Hell Boys Chapter 1

3.5K 40 2
                                    

Elle's POV

Welcome freshmen!

Welcome back to school.

Psh, sa ilang tatlong taong pag-aaral ko dito, yan na lang palagi ang nababasa ko. Wala na bang bago tuwing first day of classes? Haay.

Okey. Here we are in this scenario again. Isang sobrang habang pila dahil isa-isang iniinspeksyon ang mga gamit ng estudyante considering isang guard lang ang nagchecheck ng lahat ng gamit ng mga papasok. Sana ginawa nilang tatlo ang nagchecheck ng gamit para walang hassle.

*BEEEEEP*

Napalingon ako sa walanjong napakalakas magpabusina ng sasakyan. Pwede naman kasing isang simpleng busina lang. Kailangan pang isang mahaba. Para lang sana malaman niya masakit sa tenga ang tunog ng busina ng sasakyan niya. Sana marealize niya yun.

"OUT OF THE WAY! NOW!" Yung driver ng sasakyan.

"OH MY GOOOSH! Bago na naman ang car ni Alezander? My goosh!" girl 1

"At mas pumopogi pa siya ah! My gooosh! I want him to be mine na talaga!" girl 2

Nagsitabihan naman ang mga estudyante para bigyang daan ang pagpasok nung Alezander. Nakaharang na kasi sa gate ang pila ng mga estudyante dala ng sobrang haba nito.

Pumasok na siya buhat noon. Isa yan sa benefits ng may sasakyan ka. Dire-diretso ka lang makakapasok sa university. Hindi mo na kailangang pumila ng pagkahaba-haba para lang makapasok.

Finally after twenty minutes of waiting nakapasok din. Ewan ko din dito sa mga to. Wala namang magtatangkang magdala ng bomba dito bakit kuntodo inspeksyon. Sa umpisa lang naman. Hindi nagtatagal. Yung mga ganitong inspeksyon, uso lang sa first week of school.

Aish, fourth year na nga ako. Congrats to me! Malapit na makatapos! Ang problema naman, this will be a hell year for me.

Why? You'll know soon.

Alezander's POV

"Bago ang auto pre ah." Travis

"Oo. Himala maaga kang pumasok." Ako

"Syempre first day of classes. Kailangan magpapogi points." Travis

"Sira ulo. Sina Ranz, Zane at Spike? Wala pa?" Ako

"Mukha bang nandito na? Dadalawa pa lang tayo dito dre." Travis

Binato ko ang binder notebook ko sa kanya. Tinatanong ng maayos hindi sasagot ng maayos.

"ARAY NAMAN! BUONG BAKASYON TAYO HINDI NAGKITA TAPOS GANYAN KA! IWELCOME MO NAMAN AKO NG MAAYOS." Travis

"Pinagtataasan mo ko ng boses?" ako

"Oo bakit? Papalag ka?" Travis

"Hindi naman brad. May sinabi ako? Pero kung makapagsalita ka parang hindi tayo magkakasama nung bakasyon. Napagsawaan ko na nga yang mga mukha niyo." Ako

"Pre! Ikaw pa talaga ang nagsawa! Hiya kami sayo!" Zane

Napalingon ako sa likod ko. Nandun na sina Zane, Spike at Ranz

"Oh, bakit sabay-sabay ang mga alipin?" Travis

"Gago ka! Mas lamang lang kayo ng konti sa amin! Mga tarantado!" Spike

"Lamang pa rin."Ako

"Oo na lang." Ranz

Lumapit sila at nagkamay kaming lima. Yan ang ginagawa namin sa tuwing magkikita o magkakasama kaming lima.

Graduating students na kaming lahat. Magkababata kaming lima. Palagi na lang kaming magkakasama. Sa lahat ng bagay sa lahat ng ideya, palagi kaming magkakaugnay. Malapit na din kasi ang mga pamilya namin sa isa't-isa.

The Fall of the Fallen AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon