Ranz's POV
Oh come on. Ako pala ang susundo sa kanilang lahat. Ganito ang order ng pagsusundo.
Elle -> Zane -> Spike -> Zander -> Jessica -> Kia at huli sina Travis, Antonette at Cassandra since nasa iisang bahay lang naman silang tatlo.
Kung hindi lang kay Antonette, hindi ko gagawin to eh.
"Sir, nandito na po tayo sa bahay nila mam Elle." Mang Ricardo
Syempre! Asa namang magdadrive ako ng shuttle bus di ba? May driver kami syempre.
Bumaba na ako saka nagdoorbell.
*dingdong* *dingdong*
Hmm? Walang tao? Hindi kaya sa kabilang bahay siya natulog?
*dingdong* *dingdong*
"Sandali!" tinig ng isang matanda sa loob
Iniluwa ng pintuan si Yaya Sarah. Ang yaya ni Elle simula pagkabata pa lang niya.
"Ya, si Elle po?" ako
"Ay? Kaaalis lang kaninang madaling araw. Magbabakasyon daw." Yaya Sarah
Magbabakasyon nga ba o tinakasan lang kami?
"Ah sige po yaya. Salamat po." Ako
"Walang anuman." Yaya Sarah
Pabalik na sana sa loob si Yaya nang may maalala kong may nakalimutan akong itanong sa kanya.
"Ah ya sandali." Ako
"Bakit iho?" Yaya Sarah
"Kailan po balik ni Elle?" ako
"Hindi ko po alam eh. Walang pasabi yung batang yun." Yaya Sarah
"Ah sige po. Salamat." Ako
Sumakay na ako sa bus. Iniiwasan niya si Travis. Halata naman. Hindi naman talaga siya magbabakasyon.
Siguro tama na rin muna na malayo silang dalawa sa isa't-isa. Mas makakabuti siguro yun para hindi na nila masaktan pa ang isa't-isa.
Kung lumayo rin kaya muna ako kay Antonette? Para hindi siya masaktan at mahirapan?
Makakatulong kaya yun sa kanya?
Zane's POV
*bzzzt* *bzzzt*
Ano ba naman yan! Ang aga-agang abala!
Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung sino yung pasaway na umabala sa tulog ko. Kung sino man siya, huwag siyang magtangkang kausapin ako dahil baka maano ko siya.
From: Bangs
Good morning :* See you later.
Walanghiya! Akala ko naman mahalaga! Sa dinami-dami naman ng itetext niya bakit ako pa?
Tsk, makatulog na nga lang ulit.
*ring*ring*ring*
Sabi ko nga hindi na lang ako matutulog. Nakakahiya naman sa akin.
"Hello." Ako
"HOY GAGO! KANINA PA AKO DITO SA LABAS NG BAHAY NIYO! BAKA MAY PLANO KANG LUMABAS NA! KANINA PA SINASABI NG KATULONG NIYO NA PABABA KA NA DAW. GAANO BA KAHABA YANG HAGDAN NIYO PARA MATAGALAN KA SA PAGBABA?" Ranz
Isa pa to. Kalalakeng tao sumisigaw. Parang tanga lang.
"Mula langit hanggang lupa. Sige na bababa na ako. Ang aga-aga ang ingay mo." Ako
BINABASA MO ANG
The Fall of the Fallen Angel
Short Story"When I met you, you were the last person I would love. That's what I said to myself." She wiped her tears as she continued her vows. "But little did I know, you were God's gift to me." Zane smiled as he heard her vows. He never thought he...