Ysa's POV
Alas-kwatro na ng madaling araw at inaayos ko ang mga babaunin namin ni Zane para mamaya. Syempre hindi ko pababayaang magutom ang babylove ko!
Sandwich, juice, softdrinks, water ... Hmmm? Ano pa ba?
Kinuha ko ang cooler na pinaglalagyan ko ng drinks. Nilagay ko na rin sa loob nun ang maraming ice tubes at ice cubes. Nagpabili din ako kay yaya ng isang blokeng yelo para lang masigurong may makukuha kaming malamig na inumin mamaya ni Zane.
Nagdala na rin ako ng desserts. Gumawa ako ng mango float kagabi at graham cake kaya nilagay ko rin yun sa cooler.
"Uhmmm? May kulang pa ba?" Nakangusong saad ko habang pinipin-point ang mga dadalhin ko.
"Sweetheart, ang aga mo atang nagising?" Napatingin si mommy sa mga gamit na nakalatag sa harap ko. "Uhmm, baby. Ang alam ko class camping ang pupuntahan niyo. Hindi ka naman maglalayas. Bakit ang dami mong dala?" Takang tanong ni mommy.
Napatingin ako sa mga gamit na nasa harap ko. "Bakit mommy? Sobrang dami ba?"
"Hindi naman baby. Sobraaaang dami. Hindi mo naman kami ininform na maglalayas ka pala." Natatawang saad ni mommy saka umupo sa sofa na nasa harapan ko.
"Mommy, ayoko lang namang magutom si babylove eh." Nakangusong sabi ko kay mommy. "Magkatabi kasi kami sa bus."
"Ikaw na baby. Why don't you introduce to us your babylove?" Mommy
Mabilis akong umiling. "Not now mommy. But hopefully soon. Maipapakilala ko din siya sa inyo."
"I will wait for that time sweetheart." Nakangiting saad ni mommy.
Pinagpatuloy ko lang ang pag-aayos at nang sumapit ang alas singko y media, pinasakay ko sa sasakyan lahat ng gamit ko.
"Bye mom! Sabihin niyo na lang kay dad na maaga akong umalis."
"Sure sweetheart. Take care baby." Mommy waved as the car started. Tinignan ko pang maigi si mommy saka ako kumaway sa kanya.
Minabuti ko munang matulog sa sasakyan dahil napagod ako sa paghahanda.
Pagkagising ko, nasa university na kami. Nakita ko kaagad ang tatlong bus ng eskwelahan na naghihintay na sa amin. Agad kong hinanap ang adviser namin para malaman niyang nandito na ako.
"Diyusmiyo Ria! Naglayas ka ba sa inyo? Wala ka na bang planong umuwi sa inyo?! Bakit ang dami mong dalang gamit?" Tinuro ni best yung isang malaking maleta na hatak-hatak ng driver namin.
Napanguso ako. "Bakit ba? Wala namang masama sa mga dala ko. Hindi naman kayo ang mahihirapang magbitbit. Bakit umaangal kayo?"
"Best, wala naman talaga akong pakialam kesyo mahirapan kang magbitbit. Nabigla lang ako sa dami ng mga dala mo. Akala ko wala ka ng planong umuwi sa pamilya mo." Migs
Over ang reaksyon ng mga tao sa paligid ko. Natural lang naman sigurong magdala ako ng maraming gamit dahil babae ako di ba?
Pinatawag na kami ni mam saka isa-isang pinapasok sa bus. Isa-isang tinatawang ang mga apelyido namin bago kami pumasok sa bus.
"Evans." Tawag ni mam sa apelyido ni babylove ko.
May dalang backpack si babylove saka siya umakyat papasok ng bus.
"Yokohama." Mam
Yes! Habang hawak ang shoulder bag ko, pasimple kong inabot kay mam yung isang bucket ng chicken na inorder namin bago kami pumunta ng school.
Napansin ko ang pagkakunot ng noo ni mam pero hindi ko na inalintana yun. Kainin na lang niya yung chicken tutal wala namang lason yun. Hindi naman siya mamamatay.
BINABASA MO ANG
The Fall of the Fallen Angel
Short Story"When I met you, you were the last person I would love. That's what I said to myself." She wiped her tears as she continued her vows. "But little did I know, you were God's gift to me." Zane smiled as he heard her vows. He never thought he...