Ysa's POV
I am here right now with Elle in our tent. She didn't joined the bonfire activity just to accompany me.
"Ate Elle, you can go and have fun with them naman eh. Kaya ko naman mag-isa dito."
Natigil sa pagkalikot sa phone niya si Ate Elle saka lumingon sa akin. "Alam mo, hindi mo naman kailangang makonsensiya." Pinakita niya sa akin ang phone niya at nakita kong naka kakaotalk siya. "I can have fun here in the tent in so many ways. Kahit naman nandito ako, kausap ko pa rin naman si Travis so I don't really mind."
Natutuwa talaga ako sa kanila ni Travis. They looked so happy in their relationship.
"Ate Elle, hindi ba mahirap yung ganyan? Ang clingy ni kuya Travis sayo?"
Kasi di ba? Nakakasakal yung ganyan. Malamang kung ibang babae yan, napag-awayan na yan ng ibang couples at malamang humantong sila sa hiwalayan.
"Actually I don't mind. Mas gusto ko ngang ganun siya kaysa sa cold siya. But I won't deny that sometimes, sumusobra na at minsan nakakainis na pero kasi agad nawawala yung inis ko sa kanya kasi I find his actions sweet." Nakangiting sagot ni Ate Elle sa tanong ko. "Alam mo, I am so thankful that I don't have to ask. I mean, naibibigay niya at naipaparamdam niya lahat ng pagmamahal niya kaya I don't have anything to ask for."
"Pero bakit si Zane? I am giving everything to him but he won't accept my love for him?"
Binitawan ni Ate Elle yung phone niya saka seryosong tumingin sa akin. "Ysa, minsan kasi may mga taong hindi kayang sabihin sayo ng diretso ang mga bagay-bagay kaya pinaparamdam na lang nila sayo."
"So ibig sabihin, ayaw talaga ni Zane sa akin?" Yung tanong na yun pa lang, sapat na para mamuo ang mga luha sa mga mata ko at manikip ang dibdib ko.
"Assess it yourself. Si Zane lang ang makakasagot niyang tanong mo. Wala naman akong muwang sa kwento niyong dalawa." Ate Elle
Natigil kaming dalawa sa pag-uusap nang may magbukas ng zipper ng tent namin.
"Mine!" Hingal na hingal na saad ni kuya Travis nang mabuksan niya yung tent namin.
"Oh mine. Anong nangyari sayo? Bakit hingal na hingal ka?" Alalang tanong ni Ate Elle.
"Hindi ka na kasi nagreply. Akala ko may nangyari ng masama sa inyo." Kuya Travis
"Kalma lang mine. Masyado kang paranoid." Pinaupo niya si Kuya Travis sa tabi niya. "Nag-uusap kasi kaming dalawa ni Ysa about Zane."
"Okey." Kuya Travis
"Kuya Travis, kapag sinabi ba ni Zane na ayaw niya sayo, ayaw niya sayo?" Lakas loob kong tanong sa kanya.
Nagbabakasakali lang naman ako at baka sagutin niya ang tanong ko. Kilala kayang masungit tong si Kuya Travis kaya baka mabasag lang ako nito o masungitan.
"Una, wag mo kong makuya-kuya dahil hindi kita kadugo. Pangalawa, kung ayaw sayo ng tao, wala ka ng magagawa para baguhin pa ang pananaw niyang yun." Seryosong saad ni Kuya Travis.
Malakas na binatukan ni Ate Elle si Kuya Travis. "Ikaw talagang Chua ka. Yang dila mo, ang talas talaga ng tabas, papurulin mo nga."
Napayuko ako sa sagot niya. Wala namang masama sa sagot niya.
It's just that the truth hurts.
Zane's POV
Maaga kaming pinagising na lahat dahil may morning exercise pa daw bago kami umakyat sa mountain proper.
At dahil kakain muna kami bago umalis, mga babae ang abalang naghahanda ng pagkain naming lahat.
"Zane, pwede mo ba akong samahang kumuha ng dahon ng saging? Yun daw kasi ang gagamiting plates for today." Cassandra
BINABASA MO ANG
The Fall of the Fallen Angel
Short Story"When I met you, you were the last person I would love. That's what I said to myself." She wiped her tears as she continued her vows. "But little did I know, you were God's gift to me." Zane smiled as he heard her vows. He never thought he...