Sanya
P-Pasado alas siyete na ako nakauwi sa bahay. Nakita ko agad ang bulto ng katawan ni nanay sa loob ng sala, Ang talim ng tingin niya sakin.
"Bakit hindi ka umuwi kagabi Sanya, Sinabi sakin ni Reymart na wala ka sa kwarto mo kagabi, Hindi ka umuwi, saan ka natulog magdamag sa boyfriend mo?" Binulyawan niya ako, ang aga-aga sermon agad ang inabot ko. Kaloka.
"Nay,puwede po kumalma ka muna, ganito kasi yan, magpapaliwanag ako kung bakit ako inumaga umuwi dahil kagabi palabas ako sa Goverment building may lalaki lumapit sakin Nay, Gusto niya ako patayin at pinagtangkaan niya pa nga ako holdapin e, ito bag ko gusto niya makuha, may lalaki tumulong sakin Nay, Ginamot niya ang sugat ko sa kagagawan ng holdaper na yun" Sabi ko. Pinaliwanagan ko siya sa totoo nangyare sakin kagabi.
Pinakita ko sa kaniya ang sugat ko.
"Ganun ba anak, Sige Magpahinga ka na at huwag ka muna pumunta sa palengke, ako na muna bahala doon" Saad niya habang hinihigop ang mainit na kape.
"Sige po nay, pasok na ako sa kwarto ko" sabi ko.
"Oh sige Sanya, Magpahinga ka na muna, yan sugat mo hugasan mo yan at gamutin para hindi ma infection" Pa alala niya sakin. Tumango nalang ako.
"S-Sige Nay" Pumasok ako sa kwarto ko at humiga ako agad ako sa Kama. Ang lambot-lambot ng Kutson, binili ko pa ang kutson na ito sa Bombay na naglalako sa labas.
N-Napako ang mata ko sa kisame habang nakatitig lang doon, Mabuti nalang dumating si Matthew para iligtas ang buhay ko. Hindi ko makakalimutan kung paano niya ako kamuntikan halikan kagabi at yakapin sa kama na kami Dalawa lang. Paano kung may nangyare samin dalawa? Paano na ito Precious body ko.
Gosh!
Pinasadahan ko ng tingin ang sugat ko. Hindi lang ako makapaniwala na siya ang nag-asikaso nito kagabi. Ang bait-bait talaga ni Architect kaya crush na crush ko siya. Lord bigyan Mo naman ako ng sign na siya na talaga ang Forever ko.
Ito naman ako, Malala na yata ang tama ko sa Architect na yun. Dahil sa sobra imagination ko ay nakatulog ako agad. Naramdaman ko may humawak sa balikat ko.
"Ate gising na" Niyugyog niya ang balikat ko.
"Anong oras na ba Reymart?" Napaliyad ako habang kinukusot ko ang mata ko.
"Eight o'clock ng gabi ate" Saad niya kaya napabalikwas ako. Hindi ko namalayan na matagal pala ang tulog ko. Buong araw ako tulog dahil hindi ako nakatulog ng maayos kasama si Matthew.
"Ganun ba, kumain kana ba ng hapunan? Anong ulam natin?"
"Ate may gwapo lalaki pumunta dito kanina" Saad niya.
Tumingin ako sa kaniya.
"Anong sabi mo?"
"Sabi ko Ate may pumunta lalaki dito kanina. May dala siya prutas sayo Ate. Gwapo ate, matangkad. Medyo moreno ang kutis ng balat ate. Sino yun boyfriend mo? Tinatanong niya sakin kung saan ka daw, e ang sabi ko tulog ka, kaya hindi na kita ginising, sabi niya sakin huwag na kita gisingin ate" Saad niya.
Bigla ako nahihiya kasi pumunta pa dito si Matthew para kamustahin ako. Ayaw ko pumunta sa site. Bahala siya sa buhay niya. Kahit crush na crush ko siya titiisin ko muna hindi ko siya makita. Ano ba ito nangyayare sakin!
Bumangon ako sa kama dahil nakaramdam ako ng gutom, Pumanik ako sa kusina. Sumandok ako ng kanin at ulam. Adobo pusit ang ulam. Ang sarap!
Okay na ang pakiramdam ko ngayon at iyon sugat ko medyo humihilom na ang sugat. May gamot kasi ako Iniinom para madali gumaling. Bweset na holdaper na yun may balak pa ata patayin ako.
YOU ARE READING
MB Series #2 Beautiful Stranger(R-18)Complete
RomanceNatigilan si Matthew Montenegro ng mapansin niya ang isang babae umiiyak sa tabi ng daan dahil napigtas ang Tsinelas nito. Dahil sa awa binigyan niya ito ng pera. Nagulat siya ng isang araw ay pumunta ito sa Sites kung saan ginagawa ang condominium...