

Nahirapan pa akong maghanap ng bakanteng table dahil sa dami ng tao. Pero ilang minuto ding pag lilibot ay nakahanap din.

Nasa may dulo ito at saktong pang dalawahan. Umupo na ako agad at hinintay na si Zayn. Ilang minuto din ay nakita ko na siya papalapit sa pwesto ko.

Nag-usap lang kami habang hinihintay ang order namin, nang tumunog na yung parang remote na ibig sabihin ay ready na ang pagkain namin at pwede na kunin.

Tumayo si Zayn para kunin iyon at ilang minuto lang din ay bumalik na siya dala-dala ang mga pagkain.

Matapos naming kumain ay pumunta kami sa mga arcades at nag laro, para tuloy kaming bumalik sa pagka bata. Habang naglalaro sa may basketball, naiinis na ako dahil ni isang bula wala akong na shoot, kaya ayon pinagtawanan lang ako ni Zayn.

Napapalingon pa nga ang ibang tao dito sa pwesto namin. Sino ba kasi ang hindi, makakita ka ba naman ng gwapong lalaki na tawa ng tawa talagang mapapalingon ka.

The Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon