Chapter 6

362 11 0
                                    

Ysa's POV

Lahat sila umakyat na sa mountain proper para marating ang tuktok samantalang ako, naiwan dito sa bus kasama si Migs. Ayaw na akong pasamahin ni mam sa taas dala ng pilay ko sa binti.

Hindi mawala-wala sa isip ko yung nakita ko kanina. Para iyong isang eksena sa pelikula na paulit-ulit kong nakikita sa isip ko. At sa tuwing nauulit ang eksenang yun, nararamdaman ko rin ang kakaibang sakit sa dibdib ko.

I know our feelings are not mutual. Pero heto pa rin ako at patuloy na umaasang mamahalin niya ako.

Wala naman kasi kay Zane yung problema. Nasa akin. Feelings ko naman kasi to. Hindi naman kasi niya macocontrol to.

"Oh, bakit ang bigat naman ata nun?" Saad ni Migs habang may kinakalikot sa cellphone niya. Malamang kausap na naman nito si Marcus.

"Best, mahal mo ba si Marcus?"

She stopped what she was doing then faced me. "Baliw ka ba? Anong klaseng tanong yan?"

Natawa ako sa sagot niya. "Nice one best. What a way to escape my question."

"Ano ba kasing problema mo Ysa Yokohama? Don't try to make a fool out of me. Alam kong may problema ka. I wouldn't be your bestfriend for four years kung hindi kita kilala. Spill it." Seryosong saad ni Migs.

That was the cue. Yung mga luhang kanina ay pinipigilan kong lumabas, umagos na lang ng kusa. Yung sakit na pilit kong tinatago kanina, hindi ko na nagawang ikubli gamit ang mga ngiti ko.

All I can feel is pain. Nothing but pain.

"Ka-si si Zane-"

"Si Evans na naman? Look Ysa. Ayoko sanang sabihin to pero mas mabuti na rin siguro to nang matauhan ka." Hinarap ako ni Migs sa kanya. "Look straight into my eyes and listen. HINDI KA MAHAL NI ZANE."

Mas dumami ang luhang naglabasan mula sa mata ko. Hindi ako umiiyak dahil hindi ko matanggap yung sinabi niya. Umiiyak ako dahil alam kong totoo yung sinabi niya at wala akong magawa patungkol doon.

"Ikaw lang naman tong pinipilit ang sarili niya kay Zane. Zane has nothing to do with your feelings. Okey. I get the point na hindi mo rin naman mapipili yung taong mamahalin mo pero you should have at least reserved some love for yourself! Ang hirap sayo Ysa, bigay-todo ka kaya ka nahihirapan eh." Ramdam ko ang frustration ni Migs sa bawat bitaw niya ng salita.

"Pero best di ba ganun naman talaga dapat kapag nagmahal ka? Ibibigay mo lahat para wala kang pagsisihan sa bandang huli?"

"What you are telling me right now is only applicable if you fell in love with the right person. Ang problema Ysa, hindi right person si Zane dahil ginawa mo na ang lahat para sa kanya pero balewala pa rin. Isn't it time for you to stop? Kung ikaw hindi napapagod, maawa ka naman sa puso mong durog durog na at walang gustong pumulot at bumuo. Ikaw na lang ang magbubuo niyan. Ikaw mismo dahil yung taong gusto mong bumuo niyang puso mo, kahit kailan hindi gagawin yun para sayo." Migs

Wala akong nagawa kundi tumingin sa lapag. Oras na ba para kalimutan ko si Zane? Dapat ba talagang magmove on na ako?

Marami na akong nagawa para lang sa pagmamahal ko kay Zane. Marami na akong nasakripisyo. Kulang na lang pati kaluluwa ko ipagkanulo ko sa demonyo para lang mapasaakin si Zane.

Pati nga gayuma handa kong gamitin mapasaakin lang si Zane.

"Excuse me mga ne."

Napaangat ako ng tingin at nabigla nang may makita akong matandang babae na nasa bus namin.

"Nay, may problema ba?" Migs

"Itatanong ko lang sana kung may pagkain kayo. Nagugutom na kasi ako." Yung matandang babae.

The Fall of the Fallen AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon