Sanya
T-Tatanggapin ko na talaga sa sarili ko, Forever na siguro ako single, kahit may nanliligaw sakin, ayaw ko naman dahil hindi tumitibok ang puso ko para sa kanila. Mahirap mahalin ang tao kapag napipilitan lang ako. Gusto ko kapag nagmahal ako ng tao yun feel na feel ko talaga mahal ko siya. Malapit na ang Valentines days. Siguro ang ka date ko sa Fourteen ang mga paninda ko isda sa Palengke.
Naligo muna ako bago pumunta sa simbahan, araw ng linggo ngayon, gusto ko magpasalamat kay God sa mga blessings na binigay niya sakin. Kahit hindi material na bagay masaya na ako. Basta malayo Sa sakit ang pamilya ko masaya na ako at malaki blessings na yun galing sa itaas. Sakto paglabas ko sa eskinita ay nakita ko si Matthew. Diretso ang tingin niya sakin.Iyan na naman ang nakakamatay na titig niya sakin. Dalawa araw kami hindi nagkita pagkatapos ko siya hindi pansinin.
Miss na miss ko na siya.
Umiwas ako ng tingin habang papalapit siya sakin. Naamoy ko ang pabango niya. Ang bango-bango niya.
"Sumama ka sakin" hinawakan niya ang kamay ko. Mas mahigpit ang hawak niya sa kamay ko.
"Bakit ako sasama sayo Matthew, saan tayo pupunta?" Tanong ko.
"Basta, pumasok ka sa kotse ko" Saad niya. Pumasok ako sa kotse niya at tahimik lang siya habang nagmamaneho. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Wala ako ideya.
Medyo mabilis ang pagpapatakbo niya ng kotse kaya napahawak ako sa seat belt. Ngayon binabagtas namin ang Highway. Nakita ko ang sasakyan niya pumasok sa isang exclusive Subdivision. Nasa alabang kami, mamayaman ang nakatira dito. Ang gaganda ng bahay na dinadaanan namin papasok sa Subdivision. Huminto ang sasakyan niya sa tapat ng isang magara bahay, Tumingin ako sa kaniya.
"Saan mo ako dinala Matthew?" Tanong ko sa kaniya. Hinubad niya ang seatbelt niya. Binalingan niya ako ng tingin.
"Go outside, wait for me" Saad niya. Lumaba ako at hinihintay ko siya. Nag senyas siya pumasok kami sa loob. May kasambahay na sumalubong sa amin. Ngumiti ito ng makita si Matthew.
"Saan si Mom manang?" Tanong niya sa may edad na kasambahay habang nakasunod ako sa kaniya.
"Nasa Dining area po sir Matthew" Tumingin sakin si manang. Bigla Hinawakan ni Matthew ang kamay ko kaya kinikilig ako.
Kung panaginip man ito nangyayare ngayon,ayaw ko na magising pa. Kinurot ko ang pisngi ko, hindi talaga ako nanaginip at totoo nangyayare ito ngayon. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng bahay. Ngayon lang ako nakapasok sa ganito kaganda at galante bahay. Ang ganito klase ng bahay napapanood ko lang sa TV at nakikita sa Homes magazine. Madalas ako bumili ng mga magazines sa Seven, eleven kapag may binibili ako.
Nakita ko sa isang mahaba mesa.Nakaupo ang isang may edad na babae, isang lalaki siguro ang edad nasa 60's at dalawa lalaki gwapo. Pamilya ba ito ni Matthew?
Napabuntong hininga si Matthew habang nakatingin sa kanila lahat. Tumingin sakin ang babae may edad na.
"M-Mom, Dad, mga bro,Ang babae kaharap niyo ngayon, She's my girlfriend, Honestly buntis na po siya. Mom magkaka-apo kana" Saad niya. Bigla ako nabulunan sa sinasabi ni Matthew. Ano daw buntis ako! Hindi pa nga kami nag sex sa kama, buntis agad.
Oh no!
Pinisil niya ang kamay ko.
"Is it true Matthew? She's pregnant?"Tanong sa kaniya ng Mommy nito.
"Yes mom, tama ang Narinig mo buntis ang girlfriend ko"Saad niya.Ano na naman ka dramahan ito Matthew.
"Congrats Matthew magkakaroon na ako ng apo." Masaya Saad niya sa anak.
"What the heck bro, nakabuntis ka ng babae kailan Lang?" Tanong sa kaniya ng kapatid niya.
"Nakaraan buwan lang Kiero." Ah Kiero pala ang pangalan ng lalaki yun.
"Ang bilis mo bro, naunahan mo pa kami" sabi ng isang lalaki gwapo din.
"Huwag ka kasi pabagal-bagal Phoenix kaya naunahan kita" Nakangisi sabi niya.
"Ewan ko sayo" Saad niya.
"Nice to meet you Hija. Ano nga pangalan mo?" Tanong sakin ng Mama niya.
"Sanya Dela Fuente po" magalang na sabi ko.
Nagulat ako bigla niya ako niyakap. Hinahagod niya ang buhok ko.Ano ba ito Matthew bakit nilagay mo ako sa alanganin, Hindi naman talaga ako buntis pero bakit sinabi mo sa Parents at kapatid mo buntis ako. Kaloka!
"Nice to meet you Hija. Ah by the way bago tayo mag dramahan dito, ako si Abegail Montenegro, Mommy ako ni Matthew, si Raiver asawa ko, ang Daddy nila. Ayon naman si Attorney Kiero Gail ang pangalawa ko anak, si Doctor Phoenix ang pangalawa bunso dahil ang bunso ko anak na babae si Kiera na nasa America nag-aaral. Si Matthew ang panganay ko. Alam mo nabigla talaga ako sa sinabi ni Matthew na buntis, so ano plano niyo ng anak ko. Nagsasama na ba kayo?" Tanong niya.
"Ah opo nagsasama na po kami" sagot ko. Nagawa ko magsinungaling sa nanay ni Matthew dahil sa sinabi niya.
"Maganda yan at dapat magpakasal kayo hah." Hinawakan niya ang kamay ko."Sa madali panahon"
Kainis ka talaga Matthew. Hinila ko siya at nag usap kami sa Garden, hindi kami maririnig ng magulang niya at mga kapatid. Gusto ko mag-usap kami ng masinsinan.
"Ano na naman ba kasinungalingan ito Matthew, bakit sinabi mo sa kanila na buntis ako" sabi ko.
"Bakit may masama ba sa ginawa ko. Ayaw mo yun pormal kita pinakilala sa Pamilya ko" Saad niya.
"Pero dapat hindi mo sinabi buntis ako. Hindi kita maintindihan bakit mo ba ito ginagawa sa akin?" Tanong ko sa kaniya.
"Panagutan mo ako Sanya, Kung hindi ka nagpapansin sakin sana hindi kita hinahabol ngayon,Shit, Na inlove ako sa paiyak-iyak mo, kaya mas mabuti pa totohanin na natin ang lahat Sanya,gusto na kita" Nagulat ako sa sinabi niya.
"Anong sabi mo gusto mo ako?"
"Yeah, I like you Sanya" pag-aamin niya. Hindi ako makapaniwala na magugustuhan niya ang isang katulad ko.
"Ano ba nagustuhan mo sakin, hindi naman ako mayaman, wala ako ipagmamalaki sayo, mahirap lang ako" sabi ko.
"Ano pa sasabihin mo pang down sa sarili mo Sanya?" Seryoso sabi niya
"Wala na" sabi ko.
"Sabihin muna lahat nahiya kapa, Mahirap ka,oo Alam ko iyon Sanya. Nakita ko na ang bahay mo, ano pa Sasabihin mo na ma discourage ako sayo?"
"Hindi lang ako makapaniwala na magkakagusto ka sakin, magugustuhan mo ako" Saad ko.
"Dahil sabi ng puso ko gusto kita. Mahal kita"
"Mahal mo ako?"
"Oo, mahal kita Sanya" Seryoso sabi niya.Thank you for your sweet and caring love. You’ll never truly know just how happy and proud you make. That’s the reason why I love you so much." Saad niya at bigla niya ako hinalikan sa labi. Sa wakas natikman ko nadin ang labi ni Matthew. Ang lambot-lambot ng labi niya. Siya ang First kiss ko.
Hindi na virgin ang labi ko. Hinalikan ng lalaki Gustong-gusto ko.ang bango-bango ng Hininga niya. Ang sarap ng laway niya lasa menthos. Ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Mahal din kita Matthew matagal na" sabi ko.
"Talaga, Mahal mo ako" Hinahalikan niya ang ilong ko.
"Oo nga mahal kita" Kinikilig ako dahil kami na. Boyfriend ko na ang Prince Charming ko.
"Tayo na" sabi ko.
"Oo, sinagot muna ako e, I love you my beautiful stalker, Hindi na sana ako magmamahal ulit dahil busy sa career, pero may iyakin na makulit na buntot ng buntot sakin, ang hirap tanggihan baka umiyak ulit sa harapan ko, ang cute niya pa naman umiyak"
"I love you Architect ko"
"I love you too" niyakap niya ako at nakakulong ako sa bisig ng gwapo boyfriend ko. Ang bango-bango niya talaga.
YOU ARE READING
MB Series #2 Beautiful Stranger(R-18)Complete
RomanceNatigilan si Matthew Montenegro ng mapansin niya ang isang babae umiiyak sa tabi ng daan dahil napigtas ang Tsinelas nito. Dahil sa awa binigyan niya ito ng pera. Nagulat siya ng isang araw ay pumunta ito sa Sites kung saan ginagawa ang condominium...