Chapter 1

872 9 1
                                    

  "Ang swerte mo talaga, Ysa. May boyfriend ka na, may driver ka pa." napatawa na lang ako sa sinabi ni Yuuki habang nginunguso ang lalaking naglalakad palapit samin na kakababa lang sa agaw pansin niyang sasakyan.

Si Yuuki ay half-filipina ko na kaibigan dito sa Tokyo University mula ng magtrabaho ako rito bilang isang food tech instructor at cheerleading coach.

"Hi Cupcakes!" bati niya sakin bago ako halikan sa pisingi.

Apat na taon na.

Apat na taon na ang nakalipas mula ng sumama siya sakin dito sa Japan.

I felt so guilty throughout the years that past. Mabait sya. Lagi siyang nanjan for me. Sa loob ng apat taon na relasyon namen, laging sya ang nag-aadjust sa ugali ko. Yung laging siya ang nagtitiis sa mga isip batang ginagawa ko.

Alagang-alaga niya ko. Siya yung nanjan nung panahong lubog na lubog ang puso ko. He made me feel whole again.

"Are you done already?" tanong niya sakin pagkatapos niya kong halikan sa pisngi.

I just nod and smile.

"Yuuki, una na kami ha? Ingat ka." tumayo na ko mula sa kinauupuan ko at humawak sa braso ni Napoleon.

"You look gorgeous today." He leaned and whisper on my ear kaya pinalo ko na lang ang braso niya.

"Araw-araw mo naman yang sinasabi saken eh." Natatawang sagot ko sakanya hanggang makarating kami sa harap ng kotse niya.

"Araw-araw ka kasing maganda sa paningin ko." bolang sagot niya.

That's one of the best thing that I liked about him, he never fails to make me smile. Ibang-iba sa Napoleon na natapunan ko ng milk tea noon.

He matured enough for me. Napaka responsableng anak. Pinili niyang ihandle ang business nila dito sa Japan dahil nga gusto niyang sumama saken. Ewan ko ba naman sa lalaking 'to at patay na patay saakin.

Naalala ko nung unang beses niya kong dalhin at ipakilala sa family niya. Ang laki ng pamilya nila pero ang tumatak talaga sakin ay ang Mommy niya - Si tita Athena.

Akala ko dati di na ko makakalabas sa mansyon nila. Akala ata ng mommy niya inagaw ko sakanya yung anak niya.

Hawak-hawak niya ang kamay ko habang nagda-drive ng biglang tumunog ang phone ko. Binitawan ko ang kamay niya at hinalughog ang phone ko sa bag ko. Bat ba kasi ang gulo ng laman ng bag ko? ugh kainis.

Nakita kong nag appear ang pangalan ni Mariah sa screen at napailing na lang ako. Ipinakita ko ito kay Napoleon at napatawa na lang siya.

"Hi Bes!" Nakangiting bati ko sakanya ng sagutin ko ang facetime niya.
Bumungad sakin ang nakabusangot niyang muka.

"Hi ka jan! Hello Fafa Andrew!" Baah kapal talaga netong babaeng 'to hanggang ngayon ganun pa rin ang tawag niya kay Napoleon mula ng maging stable ang relasyon nila ni Marcus.

"Fafa ka jan. Saktan kaya kita?" biro ko sakanya at humalakhak naman sya.

"Miss na kita bespren! See you soon! nastress na ko dito sa kinocoach kong volleyball team mga hihina." Kung katabi ko lang siya feeling ko ay umiikot na naman ang mga mata netong babaeng to. Ilang sandali pa ay may mga ibang mukang bumungad sa screen.

"Cupcake look! Magkakasama sila." Pakita ko kay Napoleon ng screen. Bumungad samin kasi ang muka ng mga gang member niya. Duh ExO duh. haha

He pulled over on the side and looked at the screen. We both waved at them and smile. Puro kantyawan ang hinihiyaw nila. Hanggang ngayon mas kinikilig pa rin sila sa relasyon nameng dalawa. Sabi nga nila bago kami umalis baka daw binuntis na ko ng katabi ko at naglilihim kang kami.

"Mga ulol." natatawang bigkas ni Napoleon ng bumanat si Anton na kung kelan daw ang kasalan.

Napatigil ako dahil don.

Kasalan...


Pilit akong ngumiti ng mapansin kong natahimik sila.

"Sige na pagod na ang cupcake ko. Sa susunod na kayo tumawag." Nagpaalam kami ni Napoleon sakanila.

Tahimik lamang kami buong byahe pero hindi niya binitawan ang mga kamay ko habang nagdadrive siya.

Nakauwi kami at dumiretso ako sa kwarto ko.

Oo, magkasama kami sa iisang bahay dahil na rin sa kagustuhan ng parents ko. Hindi ko alam kung ano ang pinakain sakanila ni Napoleon at si Mommy pa ang nag suggest na wag ng bumili ng bahay muna dito sa Japan si Napoleon at dito na lang siya saamin tumira. Kami lamang dalawa dito dahil ang tagalag linis ay twice a week lamang pumunta.

Agad akong humiga sa kama ko. Kinuha ko yung phone ko at nag open ng facebook.

Sa unang taon namin dito, halos gabi gabi akong umiiyak dahil miss na miss ko si Zane pero sa loob ng panahon na yon, laging anjan si Napoleon para sakin.

Di naman naging kami ni Zane pero daig ko pa ang asawang namatayan ng asawa.

It's been four years since he confessed.

Masakit na di ko binigyan ang sarili ko na mahalin lalo siya pero mas masakit kung hahayaan kong kumapit ako sa bagay na alam kong una pa lang, sasaktan na ko.

He was the loved that I never had and he was the person whom let me explore love beyond my comfort.

He was my sweetest sin, the sin that will always marked as wound in my heart.

Ipinilig ko ang ulo ko. Hindi ko na dapat siya iniisip pa. Si Napoleon na ang kasama ko ngayon. I need to learn how to forget things that hurts me in the past and start focusing on how will I make Napoleon special.

Nagpalit ako ng damit bago lumabas ng kwarto. Naabutan ko siya sa kusina at nagluluto ng hapunan namen. Nilapitan ko siya.

"Gutom ka na, princess?" nakangiting tanong niya sakin. umiling ako.

"Tulungan na kita jan." sagot ko sakanya.

"Umupo ka na lang or ayusin mo na lang yung dessert naten." ganito kami kagi. Mas masarap kasi siyang magluto kesa sakin. Tapos ako sa dessert lang marunong then naghahati kami sa trabaho sa paglilinis ng pinagkainan namen dahil nga twice a week lang magpunta ang hapon na katulong sa bahay nila Lolo.

Nang matapos siya sa ginagawa niya ay nilapag niya sa kitchen counter and kani salad at donburi na niluto niya.

Mula ng lumipat kami dito sa Japan, alam kong malaki ang hirap niya sa pag aadjust dahil sakin. Sabay naming pinag-aralan kung paano mamuhay talaga dito since pareho kaming nakabase sa Manila.

Nilabas ko yung cake na binake ko at umupo sa stool kaharap niya.

"Tumawag pala si Mommy. Baka dumalaw daw sila dito." Sabi ni Napoleon habang kumakain kami.

"Hala edi kailangan pala nateng mag handa para don?" Parang bigla akong kinabahan.

Napangiti siya sakin.

"Alam mo wag ka sabing ngumingiti ng ganyan eh!" angal mo sakanya. kasi di bagay sa aura niya. Alam mo yung ruggedly handsome siya tapos yung ngitinniya pang boys next door? Yung pang mabait? Sabagay saken lang siya ganito. sa iba kundi siya poker face ay nakasimangot siya.

"Naiinlove ka ng sobra sa ngiti ko no?" pang iinis nya saken kaya napairap na lang ako.

Ang ganda talaga ng mga mata niya. Sabi niya sakin lahat daw ng nakakakita sa tunay na kulay ng mga mata niya ay special. Gusto kong saktan eh. Malay ko ba kung special child pala tingin niya saakin?

Dumiretso kami sa sala after namen kumain at maglinis. Magmomovie marathon kasi kami. Andito siya sa tabi ko at nakaakbay sakin.

Kinuha ko yung phone ko at sabi ko magselfie kami kaya napasimangot na naman siya.

Ayaw na ayaw niyang nagpapakuha ng picture. Ang sarap niya talagang saktan. Pero wala siyang nagawa ng ilagay ko sa may baba niya yung palad ko at ipilit siyang ngumiti.

Ang kinalabasan ay naka frown siya habang tuwang-tuwa ako sa pic.

I potsed the pic on my sns. feeling famous kasi ako maraming naglalabasang 'fans' daw namin. Nagsimula yon nung naging kami sa Hammerstein. Nung panahong para siyang tanga na may pa flowers at pa video at pa proposed pa sa gym.

After I posted the picture, I looked at him who's his eyes were fix on the television. I can't help but kiss him on his cheeks.

"Thank you, Cupcake." Halatang nagulat siya.

"Hmm? For what?" Nagtatakang tanong niya sakin.

I get his palm and intertwined our fingers.

"For everything. For keeping me safe, happy and loved." I am always like this. I am the one who's emotional and he's always the nice guy who understands everything I whined about.

"You know you're always gonna be welcome. I love you so much." Then he kissed me on my forehead before focusing on the tv again.

It was always like this.

He never gets tired of saying the 'I love you's just to make sure to let me know his feelings. His gestures and protections always keeping me safe and unworry.

I know eventually I will be the one to say those things to him. Were both taking it slow. Were both healing, moving on, and adjusting from what happened in the past and he never left. He was never disgusted about my feelings towards Zane before. Instead, he helped me to move forward each day. He provided me the lack of love that I need from Zane. He's always making sure that I have all I need and God gave him to me and He's more than what I asked for.

"I love you too." Its true that I love Napoleon, kaso mas matimbang pa rin ang pagmamahal ko kay Zane.

He then pulled me to sit on his lap and planted kisses all over my face.

Ang pagiging manyak niya ay lumala sa loob ng apat na taon. May mga pagkakataon na we almost make out but we make sure na walang nangyayari samin, I mean, don't get me wrong. We are kissing and that's just that. Kissing for me is already making out so stop that dirty thoughts on your minds.

I cupped his face and plant a quick kiss on his lips.

"Ang cute mo talaga, Cupcake ko." Nanggigigil na kinurot ko ang pinsgi niya at natawa ako sa itsura niya.

He caress my side and kiss me again. I replied his kisses pero halos mahulog ako mula sa kinauupuan ko ng biglang may narinig kaming mga gamit na nahulog. Sabay kamig napatingin sa may pinto dahil nasa living room lang kami. Agad akong umalis mula sa pagkakakandong sakanya at tumayo rin siya.

"KELAN PA KAYO NANDITO?!" Biglang bulyaw ni Napoleon ng makabawi sa pagkabigla.

"Oh sige ipasok n-" halos mahulog ang panga namen ng sa sumunod na pumasok.

"SURPRISE!!!!" Sigaw ng mommy ni Napoleon.

Kaka face time lang namin kanina sa mga asungot na 'to, bakit sila nandito?

Maniniwala ba kayong nahuli kami ng ExO at ni Migs na nagmemake out sa couch?! Buti huling pumasok ang parents ni Napoleon.

"Pre, we miss you too" Halakhakan sila sabay lapit samin.

Feeling ko masstress ako neto.  

The Fall of the Fallen AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon