Zane's POV
"Oh pre anong nangyari sa muka mo? Mukang nakipagbasag ulo ka ah." Salubong sakin ni Travis ng makarating ako sa bilyaran na tinatambayan namen.
Napatingin naman yung ibang kaibigan ko sakin. Ako lang pala ang late samen.
Lumapit ako sa billiard table at inagaw kay Ranz yung hawak niyang billiard stick at sinargo ko yung bola.
"Ano ba nangyare pre? Sino kabasag ulo mo?" patuloy sila sa pagtatanong sakin habang ako ay patuloy sa paglalaro mag isa ng billard.
"Si Santillan." Tanging sagot ko bago tumira ulit ng isang bola. Bigla naman silang nagsilapitan sakin.
"Si Santillan? Yung sa ExO?" tanong sakin ni Spike kaya tumango lang ako.
"Sino sa kanila? Yung laging kasama ni Haponesa?" Dagdag tanong naman ni Zander at tumango na lang ulit ako. Tinapos ko na yung paglalaro at umupo ako sa high stool.
"Baket pre? Narealized mo na bang may pagtingin ka na kay Haponesa at nagseselos ka sakanila?" Bigla akong parang nanigas sa sinabi ni Zander pero agad din akong nakabawi.
"Gago," sinamaan ko siya ng tingin at humalakhak lang silang apat.
"Anong bang ayaw mo kay Haponesa pre? Maganda naman at sexy pa." Tanong sakin ni Zander
"Wala akong pakialam kung sexy at maganda sya. Bukod sa malas sya, masyado siyang walang pagpapahalaga sa sarili nya." Walang emosyong sagot ko.
"Eh bakit ka nakipag basag ulo kay Santillan? Mukhang masama pagkakatama sayo ah. Tignan mo nangingitim na yung gilid ng labi mo pre." Sabi ni Travis kaya agad akong napahawak sa may labi ko at ngayon ko lang naramdaman yung sakit. Gagong Santillan yon. Bakit ba ganon yun maka-asta kay Ysa? Girlfriend nya na ba yon? Halata naman kasing gusto niya si Haponesa eh.
"Kinausap ko lang yong babaeng yon." Sabi ko.
Kinausap ko para kay Migs dahil nung nanuod ako ng practice nila Migs ay halatang wala syang gana at naapektuhan yung paglalaro nya ng volleyball.
Kung ako ang masusunod mas gusto kong hindi na kaibigan ni Migs si Ysa dahil masyado itong malas para kay Tecson.
Bakit ba lahat ata ng tao na dumidikit kay Ysa ay minamalas? Tsk.
"In love ka ba pre?" Halos masuka ako sa tinanong ni Zander.
"Pre, ayan inlove? Alam mo namang forever and always yan kay Courtney eh." Natatawang sabi ni Spike.
Pag nagsama talaga ang dalawang 'to, parang ang sarap pag umpugin.
"Oo nga naman. I love you baby." Sabi ni Spike habang ginagaya ang boses ko.
"I love you too baby, Forever and always." Sagot naman ni Zander na ginaya ang boses ni Courtney at nasundan ng malulutong na tawanan.
Binato ko na lang sila ng hawak kong plastic bottle at umiling.
Kamusta na kaya sya? Masaya kaya sya dahil sa wakas ay kasal na siya? Masaya kaya siya sa desisyon nyang iwan ako?
"Shhh. Kita nyo iiyak na si baby oh." sabi ni Travis at biglang pinunasan ang gilid ng mga mata ko na para bang may nakita silang luha dito.
Tinabig ko lang yung kamay nya at tumayo na.
"Aalis na ko." Sabi ko dahil walang kwenta talagang kausap tong mga kaibigan kong to.
Lumabas ako sa bilyaran at nagtungo sa kotse ko. Nagmaneho ako hanggang sa makarating ako sa isang pamilyar na parke.
Bumaba ako sa kotse ko at nagpunta sa malapit na swing. Yung swing kung saan una ko siyang nakilala.
BINABASA MO ANG
The Fall of the Fallen Angel
Short Story"When I met you, you were the last person I would love. That's what I said to myself." She wiped her tears as she continued her vows. "But little did I know, you were God's gift to me." Zane smiled as he heard her vows. He never thought he...