CHAPTER 1

3.4K 99 5
                                    

Langong lango na ang katawan ko sa alak, ngunit kahit anong laklak at lagok ko ay hindi parin nawawala ang sakit na nararamdaman ko.

Masyadong malalim ang naging sugat nito kahit na mismong alak ay hindi tatalab para naman maibsan ang sakit na nararamdaman ko.

"Tabi"

Agad na nagsitinginan ang lahat nang tao sa bar ng biglang may bagong dating na pumasok sa entrada. Kitang kita at ramdan na ramdam mo ang pag iba ng atmosphere sa biglaang pagdating nila.

Sumisigaw kasi ang postura nila ng otoridad, na sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagbibigay takot at pangamba sa kung sino man ang makakakita sa kanila.

"Sino yan?" Ang lasing na lasing kong sambit sabay turo sa matiponong lalake na nasa gitna ng kanilang grupo.

"Regular customers namin yan, grupo yan ng mga basag ulo. Karamihan sa mga diyan ay halos labas pasok nalang sa kulungan, ngunit nakakalaya dahil mga milyonaryo. Bali-balita rin na isa sa kanila ay leader ng isang sikat na sindikato" ang pagkwento ng bar tender na ikinatango ko lang.

"Ganon ba?" Ang lasing na lasing ko nang tugon habang patawa tawa pa.

Imbes na gugulin ko ang oras ko para alamin kung ano ang meron sa kanila, ay hindi ko na sila binigyan ng atensyon pa at mabilis na linagok ang isang baso ng alak.

Habang umiinom ay nakaramdam naman ako ng mga matang nakatitig sakin, kaya naman mabilis akong napalinga.

Ganon nalang ang gulat ko nang makita kong buong grupo nila ay nakatingin sakin habang naglalakad papasok sa VIP room ng bar.

Imbes na pansinin ang kaweirdohan nila ay muli kong nilagok ang isang baso ng alak habang seryosong nakatingin sa lalakeng nasa gitna.

Sa hitsura palang nito ay alam mong masamang tao na lalo na't punong puno ang kanyang kamay ng tattoo hanggang sa leeg niya. Bakas na bakas ang maangas nitong mukha, typical na nakikita kong mga "bad boy" sa mga nobela. Lalakeng lalake ang kanyang dating na hindi mo makikitaan ng kaunting pagkalamya at kakaiba ang kanyang mga titig na parang hinahalukay ang kaibuturan ng kaluluwa mo.

"Mag ingat ka at pumapatol yan kahit kanino, basta may butas ay papatusin niyan. Mukhang trip ka pa brad" ang biglang pagsingit ng bar tender.

"Ikaw na ikaw pa naman ang mga tipo nyan, mahilig yan sa maamo at cute na mukha" segunda nito na ikinangiti ko.

"So nakukyutan ka sakin?" Ang natatawa kong baling sa bar tender na ikinangiti niya lang.

"Maalam naman ho akong tumingin at nakakaappreciate rin ako ng hitsura" ang tugon nito na ikinangiti ko.

Agad na naputol ang usapan namin ng biglang may lumapit saking lalake, kung hindi ako nagkakamali ay isa to sa kasamahan ng maangas na lalake kanina.

"Gusto kang makita ni Luca" ang derederetso niyang tanong habang nakatingin sakin.

"Excuse me? Ako bang kinakausap mo?" Ang naguguluhan kong tanong lalo na't kung umasta siya ay para niya akong kilala nang matagal na at masyadong payak ang pagkakasabi niya.

"Sumama ka" ang mautoridad na sambit nito sabay kuha ng kamay ko.

"Sir wag niyo ho siyang pilitin, lasing na siya" ang pagtatanggol sakin ni kuyang bar tender ng pwersahan akong hinawakan at pinapababa sa upuan.

Imbes na magsalita ay tinitigan niya lang ang bar tender at inusli ang kanyang itim na damit, sumilay doon ang isang baril na naka-ipit sa kanyang pantalon na ikinatakot naming parehas.

"Tara na" ang nagmamadali niyang sambit sabay kaladkad sakin papasok sa VIP room kung nasaan naglalagi ang kanyang mga kasama.

"Eto na" ang malakas na sambit ng lalakeng may hawak sa braso ko habang kinakaladkad parin ako.

DANGEROUS CLOAK: Hiding the Son of the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon