Sanya
Tatlong araw lang kami sa Paris, umuwi kami agad ni Matthew. Marami kasi gagawin sa pinapagawa niya Condominium. Pumunta kami sa Puntod ng babae first love niya si Cristine Torres.
In loving memories
Cristine Torres
Date of Birth: January 21,1989
Date of Dead: December 12,2016
Inalis niya ang mga dahon sa lapida at binubunot niya ang mga damo na naliligaw sa Puntod ni Cristine. Hindi ako nakaramdam ng kaunti selos sa katawan ko kahit alam ko mahal na mahal pa ni Matthew ang pumanaw na Girlfriend. Nauunawan ko siya. Nilagyan niya ng bulaklak ang ibabaw ng puntod nito at sinindihan ng dalawa kandila. Masakit talaga mawalan ng minamahal kapag alam mo mahal na mahal ang tao sa mahaba panahon.
"Cristine pasensiya kana kung ngayon lang ulit ako nakabalik para dalawin ka. Miss na miss na kita. Mananatili ka dito sa puso ko. Mahal na mahal kita kahit hindi ko na ulit mahahawakan ang kamay mo ngayon, kahit hindi na tayo magkikita ulit. Pero Kailangan ko palayain ang sarili ko. Alam mo ba may nakilala ako babae, maganda siya, mahal na Mahal ko siya. Alam mo magkaka-baby na kami. Alam ko masaya ka ngayon kung nasaan ka man. Let be friends Cristine! Masaya ako nakilala kita. Hanggang sa muli" Saad ni Matthew.
Hinihimas ko ang likuran niya.
"Ano okay kana ba Matthew?" Tanong ko sa kaniya.
"Yeah, I'm okay" Saad niya.
"Kaya mo yan, ganiyan talaga ang buhay may nawawala pero may darating" sabi ko.
"Ikaw ang maganda binigay ng Diyos sakin Darling ko" sabi niya.
"Huwag kana malungkot okay. Masaya na ngayon si Cristine kung saan man siya ngayon"
"Oo naman" sabi niya.
P-Pagkatapos namin bisitahin ang puntod ni Cristine ay pumunta kami sa Mall para mamasyal. Hawak-hawak ni Matthew ang kamay ko. Ang higpit ng pagkahawak niya. Ang dami bagong labas na mga damit ngayon kaso ang mamahal ng presyo, hindi ko naman afford bumili, hanggang Tiangge lang ako at Ukay-ukay.
"Darling may gusto ka ba bilhin?" Tanong niya.
Umiling ako."Wala" sagot ko.
"Alam ko crush na crush mo ang mga damit na yun oh, kanina mo pa kasi tinititigan, Get yours na, ako ang magbabayad sa Counter" Saad niya. Nahiya naman ako dahil gagastusan niya na naman ako.
"Wag na Matt, ang dami mo na nga binili sakin sa Paris e, okay lang ako" Tinanggihan ko siya. Kinagat ko ang labi ko mas madiin pa.
"S-Sabi nila mahirap tanggihan ang grasya. Get muna Darling ako naman ang magbabayad." Sabi niya.
"Naku porket mayaman ka puwede kana gumasta ng pera mo, matuto ka mag tipid" sabi ko sa kaniya.
Ginulo niya ang buhok ko, ang hilig niya talaga gawin sakin ito.
"That Okay Darling ko, sige na kunin mo na kasi. Paano yan kapag mag-asawa na tayo papasawaan kita" sabi niya.
Masyado siya mapilit kaya kinuha ko ang damit na Gustong-gusto ko, nakita ko siya pumunta sa Women's accessories, Nakita ko may kinuha siya mga hairclip. Binayaran niya yun sa Counter agad. Ang bilis niya naman pumuli. Ano yun madalian.
Haist!
"Matthew ano yan?" Tanong ko sa kaniya.
"Ah ito ba, hairclip para sayo. Palagi ka magsusuot ng hairclip kasi, yun nililigawan mo ako palagi ka may hairclip sa buhok mo" Naningkit ang mata ko nakatingin sakin.
K-Kinuha niya ang hairclip at siya na mismo ang nagkabit sa buhok ko. May mga saleslady na nakakakita sa amin, ang iba kinikilig. Bigla uminit ang mukha ko.
YOU ARE READING
MB Series #2 Beautiful Stranger(R-18)Complete
RomantizmNatigilan si Matthew Montenegro ng mapansin niya ang isang babae umiiyak sa tabi ng daan dahil napigtas ang Tsinelas nito. Dahil sa awa binigyan niya ito ng pera. Nagulat siya ng isang araw ay pumunta ito sa Sites kung saan ginagawa ang condominium...
