Zane's POV
Dali-dali akong tumakbo nang marinig ko yung sigaw na yun. Sigurado akong boses ng nakakairitang hapon yun.
"YSA!"
Tinawag ko siya para malaman ko kung nasaan siya. Ang bilis naman kasi mawala ng hapong yun. Nakakaasar.
"Ah ... Ah. Ang sakit."
Nakarinig ako ng ungol hindi kalayuan muna sa kinatatayuan ko kaya naglakad pa ako ng kaunti.
"YSA!"
Hinintay kong sumagot siya pero wala akong narinig na sagot.
"YSA!"
Puro na talaga problema ang binibigay ng babaeng yun. Mamaya may mangyaring masama sa babaeng yun.
"T-tulong. Tulungan niyo ko."
Mukhang nagmumula sa bangin yung boses kaya sinubukan kong tignan yung bangin.
"YSA!"
Nakakapit siya sa isang sanga. May mga gasgas siya sa mukha at kamay.
"B-babylove." Mahinang bulong niya.
Ibang klase tong babaeng to. Mapapahamak na nga at lahat-lahat, nagawa pa akong tawaging babylove.
Dumapa ako at pilit na inabot ang kamay niya kaya lang hindi ko siya maabot. Naalala ko yung extrang kumot na nilagay ni Elle sa bagpack ko. Agad kong kinuha iyon sa bag ko saka inabot sa kanya yung dulo noon.
"Kumapit ka sa kumot. Hihilahin kita pataas." Agad siyang kumapit sa kumot. Pinalibot ko sa katawan ko ang kumot saka dahan-dahan siyang hinatak.
Anak ng pucha! Ang sexy ngang babae, saksakan naman ng bigat! Ang bigat ng babaeng to!
"Ano ba Ysa! Wag kang umasa sa akin! Tulungan mo ang sarili mong makaakyat!" Sobra kasi niyang bigat. Sa akin niya lang inaasa ang lakas niya para makaakyat siya.
Patuloy ko lang siyang hinatak hanggang sa maiangat ko na siya.
"Babylove." Hindi ako nakakilos nang sunggaban niya ako dahilan para mapahiga kami sa lupa.
"Akala ko katapusan ko na. Akala ko hindi ko na makikita at makakasama sina mommy at daddy. Akala ko hindi na kita makikita. Akala ko mamamatay na ako! Waaaah!" Patuloy siya sa pag-iyak habang nakasubsob ang mukha niya sa dibdib ko.
Hindi ko alam kung talagang nadadala lang siya ng takot at kabang nararamdaman niya kanina o baka tsumatsansing na tong babaeng to. Minsan kasi para-paraan din tong si Ysa.
Pero napatunayan kong totoong natatakot siya dahil nararamdaman ko ang panginginig ng buong katawan niya. Kahit naman siguro sinong mapunta sa sitwasyon niya kakabahan ng sobra.
Kung saka-sakaling nakabitaw siya, mataas ang pagbabagsakan niya. Sigurado akong mamamatay siya kapag nagkataon.
Ayaw niya tumigil sa kaiiyak kaya inilagay ko ang kamay ko sa likod niya. Tinatapik ko ang likod niya ng mahina para mapatahan siya.
"Wag ka na umiyak. Okey ka na."
Pero sa halip na tumigil, mas lalo siyang umiyak.
Ang gulo talagang kausap ng mga babae. Pinapatigil mong umiyak mas lalo tuloy na umiiyak.
Haay. Gulo.
Ysa's POV
Kanina pa kami nakahiga dito sa lupa at nakaunan ako sa dibdib ni Zane. Okey na talaga ako pero minsan lang to. Lulubusin ko na. Hehe.
"Okey ka na ba?" Tanong ni Zane.
Teka! Hindi ko pa nga nasisimot yung amoy ng pabango mo eh!
"WAAAAAAAAH! Akala ko talaga-"
BINABASA MO ANG
The Fall of the Fallen Angel
Short Story"When I met you, you were the last person I would love. That's what I said to myself." She wiped her tears as she continued her vows. "But little did I know, you were God's gift to me." Zane smiled as he heard her vows. He never thought he...