Sanya
N-Niyakap ko ng Mahigpit si Elizabeth, hinihimas niya ang buhok ko habang yakap-yakap niya ako. Ako na ang kusang bumitaw. Ang lungkot naman kasi madalang namin magkita ni Elizabeth dahil hindi na ako madalas pupunta sa Palengke.
"Elizabeth ma miss kita" sabi ko sa kaniya.
"A-Ano kaba sanya okay lang, buntis ka pala, ninang ako ng mga anak niyo ni Architect ah" Saad niya, hinawakan ko ang kamay niya.
"Ikaw ang una sa mga listahan ng mga ninang at ninong ng mga anak ko" sabi ko.
"Wow ang lakas ko talaga sayo Sanya, basta palagi ka mag-iingat, Deserve mo maging masaya kasama ang Prince Charming mo. Oh huwag ka malungkot diyan dahil nagbubunga na lahat ng mga pinagpaguran mo" Saad niya.
"Tama ka" ito na ang huling araw na makakasama ko siya. Hindi ko alam kung ano araw ko siya mabibisita dito sa Palengke.
Si Attorney ang sumundo sakin kasi nasa Tagaytay si Matthew may inaasikaso. Tinulungan niya ako ilagay ang mga maleta ko sa likuran ng sasakyan niya.
"Iba din talaga si Bayaw, magsasama na kayo ng kuya ko?" Inakbayan niya ako kaya siniko ko siya."Aray, si bayaw talaga masyado seryoso kaya lumalaki yan butas ng ilong mo e" natatawa sabi niya.
"Ako na naman ang nakikita mo Kiero" sabi ko sa kaniya.
"Ikaw lang naman ang bayaw ko, si Phoenix wala girlfriend, ako umaasa parin mapansin ni Crush, ikaw malapit muna maging asawa si Kuya" Saad niya.
"Bakit hindi mo kasi ligawan"
"Gosh, basted nga ako bayaw, oh diyan kana sa harapan umupo, ingat baka mapaano ka yare ako kay kuya kapag hindi ko iniingatan ang Prinsesa niya. Alam mo naman yun nakakatakot magalit" Saad niya.
"Bakit nakita mo na ba nagalit ang kuya mo?" Tanong ko.
Binubuhay niya ang makina ng sasakyan. Nagpaalam na ako kay nanay at Tatay kagabi, pati kay Reymart. Ma miss ko ang pamilya ko, Araw-araw ako mag bisita sa kanila.
"Oo nakita ko na magalit yan si Kuya. Nakakatakot" sabi niya.
"Mabuti Hindi ka tinamaan?" Sabi ko.
"High school ako noon bayaw, nasangkot ako sa Trouble sa campus, mayabang naman talaga yun hambog na varsity player na si Dominic Sanchez, Ang hangin porke sikat, ka team ko siya sa basketball bayaw. May hindi kami pagkakaunawan noon kaya nagsuntukan kami dalawa. Na suspended ako sa school bayaw. Nalaman yun ni kuya galit na galit siya kasi wala ang magulang namin sa Pilipinas, sa state si Mom and dad. Sinuntok ako ni Kuya dahil sa nangyare. Ganun talaga magalit si kuya dinadaanan sa Physical. Pero nagbago siya nun mag college siya. Dahil kay ate Cristine" Saad niya.
"True love niya yun Kiero" sabi ko sa kaniya.
"Oo, true love niya yun" Nalungkot ako ng lisanin namin ang lugar at ngayon binabagtas ang kabuuan ng Highway papunta sa Condo ni Matthew. "Bayaw saglit lang magpakarga lang ako ng gasoline" dumaan kami sa Caltex.
Sa wakas nakarating kami sa Unit ni Matthew, may susi si kiero kaya nakapasok kami sa loob, Tinulungan niya ako ipasok ang mga gamit ko sa loob.
"Bayaw ako na diyan, umupo ka doon sa sofa, bawal sayo magbuhat ng mabigat baka mapaano ka pa" Inagaw niya sakin ang maleta."Ako na"
"Salamat Kiero, hindi ka lang gwapo at hot, mabait ka rin" sabi ko.
"Gwapo ba ako bayaw?" Nakangisi tanong niya sakin.
"Oo, kayo tatlo magkakapatid mga gwapo, walang tapon, Pero iba-iba ang mga personality niyo tatlo. Si Phoenix hindi ko masyado nakakausap yun, maliban sayo." Sabi ko.
"Si Phoenix mabait yun. Busy lang sa Ospital. Admin kasi siya sa Ospital ni lolo Samuel." Sabi niya.
"Ikaw naman Attorney."
"Attorney na gwapo bayaw. Marami ako pinaiyak na babae dahil sa ka gwapuhan ko" bigla ako natawa.
"Hahahaha" Bigla sumakit ang tiyan ko sa katatawa kay Kiero.
"Kung makatawa naman to, akala mo wala na bukas, bayaw sinasabi ko sayo totoo yun" sabi niya.
"Hahahaha GGSS ka masyado Kiero"
"Ano GGSS ka diyan,That true, I'm handsome" taas noo sabi niya."Bayaw ano gusto mo food mag order ako?"
"Kahit ano nalang"
Inayos ko ang mga gamit ko. Pumasok ako sa kwarto ni Matthew. Dito kami nag sex ni Matthew.Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto ito. Hindi parin ako makapaniwala na magsasama kami ni Matthew. Pagkagising ko sa umaga ang mukha niya ang masisilayan at makikita ko. Ipagluluto ko siya ng almusal, lunch at hapunan.
Na miss ko na siya agad.
"Bayaw dumating na yun food.Lets eat" sabi ni Kiero kaya lumabas ako sa kwarto.
"Thank you Kiero" sabi ko.
Kinindatan niya ako habang nilalantakan ang pizza.
"You're welcome bayaw. Ito ang susi ng unit. Aalis na ako Pagkatapos ko kumain, if you need anything magsabi kalang sakin okay." Mabait talaga si Kiero. Napakabuti ng puso niya kahit may kalog minsan.
Nilapag niya ang susi sa ibabaw ng mesa.
"Sige Kiero" Kumain ako ng pizza binili niya.
"Bayaw alis na ako, may ka meeting ako sa Makati, ano gusto mo pasalubong pagbalik ko?" Napabuga ako ng hangin.
"Naku Kiero kahit huwag na" sabi ko sa kaniya.
"Okay, bahala ka kung ayaw mo, hindi na kita mapipilit pagdating sa mga ganiyan, basta mag-iingat ka dito" Saad niya.
"Bye Kiero"
"Bye" lumabas siya sa Unit, ako ang naiwan mag-isa dito sa Condo ni Matthew. May napansin ako picture frame sa ibabaw ng Table sa gilid ng bintana.
Si Matthew ito ah at ang kasama niya, si Cristine. Masayang-masaya sila sa larawan, makikita ko mahal nila ang isat-isa. Hindi naman ako dapat magselos sa ganito. Dahil mas nauna si Cristine nakilala si Matthew bago ako. Hindi ko mapapantayan si Cristine sa puso ni Matthew.
Ni respeto ang bawat desisyon ni Matthew sa buhay. Okay lang naman sakin kahit may mga picture pa sila dalawa. Ang larawan na ito ang nagpa-alala kay Matthew kung gaano niya kamahal si Cristine Torres.
He's really love her, alam ko naman yun. May nakita ako Photo album kaya kinuha ko yun at binuksan ko.
Marami sila picture ni Matthew magkasama. Ang sweet nila sa mga litrato ito, ang iba picture kuha sa ibang bansa. Mahilig pala sila dalawa mag travel noon, May sweet photo Sila kuha sa Restaurant. 'Happy second year anniversary my buddy, my love'. Nakalagay sa photo.
Wow grabe pala talaga magmahal ang isang Matthew Montenegro. Ang sweet-sweet niya kay Cristine. May kuha sila dalawa magkasama. Birthday siguro ito ni Cristine kasi may hawak-hawak na cake si Matt. Binuklat ko isa-isa pero nasaktan ako sa nakita ko. May litrato sila dalawa ni Matthew, nakaratay sa Ospital bed si Cristine habang hawak-hawak ni Matthew ang kamay niya may Oxygen sa bibig. Parang nasa ICU sila dalawa. Malala na talaga ang kondisyon ni Cristine noon dahil sa sakit. Kitang-kita ko sa mga mata ni Matthew ang sobra lungkot at pag-alala sa Nobya.
Stage four brain cancer. Ito ang kinamatay niya. Sa huling pages, ang kabaong ni Cristine. Ang dami bulaklak sa paligid at may malaki picture frame na nakalagay sa harapan. Sa tabi ng kabaong. Umiiyak si Matthew sa picture. Namamaga ang mga mata niya.
Kawawa naman.
Huwag ka mag alala Cristine mamahalin ko si Matthew. Aalagaan ko siya hanggang sa pagtanda namin dalawa. Tiniklop ko ang Photo album at binalik sa kinalalagyan nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/363377156-288-k496189.jpg)
YOU ARE READING
MB Series #2 Beautiful Stranger(R-18)Complete
RomanceNatigilan si Matthew Montenegro ng mapansin niya ang isang babae umiiyak sa tabi ng daan dahil napigtas ang Tsinelas nito. Dahil sa awa binigyan niya ito ng pera. Nagulat siya ng isang araw ay pumunta ito sa Sites kung saan ginagawa ang condominium...