Chapter 14

5.1K 74 1
                                    

Sanya

May aasikasuhin ngayon si nanay sa Marikina, si Tatay naman pumunta sa Makati dahil may importante aayusin, Malapit na pala mag Senior Citizen si Tatay, Sa susunod na taon na yun.

Ako ang pumunta sa Fish port para kunin ang mga ibat-ibang klase ng isda. Kailangan ko paubusin ngayon para bukas hindi na ako babalik sa Palengke. Pasado ala singko ng madali araw umalis na ako sa bahay. Mag triycle nalang ako papunta sa Fish port.

Mabuti nalang hindi traffic sa daan kaya nakarating ako sa Fish port. Nakita ko si Kuya Daniel ang binibilhan ni Nanay ng mga isda. Dalawa banyera ang inorder ni nanay. Binayaran ko ito agad. Mag arkila nalang ako ng sasakyan papunta sa Palengke. Pagdating sa Palengke nilinis ko agad ang puwesto ko.

"Hi miss beautiful,pwede ba kita tulungan?" Umangat ang tingin ko.

"Matthew, anong ginagawa mo dito? Ang aga-aga pa ah?" Tanong ko sa kaniya.

Nakasuot siya ng Black T-shirt, black jeans, brown na rubber shoes, naka cap. Simpleng-simple ang suot niya ngayon.

"Gusto ko lang makita ang girlfriend ko. Ang sabi sakin ng matanda sa labas, kasi nagtanong ako kung saan ang puwesto dito ni Sanya Dela Fuente, dito tinuro." Saad niya. Natawa ako.

Napaubo si Elizabeth habang nakatingin sa amin ni Matthew, kinikilig pa ang gaga!

"Naku sanya ang haba-haba talaga ng hair mo, abot hanggang sa kalye ng BGC, Naku hayaan muna tulungan ka ng jowa mo" Nakangisi Saad niya.

Pinandilatan ko siya. Hindi ako sanay na nandito siya ngayon sa loob ng Palengke.

"Bayaw, musta" nandito din si Attorney Kiero. Wait ang dalawa magkapatid nandito sa Palengke ngayon. Lahat ng tindera nakatingin sa amin. Dalawa ba naman gwapo lalaki ang nasa loob ng Palengke.

"Bayaw, relax kalang diyan, ako na bahala sa paninda mo" Kinindatan niya ako."Oh isda-isda kayo diyan, sariwang-sariwa pa. Kapag sakin kayo bumili may libre hug, Huwag na kiss kasi taken na ang Puso ko" Saad niya.

Natawa ako bigla.

Hindi ako makapaniwala na ang isang Attorney Kiero Gail Montenegro,nagtitinda ng isda. Natatawa lang si Matthew nakatingin sa kaniya.

"Mahal ano ba trip ng kapatid mo bakit ganiyan ka hyper yan?" Tanong ko kay Matthew. Nagkibit balikat ito.

"Hindi ko alam darling ko" Saad niya. Marami customer ang bumibili ng isda sa kaniya.

Ako ang kumikilo sa isda na binibili ng customer, si Matthew ang taga abot ng bayad at taga barya. Siniko si Attorney habang nagtatawag ng customer.

"Ano problema bayaw?"

"Bakit mukha masaya ka ngayon, sinagot kana ba ng babae nililigawan mo?" Pasimple tanong ko sa kaniya.

"Bayaw, huwag mo ako tawagin Attorney okay. Kiero nalang." Inakbayan niya ako.

Nakatingin lang sa amin si Matthew.

"Alam mo bayaw kung bakit ako masaya ngayon?" Nakangisi sabi niya.

"Bakit ba?"

"Kasi inaaccept ni bebe girl ko ang Friend request ko sa fb, Friend na kami sa Facebook haha, ano bayaw gwapo ako diba, kaya mahirap tanggihan ang isang Attorney Kiero Gail Montenegro" Saad niya." Kuya wag ka mag selos diyan sayo lang ang girlfriend mo"

"Ang babaw naman ng kaligayahan mo Kiero" Saad ko.

"Hahahaha, syempre ako na ito." Saad niya.

"Malapit na maubos ang paninda namin isda. Dahil nag tiyaga si Kiero ubusin ang paninda ko. Umalis siya agad ng maubos ang isda..

MB Series #2 Beautiful Stranger(R-18)Complete Where stories live. Discover now