Chapter 26

12 1 0
                                    

Ameera's POV
   
    
Napabuntong hininga na naman ako nang wala paring Zayn na pumasok sa trabaho. Ilang araw na ang lumipas simula nong welcome party. Ilang araw nadi'ng si Erickson na ulit ang nag h-hundle nang kompanya.

Matapos ng away na nangyari sa kanila Ashton at Zayn, kinabukasan no'n ay hindi pumasok si Zayn. Akala ko nag papahinga lang kaya hinayaan ko nalang at ako na muna ang umattend sa mga meetings nong araw nayu'n.

Ngunit nag taka ako nang sa sumunod na araw ay hindi padin ito pumasok. Ilang araw kaming walang boss na nagpatakbo sa kompanya. Kaya halos hindi na ako makatulog nang maayos sa daming trabaho ang napunta sakin.

Hanggang sa biglang pumasok si Erickson at sabing siya na daw muna ang hahawak sa kompanya. Tinanong ko siya ko'ng saan si Zayn pero palagi niyang sinasabi...

'Don't worry Ameera, nagpapalamig lang nang ulo yun. He'll be back.'

But I doubt he will. Siguro sa sobrang galit niya sakin no'ng gabing yun, ayaw niya na akong makita. Nakakalungkot mang isipin pero yun palagi ang pumapasok na dahilan sa isipan ko.

"Amee, sige na naman. You really need to relax." Saad niya habang nakatingin sa gawi ko.

Kasalukuyan kaming nasa kwarto ng apartment ko. Nang malamang hindi padin pumasok si Zayn ay biglang sumama ang pakiramdam ko. Sinabihan ko si Erickson na pwede ba munang umuwi, umoo naman ito agad.

Ngunit nang nasa bahay na ako, hindi naman ako mapakali, kaya dito ko na pinagpatuloy ang trabaho ko.

Bigla namang dumating si Sarah na hindi ko alam kung bakit nandito instead sa opisina, pero di ko na tinanong.

Hindi ko siya pinansin dahil sa sobrang pokus ko sa ginagawa. May mga files kasing pinapasend si Erickson na kailangan na agad bukas. Inayos ko ang salamin na suot, sabay abot ng kape na nasa sa gilid lang ng laptop at ininom.

As what i've said, nang hindi pumasok si Zayn ng ilang araw sobrang dami ng trabahong napasa sakin. Kaya gabi-gabi kahit lahat ng tao ay tulog na, ako naman ay gising-na-gising pa.

Kaya nasanay akong palage ng umiinom ng kape habang nag t-trabaho. Hindi naman kasi ako mahilig sa kape, pero 'it' became my best friend every night. Before I knew it, nasanay na akong may kapeng naka ready sa gilid ko.

Naibsan naman kahit kunti no'ng dumating si Erickson, pero dahil nga matagal din yung araw na walang ceo ang kompanya, napundo yung mga gawain. Hindi ko naman kayang mag isa dahil ang dami talaga. Tsaka, secretary lang ako no. Limitado lang ang pwede at kaya kong gawin.

"Amee! Makinig ka nga!" Nawala ang atensyon ko sa laptop nang hawakan ni Sarah ang balikat ko at hinarap sa kanya. Titig na titig siya sa mata ko habang ako nama'y nag antay sa kung ano ang sasabihin niya.

"You look a mess! You're not sleeping and eating well! Kape ka lang ng kape! Hindi mo inaalagaan ng maayos ang katawan mo! At tignan mo nga yang mata mo, ang laki na ng eyebags!" Saad niya habang naiinis na nakatingin sakin, pero may halong pagaalala.

"Anong gusto mong gawin ko?" Wala sa sarili ko'ng tanong— na sana hindi ko na tinanong.

"You'll go out with me! Mag bihis ka." I was about to protest pero huli na dahil hinila niya na ako at ipinasok sa banyo.

"Maligo ka muna, you really need it." Saad niya sabay sara ng pinto sa mukha ko. Napakurap ako. Sa sobrang bilis ng pangyayari, mukha akong tangang prinoseso ang ginawa niya.

Napabuntong hininga nalang ako at wala choice kundi sundin ang sinabi niya. Ngunit bago ako makarating sa may shower napalingon ako sa salamin sa gilid.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon