Ysa's POV
"Honey, gising na. Di ka ba papasok?" Yugyog ni Mommy sa katawan ko.
"Mom, I haven't slept a wink. I just wanna rest for today. I'm not yet fine." Sabi ko sakanya
Magdamag ko kasing iniyakan si babylove kahit na buhay pa siya.
Feeling ko pulang-pula na ang mga mata ko sa kakaiyak. Parang ayoko ng pumasok.
"Sweetie, are you okay?" Tanong ni Mom.
"My, I told you I'm not feeling well." Sabi ko at nagtalukbong ng kumot.
"Sweetie, you need to get up. Being broken hearted is not an excuse. You need to continue living so get up and move your ass or I will decline all your cards and I will send you back to Tokyo." Takot ni Mom sakin.. as if naman na kaya niyang mahiwalay ako sakanya. Pagbabakasyunin na naman ako sa Tokyo. "...for good." Dagdag niya
"WHAT?!" Mabilis akong bumangon.
If she says for good, I know hindi siya sasama. Believe me, pag bakasyon pwedeng dun ako pero yung for good. Ibang usapan na. Baka ipilit ni lolo na ipakasal ako dun sa apo ng kaibigan niya mahirap na magpapakasal pa ko kay babylove...
"Mom, are you serious?" tinitigan ko siya.
"Are you?" Nakangiting balik tanong niya.
"MOM!" Angal ko sakanya. Babalik sana ako sa paghiga ng hinablot niya yung comforter ko.
"EROZLE!" Fine, fine.
Tamad na tamad na pumunta ako sa banyo upang maligo habang si Mommy naman ay lumabas na ng kwarto ko.
Nang matapos akong maligo ay kinuha ko yung uniform ko. Magpapalda ako ayoko ng mag pants mahirap kumilos sa school pag nakapantalon eh.
Habang nagpapatuyo ako ng buhok ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Ma'am Ria, may naghahanap po sainyo." Sabi ni Lanie pagkabukas ko ng pinto.
Tinignan ko yung orasan sa kwarto ko. 7:15 AM
Sino naman kaya yun? Bat ang aga?
"Sino daw?" Tanong ko.
"Ay ma'am lalaki po. Ang gwapo" kinikilig na sabi ni Lanie. Gwapo? WAAAAH Baka si babylove tapos magsosorry sakin. Yah! Naexcite ako sa paglabas ng kwarto ko para lang pala madisappoint dahil hindi siya si Babylove - Si Napoleon.
Anong ginagawa neto ng ganitong kaaga dito sa bahay namin? Infairness mukang respetadong estudyante pero kahit na. Manyak na yan. Buset.
"Good morning cupcake." Masayang bati niya sakin.
"Walang good sa morning ko kung ikaw ang una kong makikita. Pati di ako pagkain wag mo kong tawaging cupcake. Anong ginagawa mo dito sa bahay namin?" masungit na sabi ko sakanya.
"Sinusundo ka." Confident na sabi niya.
"Di ko kailangan ng sundo. Kaya kong pumasok mag-isa kaya makakaalis ka na." Sabi ko sakanya.
"Ria! Di kita pinalaking bastos." Pinandilatan ako ni Mommy bago siya bumaling kay Napoleon na ngayon ay nakangisi. "Ah Hijo, nag-almusal ka na ba? Halika't sabayan mo muna kami ni Ria mag-almusal bago kayo pumasok." Aya ni Mommy sa hinayupak na si Napoleon.
"Sige po. Tamang-tama di pa po kasi ako kumakain excited po kasi akong makita agad si Cupcake." Korning sabi niya na naghatid ng kilabot sa katawan ko.
Siguro napasukan ng kung anong tubig kahapon sa utak si Napoleon.
Nagalmusal kami na nagkukwentuhan si Napoleon at mommy. Hello? Andito kaya ako.
BINABASA MO ANG
The Fall of the Fallen Angel
Short Story"When I met you, you were the last person I would love. That's what I said to myself." She wiped her tears as she continued her vows. "But little did I know, you were God's gift to me." Zane smiled as he heard her vows. He never thought he...