Chapter 4

12.7K 180 1
                                        

Sanya

Ang ganda-ganda ng sikat ng araw ngayon umaga, tumatagos ang Sinag nito sa loob ng kwarto ko. Parang tinatamad ako bumangon. Feeling ko parang magkakasakit ako, feeling ko ang bigat-bigat ng katawan lupa ko. Hindi naman ako nasaktan sa sinabi ni Pogi kahapon, alam ko kasalanan ko naman kasi hindi pa ako tumitigil sa kahibangan ko sa kaniya. Hindi pa ako tumitigil sa pagka-delulu ko sa gwapo Architect na yun.

"Ate araw ng linggo ngayon, Hindi kaba magsisimba?" Tanong ni Reymart habang nakatayo sa Pintuan ko.

"Baka mamaya hapon na ako magsimba. Parang tinamad pa ako bumangon" sabi ko sa kaniya.

"Hala ate baka may sakit ka, ang sabi nila tatanga-tanga lang daw ang nagkakasakit ngayon summer ate " Aniya.

Inirapan ko siya.

"Hoy para sa kaalaman mo Reymart,Wala ako sakit nu, Tinamatad lang talaga ako bumangon" sabi ko.

"A-Ate Sanya narinig ko ang cellphone mo, ring ng ring at parang may tumatawag sayo. Bakit hindi mo kaya sagutin ate" Saad niya.

"N-Naku baka shopee spay latter lang yan tumawag, umutang kasi sa Shopee kasi may binili ako Item" Sabi ko sa kaniya.

"Oh ate baka due date na ngayon kaya tumawag sayo. Bayaran mo kaya" Aniya.

Naningkit ang mata ko nakatingin sa kaniya." T-tsaka na."

"Ate pumunta si mama sa Laguna dahil binisita niya si Lola Milagros, ang kabilin-bilinan niya, maglaba ka at maglinis ng bahay ate,kasi pag-uwi niya ate ayaw niya maabutan nakatambak ang mga labahan at ang bahay Kailangan malinis ate. Kilala mo naman si mama" Aniya.

B-Bumangon ako sa kama."Ikaw na maglinis ng bahay Reymart, mamaya libre kita ng Jollibee at Ice cream." Saad ko.

Bigla sumaya ang mukha niya.

"T-Talaga ate, sige sinabi mo yan ah at Maglilinis talaga ako kasi masarap ang pananghalian ko mamaya. Jollibee" Aniya.

"Oh siya, Simulan muna maglinis ng bahay. Inaantay kana ng mga alikabok haha" Natatawa sabi ko sa kaniya.Sinimulan ko na ang mga labahan ko. Medyo marami ang labahan ko dahil isang Linggo ako hindi nakalaba dahil busy sa buhay-buhay ko.Medyo sumakit ang balakang ko, Pati mga daliri ko sa kamay sumasakit dahil kinusot ko lang yun mga puti.

Na freeze sa utak ko na ang dami-dami ko pa pala gagawin ngayon araw para bukas wala na ako gagawin. Pagkatapos ko maglaba ay Nilinisan ko ang buong kwarto ko. Pinalitan ko ang Bedsheet at punda ng unan. Mamaya gabi masarap ang tulog ko dahil bago palit ang punda at bedsheet. Inayos ko ang mga damit ko sa Cabinet dahil medyo magulo, Tinupi ko ang mga damit, short, panlakad at mga Pajama ko. Bago ko nilinisan ang banyo na ginagamit namin ni Reymart.

Gaya ng pangako ko sa kaniya, nag order ako ng Jollibee meal para e treat ko s'ya dahil nilinisan niya ang buong bahay.Sarap ang kain niya dahil Jollibee ang pananghalian niya. Deserve niya naman kumain ng Value meal dahil malinis ang buong bahay dahil sa kaniya.

"Ate salamat sa treat mo Jollibee, nabusog ako sobra" Saad niya habang umiinom ng tubig.

"D-Deserve mo 'yan dahil nilinisan mo ang buong bahay, kaya maraming salamat sayo my little brother" Saad ko at ginulo ko ang buhok niya."T-Tapos na ba ang ginagawa mo?"

"Anong ibig mo sabihin ate?"

"Yun thesis mo, kung natapos mo na ba gawin?" Sabi ko.

"M-Malapit na ate, e submit ko na yun sa Professor ko" Aniya.

"Mag-aral ka ng mabuti para balang araw, isa ka na sikat na Architect" Sabi ko sa kaniya at na alala ko bigla yun Crush na crush ko Architect.  Kumusta na kaya ang Prince Charming ko. My gosh na alala ko pala naiwan ko yun love letter sa Paper bag. Wala ako balak na ibigay sa kaniya yun kaso naiwan ko.

O-Oh no baka binabasa niya yun ngayon. Nakakahiya ka talaga Sanya. Gumawa ka ng love letter para sa crush mo. Ano ka bumabalik sa panahon jejemon days. Kaloka. Maloloka na ako kasi mapapahiya ako kay pogi kapag binasa niya yun. Ang dami-dami ko pa naman sinulat doon. Halos mapuno ang isang pages ng Bond paper!

Isa ka malaki Red flag, Sanya Dela Fuente.Napabuga ako ng hangin.

Ano na kaya ang reaction niya ngayon habang binabasa yun love letter ko para sa kaniya.Pati ako dito nag overthink. Naloloka na talaga ako kay Architect.  Bigla uminit ang magkabilang pisngi ko. Ito ang epekto ng inlove Sanya. Kinikilig ako.S-Sana Lord, kami nalang magkatuluyan ni Architect ko, ibigay niyo na sakin siya Lord. Gwapo kasi at yummy siguro halikan si Architect sa labi. Iniisip ko palang maloloka at kinikilig na ako ng sobra-sobra, paano kaya kung maging totoo Jowa ko na yun, mas doble ang kilig sa katawan ko.

Kaloka!

-------------------------------------

Matthew

Medyo sumasakit ang balikat ko dahil kanina ko pa ginuguhit ang design ng Swimming pool na gagawin sa Condominium na pinapatayo ko. Mapagod at sobra stress ang pagiging Architect dahil lahat ng tao sakin nakatingin, Nagtitiwala na maganda ang gagawin ko design. Nakausap ko na si Engineer David about the plan A. Gusto ko malaki ang Swimming pool, pwede sa Pamilya, barkada at ibapa. Pinaayos ko na din ang landscapes para sa Garden design. Gustong-gusto ko yun maganda at fresh na fresh ang mga bulaklak na ilalagay.

Wait may sobre pala sa bulsa ko. Nakalimutan ko basahin. Dinukot ko ito sa bulsa ko, umupo ako sa Swivel chair bago binuksan ang sobre. May pa sticker pa heart. Ang dami alam ng babae yun meron pa ganito. I'm not surprised na bibigyan niya ako dahil sanay na sanay na ako.marami babae nagbibigay sakin ng ganito kaso wala ako oras basahin kaya tinatapon ko nalang pero ang hindi ko lang maintindihan bakit pagdating sa babae yun, nagkaroon ako ng interesado basahin. That bad!

Dear, Pogi Architect!

Alam mo ba noon unang nakita kita, huminto ang mundo ko, ang takbo ng orasan, Nakatulala lang ako sa mukha mo, kasi ang gwapo mo e, tapos ang bait-bait mo pa akin kasi binigyan mo ako ng pambili ng bago ko Tsinelas. Wala naman siguro humanga diba? Alam mo ba palagi ako pumupunta sa site kung saan ka namamalagi, nagbaba-sakali na makita kita ulit. Gusto ko lang Pagmasdan ang mukha mo. Alam mo naiirita kana sakin dahil makulit ako at makapal ang pagmumukha ko kasi nag tapat pa ako ng feeling ko sayo. Gusto talaga kita. Pati mga organs ko sa katawan, Gustong-gusto ka, kinikilig ako sa tuwing kinakausap mo ako kahit nag suplado ka. Kahit impossible na maging tayo. Alam mo ba masaya na ako kapag nakakausap kita, kapag alam ko okay ka, nakakatulog na ako ng mahimbing sa gabi. Alam ko magkaiba ang mundo ginagalawan natin at alam mo kung bakit? Na isip ko hindi talaga tayo pwede kasi mayaman ka. Mapera, May narating sa buhay, May degree at higit sa lahat gwapo. Pero ako ano ang kaya ko ipagmalaki sayo. Anak ako ng mahirap, Oo, mahirap lang ang pamilya ko Architect. Sana palagi ka mag ingat. Lab you!

Hindi ko alam kung bakit napapangiti ako sa sulat niya. Tinago ko yun sa Drawer ko. Para ako tanga na tinatago ang sulat ng babae yun. Basta gusto ko lang siya itago. I keep the letter.

Bigla nawala ang pagod ko sa katawan. Gusto ko na matulog dahil maaga pa ako bukas.

MB Series #2 Beautiful Stranger(R-18)Complete Stories to obsess over. Discover now