Chapter 11

6.6K 93 1
                                    

Sanya

Maaga ako natapos sa pagtitinda ko sa Palengke,Uuwi ako sa bahay dahil may naghihintay sa akin mga labahan ko, Sumakay ako sa Triycle pauwi sa bahay para madali ako makauwi. Inabot ko sa Driver ang pamasahe bago bumaba. Pababa ako ng Eskinita papasok sa bahay ng Makita ko si Regor. Ang talim ng tingin niya sakin kaya kinabahan ako agad. Napaatras ako.

Bigla siya lumapit sakin at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

"Ano ba Regor! Bitiwan mo nga ako! Nasasaktan ako" Pumalag ako ng hawakan niya ako. Pilit ko inaalis ang kamay niya kasi nakahawak siya sa braso ko!

"Bakit hindi mo magawa mahalin ako Sanya. Bakit? May mali ba sakin kaya ayaw mo sakin hah?" Sinandig niya ako sa Pader. Napabuga ako ng hangin.

"Oo may mali sayo Regor, kahit kailan hindi kita mamahalin, Dahil sa totoo lang hindi kita mahal. Hindi nga kita gusto e" Prangka sabi ko.

"Ganun" bigla niya hinalikan ang labi ko kaya nakaiwas ako. Sinipa ko siya sa hita. Tumakbo pero naabutan niya ako.

"Aba may balak kapa takasan ako babae ka!" Galit na sabi niya. Nakita ko ang mata niya nanlilisik sa galit.

"Halimaw ka Regor! Bitiwan mo ako hayop ka! Hayop ka, masahol pa yan pag-uugali mo kay Satanas!" Saad ko.

"Tumahimik ka!" Hinila niya ang buhok ko.

"H-How dare you man, Huwag mo sasaktan ang girlfriend ko" Umalingawngaw Ang boses sa likuran ko. Matthew!

Sinuntok ni Matthew si Regor sa mukha kaya nabitiwan niya ang buhok ko. Hinimas ni Regor ang mukha niya. Buti nga sayo demonyo ka!

Bigla humugot si Regor ng patalim at tinarak niya sa tagiliran ni Matthew, nagulat ako sa pangyayare kaya nakatulala ako.

"Hayop ka talaga Regor!" Sumigaw ako. May mga tanod na dumating kaya nahuli agad si Regor. Si Matthew may sugat siya. Nilapitan ko si Matthew at may saksak siya sa Tagiliran at umaagos ang dugo.

"T-Tulong! Tulong! Tulungan niyo ako please, tumawag kayo ng ambulance, kuya Jonathan tumawag ka sa 199, bilisan mo" Saad ko.

"Sige sanya" nataranta si Kuya Jonathan tumawag ng ambulance.

Hayop ka Regor, magbabayad ka sa kahayupan na ginawa mo kay Matthew. Niyakap ko siya. May umaagos na dugo sa bibig niya.

"Matthew lumaban ka, kumapit ka ah, dadalhin kita sa Ospital. Matthew huwag mo ako iiwan ah, Mahal huwag mo ako iiwan hindi ko kaya. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito."Niyakap ko siya ng mahigpit. Hinalikan ko ang noo niya.

Lord iligtas niyo po ang boyfriend ko.

May dumating na ambulance kaya sinakay siya agad. Sumama ako. Sa Emergency room siya dinala. Ang dami dugo nawala sa kaniya. Punong-puno ng dugo ang damit ko at pantalon ko pero wala ako pakialam, si Matthew ang inaalala ko. Dinala Ang katawan niya sa operating room. Nakita ko si Doctor Phoenix pumasok sa loob.

Humagulgol ako sa kaiiyak sa sulok habang nakaupo sa upuan. Dalawa oras na ang lumilipas pero hindi parin lumalabas sa loob si Doctor Phoenix. Nakita ko lumabas si Doc.

"Doc, Phoenix kumusta po si Matthew, kumusta ang kalagayan niya?" Tanong ko sa kaniya.

"Okay na ang kalagayan niya ngayon. Pero marami ang nawala dugo sa kaniya at Kailangan pa salinan. Under of observation parin ang kuya ko Sanya. Don't worry, he's fine now. Hindi pa siya nagkakamalay"

"Salamat Doc" Hinawakan niya ang kamay ko.

"Ikaw pala ang kinakabaliwan ng kuya ko. Honestly maganda ka" Saad niya.

MB Series #2 Beautiful Stranger(R-18)Complete Where stories live. Discover now