"Ikaw nga bespren ay umamin saken, nagpasecret wedding na ba kayo ni fafa Napoleon?" halos maibuga ko kay Migs ang iniinom kong tubig.
Nandito kami ngayon ni Migs sa kwarto ko. Ang sabi nila, dalawang linggo silang magbabakasyon dito sa Japan.
"Para ka namang timang. Kasal agad?!" bulyaw ko sakanya.
"Edi, kundi pa kayo kasal, gumagamit naman ba kayo ng proteksyon?" tuluyan ko ng binato kay Migs ang hawak kong bote ng tubig.
"Alam mo ikaw, ang manyak mo ha. Wala pang nangyayari samin no." Sagot ko sakanya.
"Wala pa? So, may balak ka talaga no? Eh halos kainin mo ng buo yung tao sa paghalik mo tapos wala pa?" nakangisi niyang saad.
Jusko paano ko po ba naging kaibigan ang isang 'to?
"Alam mo ikaw, nahawa ka na jan kina Yves sa pagsama mo sa kanila. Napakamanyak mo na rin." Inirapan ko siya.
Pumasok ako sa walk-in closet ko at kumuha ng damit pampalit. Maliligo muna ako bago bumalik sa sala.
Tumuloy ako sa bathroom na nasa loob rin ng kwarto ko. Habang nasa ilalim ako ng shower ay di ko naisip kung san ko sila papatulugin. Malaki naman yung bahay namin ni Napoleon. Actually, nung una sabi ko kay Mommy ay sa isang apartment building na lang kami pero ayaw nila. Gusto nila ay dito sa bahay na binili nila. May mga guestrooms din naman dito so I think kasya na sila.
Pagkalabas ko ng banyo ay nakita kong nakadapa sa kama si Migs habang nagbobrowse sa laptop ko.
Narinig niya siguro ang tunog ng pinto kaya napatingin siya sakin.
Naningkit ang mga mata niya habang tinitignan ako. Nagtaka ako pero halos lumuwa ang nga mata ko ng makita ko ang tinitignan niya sa laptop ko.
Fucking shit.
Napamura ako sa sarili ko.
"Anong ibig sabihin nito, Ria?" masungit na tanong niya. Narinig ko rin ang buntong hininga niya at ibinalik ang tingin sa laptop kung saan nandoon ang mga pictures ni Zane.
Oo, I kept myself a copy of his pictures. Nalimutan kong magaling nga pala maghanap ng hidden files tong si Migs.
"Akala ko ba kaya ka lumayo para kalimutan sya?!" bulyaw niya sakin ng hinarap niya ko.
Nag-iwas ako ng tingin.
"All this time, akala ko wala na siya. Akala ko okay na kayo ni Napoleon pero ano 'to? Ano, sasaktan mo na naman ang sarili no?! Ria it's been fucking four years and he's happily living his life without you!" sigaw niya sakin.
Akala ko di na ko ulit maapektuhan. Matagal ng panahon... Apat na taon na. Apat na taon na mula ng huli ko siyang nakita. Pero parang kahapon lang. Parang kahapon lang ang sakit ng nararamdaman ko nung umalis ko.
Pinatay niya ang laptop at lumapiy sakin.
She held both of my shoulders and shake me.
"Ria, hanggang ngayon ba siya pa rin? Kaya ba hindi mo masagot yung proposal ni Napoleon?! Ria naman, tama na. Tigilan mo na please." Lumambot ang boses niya.
Napahikbi na lang ako. Di ko naman inaasahan na makikita niya yon.
"N-nakalimutan ko lang burahin y-yan." nauutal na saad ko.
"NAKALIMUTAN? FOR FUCK SAKE RIA ITS ALMOST FOUR YEARS AND ALL THOSE YEARS HINDI MO BINURA?! ANONG NAKALIMUTAN EH HALOS LAHAT NG NAKALAGAY DON AY NGA RECENT UPDATE SA PAGE?!" Napapikit ako sa bulyaw niya.
BINABASA MO ANG
The Fall of the Fallen Angel
Short Story"When I met you, you were the last person I would love. That's what I said to myself." She wiped her tears as she continued her vows. "But little did I know, you were God's gift to me." Zane smiled as he heard her vows. He never thought he...