Ysa's POV
"Captain una na kami! Bye!" Sigaw nila Gia sakin dahil nasa loob ako ng shower room kakatapos lang namin mag practice.
"Sige! Ingat kayo." Sigaw ko pabalik pagkatapos ay narinig ko ng bumukas at sumara yung pinto hudyat na wala na kong kasama sa loob.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay kinuha ko yung phone ko para icheck yung mga messages. May 13 messages ako. Yung apat ay galing kay Migs tapos yung tatlo ay gm ng mga schoolmates ko then yung anim ay galing kay Napoleon. Agad kong binura yung text ni Migs na hindi ito binabasa. Yung mga GM naman ay binura ko na rin pagkatapos ay tinignan ko yung mga messages ni Napoleon at napailing na lang ako dahil puro kakornihan yung iba tapos yung huling text niya ay sinabi nyang nasa labas sya ng GYM at nag-inntay sakin.
Kinuha ko na yung gamit ko at isinukbit sa balikat ko yung gym bag ko then lumabas na ko ng locker room.
"Ysa" may narinig akong tumawag sa pangalan ko paglabas ko ng locker room.
Lumingon ako at nakita kong si Zane pala ito. Tila ako naging bato sa kinatatayuan ko at hindi ko nagawang kumilos. Hindi ko rin nagawalng tumingin sa mga mata nya dahil natatakot ako. Natatakot akong baka pagnakita nya ang mga mata ko ay malaman nyang mahal na mahal ko pa rin sya kahit na pinagtabuyan nya ko.
"The last time I check, hindi tayo magkakilala." Tanging sabi ko at sinimulan ko ng lumakad dahil feeling ko babagsak ang luha ko ano mang oras kahit na wala syang sinasabi o ginagawa.
"S-sandali lang." Naramdaman ko ang kamay nya na pinigilan ang braso ko at inikot ako paharap sakanya kaya yumuko lang ako. Ayokong makita ang muka nya. Ayokong magpadala ulit sa nararamdaman ko.
"I need to talk to you" Halata ang otoridad sa boses niya nung sabihin nya ang mga kataga na yun.
"W-wala tayong dapat pag-usapan. L-let me go." Mahina at naginginig na sabi ko. I know any moment I will burst out in crying. Di pa ba sapat yung mga masasakit na salitang sinabi nya sakin kaya gusto niya pa kong kausapin?
Alam ko muka na kong tanga. May parte ng isip ko na gustong lingunin ang muka nya at halikan sya pero alam ko na mas papababain ko lang sa sarili ko pag ginawa ko yun. Pride na lang ang meron ako dahil kinuha na nya ang buong puso at pagmamahal ko pero binalewala nya lang.
"Please Ysa, talk to Migs. She needs you. Bestfriend mo siya di ba?" Diretsong sabi niya.
I ball my fist. So kaya nya ko kinakausap ay para utusan akong kausapin si Migs? Hindi ba nila alam kung gano kasakit ang ginawa nila sakin? Na yung akala mong kaibigan mo ay hindi paptusin ang lalaking mahal mo? Oo i get the point na hindi kami ni Zane pero kung matino kang kaibigan at alam mong mahal ko yung tao, sa tingin mo ba gagawin mong i-enjoy ang paghalik sa lalaking mahal ko?
Kinalas ko yung pagkakahawak nya sa braso ko. Nanatili akong nakayuko.
"K - kausapin mo na si Migs. Hindi naman nya kasalanan eh" dagdag pa ni Zane.
Hindi kasalanan?
Napatawa ako ng payak dahil sa mga naririnig ko. Naramdaman ko na rin yung luha na tumakas na sa mga mata ko.
"Please.." Mahinang sabi nya pero sapat na upang malinaw kong marinig.
Please
He can say please... Ganyan ba talaga ang epekto sakanya ni Migs?
"CUPCAKE!" Nakarinig ako ng mga yabag na patakbong tumutungo sa kinatatayuan namin kaya mabilis kong pinunasan ang luha sa mga mata ko at nilingon ang taong tumawag sakin - Napoleon.
Ngumiti ako sakanya.
"T - tara na?" Tanong ko sakanya ng makalapit sya at tumigil sya sa harap ko.
BINABASA MO ANG
The Fall of the Fallen Angel
Historia Corta"When I met you, you were the last person I would love. That's what I said to myself." She wiped her tears as she continued her vows. "But little did I know, you were God's gift to me." Zane smiled as he heard her vows. He never thought he...