Chapter 8

5.4K 86 3
                                    

Sanya

Araw ng sabado ngayon, Maraming tao sa Palengke kaya maaga ako pumanik para tulungan si mama. Ako na bahala nag ayos ng mga paninda. Sariwang-sariwa ang mga isda dahil bago huli ito, Binagsak agad ito sa Fish port. Madaling araw ay pumupunta na agad si mama at papa para bumili ng mga isda ibebenta namin sa Palengke.

"Good morning miss beautiful" Nakangisi sabi ni Regor sakin, ang aga-aga nagpapansin agad, akala mo naman may pag-asa sasagutin ko. Over my dead body. Kung si Regor wag nalang.

Simulat sapol wala ako gusto kay Regor. Wala ako feeling Sa kaniya kahit panay ang lapit niya sakin dahil Nililigawan niya ako. Dalawang taon na siya nanliligaw pero hindi parin sumusuko dahil nagbabakasali na sasagutin ko siya.

"Ano na naman ba Kailangan mo Regor?" Mariin na Saad ko sa kaniya

"Gusto lang kita makita sanya. Wala ba talaga ako pag-asa sayo? Oo mahirap lang ako,High school graduate, hindi nakapagtapos dahil maaga ako namulat sa trabaho dito sa Palengke, pero sanya handa naman ako magsumikap para sayo."

"Papaprangkahin na kita Regor. Wala ako gusto sayo, I'm sorry sa iba babae mo nalang ibaling yan pagmamahal na sinasabi mo. Wala pa isip ko pumasok sa Relasyon" Sabi ko,Tinalikuran ko siya dahil lilinisan ko ang mga isda na order ng customer, mamaya kukunin dito sa puwesto namin. Tatanggalan ko ng asang at kaliskis. Marunong na din ako tanggalin ang mga buto ng mga bangus.

Kaya minsan ako na ang gumagawa sa Boneless bangus kapag marami ang mga order ng loyal namin customer. Mabuti nalang natuto ako sa ganito trabaho kaya ako na ang inaasahan ni nanay gumawa nito.

"Bes, mukha binasted mo ulit si Regor ah, hindi talaga pumasa sa standard level mo?'' Nakangisi sabi ni Elizabeth habang binabanlawan ang mga sugpo at alimango."Hay ewan ko ba sa lalaki yan, ilan beses muna binasted pero parang hindi sumusuko Sayo, grabe ang tama sayo Bes" Aniya.

"Sinabi mo pa, Hindi ko na mabilang sa daliri ko kung ilan ko na binasted ang lalaki yan, ang kapal ng mukha" sabi ko.

"Pansin ko nga, ang ganda-ganda mo kasi Sanya, kahit hindi ka mag-ayos, Jusko natural na natural ang ganda mo kaya dead na dead sayo si Regor" Saad niya sabay tumawa ng mahina.

"Elizabeth maganda karin naman" sabi ko. Naningkit ang mga mata niya nakatingin sakin.

"Oh kumusta na pala yun guy na sinasabi mo sakin na crush na crush mo, diba sabi mo pa palagi mo yun pinupuntahan sa Site para makita siya. Sabi mo sakin binigyan mo yun love letter at ng mga pagkain kung ano-ano?"

"Hindi na ako pumupunta sa site, wala naman ako mapapala kung ipagpatuloy ko lang ang kahibangan ko sa kaniya. Tanggap ko na Elizabeth na pinagtagpo lang kami ng Tadhana para makilala ang bawat isa, pero hindi meant to be, alam mo kung bakit? Kasi ang tipo niya babae yun kasing puti ni Barbie Forteza, kasing ganda ni Marian Rivera, kasing yaman ni Bea alonzo, kasi mayaman naman talaga ang lalaki yun. Kitang-kita naman kasi may pinapagawa siya Condominium. Montenegro Condominium ang nakalagay na logo sa main gate. Alam mo bes, Nakakalula ang yaman niya. Ako ang tatanungin mo ano ang yaman ko! Ang yaman na meron lang ako. Pagmamahal sa pamilya, sa mga kamag-anak ko" sabi ko sa kaniya.

Hinawakan niya ang balikat ko.

"Alam mo tama ka, Suntok sa buwan ang ganiyan bes, Naku sinabi mo sakin na Architect yun diba, kaya ang babae papakasalan nun kasing level niya, may degree din. Anong malay mo may jowa na pala yan, hindi mo lang alam, kaya kung ako sayo para hindi ka masaktan ng tuluyan, iwas-iwasan mo na yan Lalaki na yan bes, mag bestie tayo kaya ayaw kita nakikita nasasaktan lalo na sa lalaki." Saad niya.

Napabuntong hininga ako. Tama naman si Elizabeth, dapat iwasan ko na siya dahil ako ang talo sa banda huli. Ako ang masasaktan kapag pinagpatuloy ko pa. Babaunin ko nalang sa isang maganda panaginip na nakilala ko si Architect Matthew Montenegro. Nasasaktan naman ako dahil sa pagmamahal ko sa kaniya.

Peste pag-ibig ito oh, bakit sa mayaman pa ako Nagkagusto.

Mabilis maubos ang paninda ko kaya umuwi ako agad sa bahay. Gusto ko Magpahinga dahil bukas pupunta ako sa bahay ni Tita Rita dahil birthday ng anak niya bunso. Humiga ako sa kama ko at tuluyan na ako nilamon ng antok ko.

Pumunta ako sa bahay ni Tita Rita para tulungan ko siya magluto ng ihahanda. Hiniwa ko ang mga sahog ng pancit bihon.

"Oh sanya ikaw na ba ang gagawa ng lahat ng mga yan?" Tanong ni Tita sakin.

"Opo ako na po kayang-kaya ko na ito" sabi ko sa kaniya.

"Wow ang sipag naman ng pamangkin ko kaya hanga ako sayo. Sanya Matanong nga kita, kailan mo ba balak mag-asawa? Na intriga tanong niya sakin.

"Hindi ko pa alam tita, kaya hindi ko masagot ang tanong mo" Saad niya.

"Ganun ba" Saad niya.

Marami tao ang pumunta sa birthday ng pinsan ko si Daniel. Kahit dito sa birthday party naaliw ako at natatanggal ang lungkot at stress ko. Miss na miss ko na siya pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Lintik naman oh. Umupo ako sa isang upuan habang iniisip ko siya.

Huwag ka nga umiyak sanya, huwag ka nga marupok sa lalaki yun, Impossible magkakagusto siya sayo.

Kahit maingay ang paligid pero ito ako sa isang sulok, nilalamon ako ng kalungkutan ko. Iniisip ko ang lalaki nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Nagpapakilig ng mga organs sa katawan ko. Kapag nakikita ko siya ang puso ko ang lakas ng kabog nito. Parang hinahabol ng mga daga.

"Sanya, bakit nag-iisa ka diyan, maraming pagkain sa loob,kumain ka at mag take out ka, Iuwi mo kay ate Beth" Saad ni Tita.

"Okay lang ako Tita, busog pa ako, Nabusog ako kanina sa patikim-tikim sa mga niluto ko hehe" Saad ko.

"Sigurado kaba busog kapa, baka gutom ka hah, wag ka mahiya kumain, marami pagkain sa loob, may cake at fruit salad, Alam ko paborito mo yun" sabi niya.

"Mamaya nalang po talaga" Sabi ko.

Kahit ayaw ko siya isipin pero pumapasok parin siya sa isipan ko. Kahit ano busy ko sa ginagawa ko, naiisip ko parin siya. Ano ba meron sayo Architect bakit hindi ka mawala-wala sa isip ko.

Lintik!

Gusto ko ibaling ang sarili ko sa iba gawain na alam ko makakalimutan ko siya pero parang wala naman nangyayare. Sa ginagawa ko pag iwas at paglayo-layo sa kaniya mas lalo lang ako masasaktan ng sobra.

Hanggang kailan ako ganito?

Pag uwi ko sa bahay, gusto ko mapag-isa sa kwarto ko. Humiga ako sa kama at nakatitig lang ako sa kisame. Pumasok sa isip ko yun, unang pagkikita namin. Ang bait-bait niya sakin. Kinuha ko ang wallet ko at kinuha ko ang One thousand pesos na binigay Niya sakin. Ayaw ko ito gastusin dahil binigay ito ng Prince Charming ko.

Tapos niligtas niya pa ako sa kamay ng masama tao na yun. Siya ang Knight shining armor ko Ng gabi yun. Tapos Ginamot niya pa ito sugat ko kaya tuluyan na ako mabaliw sa kaniya. Kainis.

Paano ko ba siya makakalimutan kung pati ako hindi ko kaya magawa. Hindi naman ako nagpapadala sa emotion ko.baka puppy love lang ito nararamdaman ko pero hindi e, true love ko na yata ang lalaki yun..

Argh! Architect ano ba ginawa mo sakin bakit hindi ka maalis-alis sa isip ko.

Mahal mo sanya kaya nakatatak na yan sa puso at isipan mo!

MB Series #2 Beautiful Stranger(R-18)Complete Where stories live. Discover now