Sanya
N-Naalimpungatan ako ng gisingin ni Reymart. Hindi ko namalayan ang oras.
"Ate,ate gising na, ano oras na oh, mamaya magagalit sayo si nanay dahil tanghali kana pupunta sa Palengke."Saad ni Reymart habang kinukusot ko ang mata ko.
"Ano oras na ba Reymart?" Tanong ko sa kaniya habang bumabangon sa kama.
"E-Eight o'clock na ate kaya bilisan mo ang galaw mo" Saad niya. Naku tanghali na pala, yare ako kay nanay nito. Napuyat ako dahil nanonood ako ng K-Drama kagabi, malapit ko na matapos ang Moonlovers, Scarlat Heart Ryeo. Ang ganda-ganda pa naman ng kwento yun. Kaya napuyat ako ngayon.
Pumasok ako sa banyo para maligo, ligong pato lang ginagawa ko dahil nagmamadali ako at naghahabol sa oras dahil late na late na talaga ako. Mayayare ako kay nanay nito.Nagmamadali ako mag bihis ng damit ko. Halos malapit na masira ang bra ko, pero kaya pa naman.
"Reymart alis na ako, ikaw na muna bahala dito sa bahay, byee" Umalingawngaw ang boses ko habang palabas ng bahay. Maglalakad lang ako papunta Palengke ng bigla napigtas ang tsinelas ko.
"Hala ano nangyare sa tsinelas ko." Umiyak ako dahil hindi sa nasira ang tsinelas ko, Natatakot ako sa sermon ni nanay, Grabe pa naman ang bibig nun mag bunganga sakin. Pati eardrums ko gusto ng lumabas sa sobra lakas ng boses."Yare ako kay nanay nito" mahina sabi ko.
"Miss are you okay?" Naamoy ko ang pabango niya at umaangat ang tingin ko, Nakita ko ang gwapo lalaki sa harapan ko ngayon. Medyo moreno, matangkad at higit sa lahat gwapo. Nakita ko na yata ang Prince Charming ko.
Awit ka Sanya. Nagtatanong lang yun tao kung okay lang ako pero ikaw Prince Charming agad porket gwapo at yummy.
"Nasira kasi ang precious slipper ko eh" sabi ko sa kaniya. Napasinghot ako dahil may sipon ako ngayon araw.
Umigting ang panga ni Pogi."Akala ko napaano kana, bakit ka umiiyak?"
"Kasi Pogi magagalit sakin ang nanay ko kapag late na ako pupunta sa Palengke eh" sabi ko sa kaniya.
"Really. Here the money. Buy the new one, itapon muna yan" Nagulat ako ng abutan niya ako ng pera.Wow isang libo ito ah.Grabe galante pala ang pogi ito.
"Para ba talaga sakin ang one thousand pesos na ito pogi?"
"Yes, tulong ko yan sayo. Next time be careful okay" Saad niya.
Natigilan ako bigla at Pinasadahan ko siya ng tingin. Umalis siya agad sa harapan ko at ako nakatulala lang, natauhan ako kaya sinundan ko siya. Ang bait-bait niya sakin tapos hindi ko alam ang pangalan niya. Hindi ko pinansin ang Tsinelas ko. Bahala na, Palihim ko siya sinundan hanggang sa may tapat na ginagawa Condominium. Tumago ako sa Poste para hindi niya ako makita, baka natatandaan niya ang mukha ko. May lalaki lumapit sa kaniya. Nakasuot ito ng helmet na kulay puti. Helmet na sinuot ng Construction worker.
N-Napako ulit ang tingin ko sa hawak-hawak ko isang libo peso, Palaisipan parin sakin, sino ang lalaki yun, Hindi ako nag dalawa isip kaya nilapitan ko agad ang security guard na nakatuka naka duty sa ginagawa Condominium.
"Hi kuya, Guard" Ngumiti ako sa kaniya.
"Y-Yes ma'am, may Kailangan kaba?" Tanong niya sakin. Napabuga ako ng hangin.
"S-Sana, itatanong ko lang po, Sino yun lalaki pumasok diyan sa loob ng pinapagawa Condominium, Matangkad, Medyo moreno at syempre gwapo?"
"Ah yun kakarating lang. Ma'am si Architect Matthew Montenegro po yun, siya po ang may-ari ng Pinapatayo Condominium na ito" nalaglag ang panga ko sa sinabi ng Security Guard. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng Condominium, ang taas at ang laki-laki. Wow grabe mayaman pala ang lalaki yun, Grabe!"Bakit niyo naitanong Ma'am, may Kailangan po ba kayo kay Architect Matthew?" Umiling ako.
YOU ARE READING
MB Series #2 Beautiful Stranger(R-18)Complete
RomanceNatigilan si Matthew Montenegro ng mapansin niya ang isang babae umiiyak sa tabi ng daan dahil napigtas ang Tsinelas nito. Dahil sa awa binigyan niya ito ng pera. Nagulat siya ng isang araw ay pumunta ito sa Sites kung saan ginagawa ang condominium...