Sanya
Niligpit ko muna ang mga gamit ko bago mag-asikaso ng lulutuin ko sa kusina, ano ang lulutuin ko para kay Matthew, hindi naman maselan sa pagkain kaya kahit ano nalang. Binuksan ko ang Refrigerator, may nakita ako hipon, isisigang ko nalang ito. May malapit sa SM Mart dito kaya sumaglit ako agad para bumili ng kangkong at Okra. Masarap sa sinigang ang marami gulay.
Bumalik ako sa condo bago magluto, Nagsaing ako sa Rice cooker bago hiwa-hiwain ang mga sangkap ko sa Sinigang na hipon.
Natapos na ako sa gawain ko, narinig ko bumukas ang pintuan, baka si Matthew na yan dumating. Hindi si Matthew anh dumating kundi si Kiero.
"Kiero ano ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya.
"May masama ako balita sayo Sanya, si Kuya na aksidente, car accident Sanya" Bigla nahulog ang hawak-hawak ko baso.
Umiling ako.
"Hindi totoo yan Kiero. Alam ko nagsisinungaling ka" Umiyak ako sa harapan niya.
"Totoo Sanya" Bigla ako niyakap ni Kiero para pagaanin Ang kalooban ko."Halika na puntahan natin si Kuya" Nataranta ako bigla, Ni lock ko ang unit ng condo ni Matthew, sumakay ako agad sa sasakyan ni Kiero papunta sa Ospital.
K-Kasalukuyan namin binabagtas ang Highway papunta sa ospital ng lolo ni Kiero. Bakit si Matthew pa ang na Aksidente, hindi ko kaya ang nangyayare ngayon, pagdating sa hospital bumaba ako sa sasakyan at pumasok sa loob. Sa room 127 naka admit si Matthew sa second floor kaya nagmamadali ako Pumunta doon. Gustong-gusto ko siya makita. Nasa tapat na ako ng pintuan ng pinihit ko ang seradura ng Pintuan. Pumasok ako sa loob pero madilim.
Ano ito?
"Matthew saan ka? Tama naman ng number ng kwarto pinasukan ko ah?" Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, kinakabahan narin ako sa mga nangyayare.
Matthew ko! Bigla bumukas ang ilaw kaya nasilaw ako. Nakita ko si Matthew nakatayo sa harapan ko. Akala ko ba na aksidente siya. Bweset na Kiero yun naisahan pa ako. Ang gwapo-gwapo niya ngayon at fresh na fresh ang mukha.
"Matthew akala ko na aksidente ka, sinabi kasi ni Kiero e. Pumunta siya s condo unit at sinabi niya sakin" sabi ko sa kaniya.
May dinukot siya sa bulsa niya. Maliit na box na kulay pula.
"W-Will you be my partner in crime?
You're the only one I want to annoy for the rest of my life.I promise not to keep score in our arguments, even though I'm totally winning. Marry me?We go together like rama lama lama ka dinga da dinga dong.You're my density. I mean, my destiny. Kung may pangarap man ako babae ihaharap sa Altar, ang gusto ko ikaw yun Sanya, Kung may gusto ako makasama habang buhay gusto ikaw. You will marry me miss Sanya Dela Fuente? If you said yes, marry me?" Saad niya.
"Naku kahit hindi ka mag propose sakin papakasalan kita nu, suot muna dali" sabi ko. Sinuot niya ang singsing sa daliri ko. Masasabi ko lang, ito na siguro ang pinakamasayang nangyare sa buong buhay ko.
N-Naging kumpleto ang pagkatao ko, Pagkababae ko dahil pinansin at minahal ako ng Prince Charming ko. N-Ngayon handang-handa niya ako pakasalan.
"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya.
Pinasadahan ko siya ng tingin."S-Sino may sabi hindi, oo Gustong-gusto ko Matthew. Bakit sa Ospital ka nag propose Matt, sinabi sakin ni Kiero na aksidente ka, ano yun palabas niyo dalawa para kabahan at matakot ako"
"Para naman maiba ang Concept at Lugar. Parang nakakasawa na kasi mag propose sa Tabi ng Beach, sa Park, sa Restaurant, kahit saan" Saad niya.
"Kaya dito ka Ospital ng lolo mo nag propose ganun ba?" Tanong ko sa kaniya."Alam mo Matthew pinakaba mo talaga ako diyan sa Pakulo mo, kung nagkatotoo pala nangyare sayo na aksidente ka, paano na ako, tayo" bigla niya ako niyakap" Alam mo ba habang sinasabi sakin yun Kiero natakot ako. Kinabahan ako, baka napaano kana"
YOU ARE READING
MB Series #2 Beautiful Stranger(R-18)Complete
عاطفيّةNatigilan si Matthew Montenegro ng mapansin niya ang isang babae umiiyak sa tabi ng daan dahil napigtas ang Tsinelas nito. Dahil sa awa binigyan niya ito ng pera. Nagulat siya ng isang araw ay pumunta ito sa Sites kung saan ginagawa ang condominium...
