Hell Boys

4.5K 57 0
                                    

Ang buhay ng tao umiikot lang sa mga bagay na makapagpapasaya at makapagpapalungkot sa atin. May mga panahong malulungkot ka meron din namang sobra kang sasaya.

Ako nga pala ang inyong tagapagsalaysay. Oo. Isa lang akong dakilang tagapagmasid sa buhay ng ating mga bida. Hindi nga nila alam na sinusulat ko na pala sa isang kwento ang buhay nila. Wag sana nila akong patayin kapag nabasa nila ang kwentong to. Maraming iiyak!

Maraming iiyak sa kakatawa dahil patay na ako. Pero syempre biro lang yan. Marami pa akong pangarap.

Bakit parang naging patungkol na sa akin ang kwentong to? Sandali, bumalik na tayo sa mga tunay na bida ng kwentong ito.

Sila ay sampung ordinaryong tao na mukhang ekstraordinaryo dala ng pribilehiyong ipinagkaloob ng buhay sa kanila. Kagaya lang din naman sila ng ibang estudyante diyan sa tabi-tabi. Nagyoyosi, naghihithit, snatcher, carnapper. Joke lang guys! I love you all!

Naging iba lang sila dahil maparaan at madiskarte ang mga magulang nila kaya nakakaangat sila sa buhay. Pero kagaya natin, tao lang din sila. Marupok, mabilis matukso! (Sandali?! Saan galing yun?! May pinanghuhugutan?!)

Heto na ang kwento ng isang anghel na minahal, nanakit, nahulog at nasaktan.

The Fall of the Fallen AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon