Ang simula-------------------
Sanya
N-Namilog ang mga mata ko habang pinapasadahan ng tingin ang bigay na Dress sakin ni Tita Rita, Wow ngayon lang ako makakasuot ng ganito ka ganda Dress at sa araw pa mismo ng kasal niya. Ang palagi ko lang sinusuot, Over sized T-shirt at maong na short. Jusko sa ganda ko po ito pinagkamalan pa ako tomboy sa Palengke. May puwesto si nanay sa Palengke, Nagtitinda ng ibat-ibang klase ng isda. Mabuti nalang hindi nagsasawa ito sikmura ko kahit araw-araw isda ang ulam sa hapag kainan.
Bata palang ako palagi sinasabi sakin ni nanay at tatay na huwag kami mag reklamo pagdating sa pagkain na kinakain namin sa mesa dahil malas daw 'yun. Tama naman ang nanay at Tatay dahil hindi maganda tignan. Mahirap na nga kami tapos mag inarte pa sa kinakain namin, Mabuti sana kung mayaman ako, Kasing yaman ni Small laude, yun pwede ako pumili ng pagkain na gugustuhin ko, kaso hindi e, mahirap lang kami.
Pinanganak ako mahirap, Kahit mahirap ang pamilya ko masaya kami nagsasalo sa mesa tuwing kumakain at as usual hindi kami nagkakasakit. Malaki pasasalamat na yun sa Diyos. Sa wakas ikakasal na si Tiya Rita kay Tito Roberto, nasaksihan ko ang pagmamahalan nila dalawa, Kahit marami pagsubok ang dumaan sa buhay nila nanatili sila matatag. Walang makakatibag kahit marami tukso sa paligid.
M-Mahal na mahal ni Tito Robert si Tiya kaya ihaharap niya ito sa Altar. Ihaharap niya ito sa maraming tao at ipagsisigawan niya kung gaano niya ito kamahal.
Sana all!
Papakasalan siya ng kaniyang 'Prince Charming, bata palang ako pangarap ko, kapag nagka boyfriend ako gusto ko ikasal sa simbahan kahit hindi magarbo basta iharap ako sa Altar, kaso mukha Malabo na yun mangyare dahil feeling ko hindi na ako magkakaroon ng boyfriend dahil palagi ako sa Palengke, Nagtitinda ng isda at sa gabi naman tinutulungan ko ang mga kapatid ko mag-aral. Gumawa ng assignment at Project sa School. Ako nalang kasi ang inaasahan ng mga kapatid na tutulong sa kanila.
"Reymart maligo kana,tapos na ako" Umalingawngaw ang boses ko habang tinutuyo ko ang buhok ko gamit ang tuwalya.
"S-Sige ate papasok na ako sa Banyo" Saad niya.
"B-Bilisan mo baka ma late tayo sa kasal ni Tita Rita. Ang bagal mo pa naman maligo" sabi ko.
Tumawa siya."O-Opo ate, bibilisan ko na po" Aniya.
Naningkit ang mata ko nakatingin sa kaniya."Dapat lang bilis-bilisan mo dahil para ka pagong ang kupad-kupad kumilos, kaloka ka!" Sabi ko sa kaniya.
Pinahiran ko ng lotion ang buong katawan ko bago sinuot ko ang Dress na regalo sakin ni Tiya. Pinasadahan ko ng mabuti ang sarili ko habang sinusuot ko ang dress. Bagay na bagay sakin. Mabuti nalang sumakto sa katawan ko.Ini-imagine ako ngayon kung ikasal kaya ako sa simbahan tapos nakasuot ako ng maganda Wedding gown, tapos nakatayo ang Prince Charming ko sa harapan ng Altar.
Nag eye to eye contact kami, umiiyak siya sa sobra saya dahil papakasalan niya ang babae mahal na mahal niya at ako ',yun.
I-Imagine pa more Sanya, kaya naloloka ka sa Future Prince Charming mo, natatawa nalang ako sa sarili ko. Kaloka.
"A-Aroy si Ate nag imagine na naman may jowa na" binasag ni Reymart ang moment ko. Umigting ang panga ko sa kaniya.
"Paki mo ba!" Inirapan ko siya.
"Ate kaya nasasaktan ka dahil hindi kapa nagkaka-jowa, may manliligaw ka naman kaso ayaw mo, may manliligaw ka nga sa palengke kaso hindi mo sinasagot, ano ba ideal guy mo?" Na intriga tanong niya sakin.
"Gosh si Regor yun dakila manliligaw ko. Ewww ayaw ko nga sa kaniya at hindi siya ang gusto ko nu" sabi ko
"Wow ate ikaw na, ang taas ng standard mo sa lalaki, ano ba kasi ideal guy mo?" Tanong niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/363377156-288-k496189.jpg)
YOU ARE READING
MB Series #2 Beautiful Stranger(R-18)Complete
RomanceNatigilan si Matthew Montenegro ng mapansin niya ang isang babae umiiyak sa tabi ng daan dahil napigtas ang Tsinelas nito. Dahil sa awa binigyan niya ito ng pera. Nagulat siya ng isang araw ay pumunta ito sa Sites kung saan ginagawa ang condominium...