Chapter 14

1.8K 29 1
                                    

Zane's POV

"Bye Ysa! See you laters!" Napatingin ako sa may pintuan ng classroom ng makita ko si Spike kasama si Ysa. Ngumisi pa ang ugok ng makita ako.

Biglang napahinto sa paglalakad si Ysa ng makita akong nakatayo malapit sa bintana. Nag iwas siya ng tingin ng makita niya kong nakatingin sakanya.

Nakipag-usap siya sa mga classmates namin na parang walang nangyari nung isang araw. Absent kasi siya kahapon na ipinagpasalamat ko.

Habang tinitignan ko siya mula sa kinatatayuan ko ay parang may nag-iba sakanya. Parang walang buhay ang paligid niya.

Ipinilig ko ang ulo ko at pumunta na sa upuan ko.

Masaya ako dahil mukang natatak na sa wakas sa isip ni Ysa na hinding hindi ako magkakagusto sakanya pero parang may bahagi ng isip ko ang nakaramdam ng kakaiba sa isiping titigilan niya na ang pangungulit sakin.

Argh!

Napatingin sakin ang mga classmates ko ng padabog akong tumayo dala-dala yung gamit ko at lumabas ng classroom.

Ano bang nangyayari sakin?

Bat naiinis ako?

Tumungo ako sa fallen angel's cafe at dun tumambay.

Nilaro ko lang ng nilaro yung iPod ko. Nag open ako ng facebook at kusang gumalaw ang mga daliri ko sa pagtipa at napunta ako sa account ni Ysa.

Day 2. I saw you and prentended that I didn't know your existence like the way you wanted it. Happy now?

Posted 4 mins ago

Like ∙ Comment ∙ Share

Andrew Napoleon Santillan Like This and 13 others

Nagscroll pa ko at may nakita akong tagged post

Andrew Napoleon Santillan is Traveling to Hammerstein University with Ysa Maria Anshobie Erozle Yokohama

Posted 2 hours ago

108 Likes ∙ 48 Comments ∙ Share

Potek, Bat sabay sila pumasok?!

Inopen ko yung mga comments. Naging chatbox.

Ysa Maria Anshobie Erozle Yokohama : Yah! No need to stat. Thank you for the lift, anyway!

Andrew Napoleon Santillan : Ysa No worries, cupcake! Thank you din sa breakfast.

Ysa Maria Anshobie Erozle Yokohama : :D

May mga iba pang comments pero di ko na binasa. Bat magkasabay silang pumasok at mag breakfast?!

Di na ko nakatiis ay inopen ko yung account ni Santillan.

Great moment to start my day. Cupcake.

Posted 38 mins ago

Likes ∙ Comments ∙ Share

Ysa Maria Anshobie Erozle Like this and 28 others

Pota. Anong cupcake?

Nag log out na lang ako sa facebook bago ko pa maibato yung iPod ko.

Nagpunta ako sa counter at umorder ng paborito kong inumin. Ang daming tanong na naglalaro sa isip ko.

Tinignan ko yung orasan at malapit na palang maglunch time.

The Fall of the Fallen AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon