Sanya
W-Wow hindi parin ako makapaniwala na naka-apak ang mga paa ko sa Paris. Nakikita ko lang ang larawan ng Paris sa Post card, pero ngayon nandito na ako. Sinama ako ni Matthew magbakasyon kami dalawa. Masyado stress sa trabaho kaya Kailangan naman mag bakasyon para makapag relax kahit paano. Ang dami magaganda pasyalan dito, Gusto ko makita ang Eiffel tower kaya dinala ako ni Matthew. Para makita ko sa Personal.
"Matt, ang ganda talaga ng Eiffel Tower nu?" Sabi ko sa kaniya.
"Yeah, kasing ganda mo" Saad niya.
Naningkit tuloy ang mata ko nakatingin sa kaniya. Umupo kami dalawa sa upuan, ang dami kalapati dumadapo sa harapan namin. Maamo pala ang mga kalapati dito. May dumapo sa Legs ko kaya hinayaan ko nalang.
Marami pa kami gusto puntahan ni Matthew kaso napagod yata kami dalawa dahil sa kalalakad kanina. Tinungga ko ang tubig sa bottle mineral water. Halos nasahid ko ang laman dahil sa sobra pagkauhaw ko, kaloka!
"Dahan-dahan lang baka masamid ka" Puna ni Matthew habang Pinupunasan ko ang labi ko.
"Nauhaw talaga ako Matt, alam mo ito ang kauna-unahang nag bakasyon ako sa Ibang bansa, hanggang Pilipinas lang kasi ang Afford ng budget ko." Sabi ko.
"Hindi lang ito ang pupuntahan natin dalawa magkasama, Gusto ko Pumunta sa Great of Wall of China, Sa Seoul, South Korea, sa Japan, sa America, sa Singapore, sa Thailand, sa Australia, sa Canada na ikaw ang kasama ko Sanya. Lilibutin natin ang buong mundo na tayo dalawa ang magkasama. Gustong-gusto ko ikaw ang kasama at bubuo tayo ng magaganda memories" Saad niya.
"Talaga?"
"Yes, I love travel with you Sanya" Kinikilig na naman ako.
Kumain kami sa Bustronome Restaurant, tanaw na tanaw ang Eiffel tower, ang ganda ng view, Preskong-presko. Maganda ang Restaurant, malapad.
Pagpasok palang sa Entrance door,may nag piano at Violen! Maganda ang music na kanila tinutugtog. Hindi familiar sakin ang kanta pero masarap sa tenga at napakaganda song.
Ang dami inorder ni Matthew pagkain kaso hindi ko naman alam ang mga pangalan. Basta ako kumakain at busog. Napadighay tuloy ako.
"Nabusog kaba?" Tanong niya sakin habang Pinupunasan ko ang labi ko gamit ang tissue paper.
"Oo,ang sarap ng pagkain, wala ito sa Pilipinas kaya kumain ako ng marami" sabi ko.
"Ganun ba"
"Oo"
Pagkatapos namin kumain, Naglakad-lakad kami ni Matthew, ang dami tourist ang namamasyal dito sa Paris.Medyo sumasakit ang paa ko. Napansin agad ni Matthew yun.
"Matt, ang sakit-sakit ng paa ko" daing ko sa kaniya.
"Set down" umupo kami."Sakay ka sa likuran ko" Saad niya.
"Talaga" sumampa ako sa likuran niya. Naglalakad kami habang naka-aba ako sa likuran niya. Kumapit ako sa balikat niya.
"Ang gaan mo Darling" Saad niya.
"Payat lang kasi ako" sabi ko sa kaniya.
"Kumain ka para naman tumaba ka" sabi niya.
"Ayaw ko tumaba, okay na ganito ang katawan ko" sabi ko.
"Sure?" Aniya.
"Oo" ang bango-bango ng buhok niya kaya inaamoy ko yun, ang linis-linis ng anit niya, wala ako makita Dandruff. Ang dami namin pinuntahan ngayon araw, sulit na sulit ang bakasyon namin dalawa.
"Sanya"
"Bakit?"
"Dito kami madalas pumunta ni Cristine" Saad niya. Umupo kami saglit sa upuan.
YOU ARE READING
MB Series #2 Beautiful Stranger(R-18)Complete
RomanceNatigilan si Matthew Montenegro ng mapansin niya ang isang babae umiiyak sa tabi ng daan dahil napigtas ang Tsinelas nito. Dahil sa awa binigyan niya ito ng pera. Nagulat siya ng isang araw ay pumunta ito sa Sites kung saan ginagawa ang condominium...