HIDING THE SON OF THE MAFIA BOSS
CHAPTER 43
Jion's
Sa awa ng diyos ay wala namang napuruhan samin, kaya kahit na hindi maganda ang mga nangyari ay sinubukan parin naming bumangon at magpatuloy sa buhay.
Nitong mga nagdaang araw ay mas higit kong naipapakita ang tunay kong kasiyahan na walang pangamba at takot sa kung anong pwedeng mangyari samin. Ang pakiramdam na matagal kong nararanasan ay bigla nalang nawala ng tuluyan simula nang makulong si Clark.
Alam kong hindi lang siya ang problema ko ngunit wala nakong pake sa iba pa lalo na't ang makasama ang tatay ng anak ko pati narin ang napakacute kong anak ay sapat na sakin upang magpatuloy sa buhay, na ang tanging hangad lang ay kasiyahan.
Nitong mga nagdaang araw ay magbabakasyon muna si Aiden sa bahay ng kanyang nobyong si Blake, maging siya kasi ay hindi eksepsyon sa lumalabas na pheromone saaking katawan.
Kaya naman upang maibsan ang init na nararamdaman ni Luca sa tuwing nagkakalapit kami ay ako na ang nagpepresentang tulungan siya. Kaya naman ako na mismo ang nagpapal*bas sa'kanya sa pamamagitan ng aking kamay.
Ayoko kasing pagbigyan siya lalo na't hindi normal ang laki ng kanyang ari, at paniguradong magkakaroon ng komplikasyon kung hayaan kong magpadala sa init ng katawan.
"Ano na naman yan?" Ang inis kong sambit sakanya lalo na't puro tsokolate ang linalagay niya sa tray.
"Para lang sa bata" ang tugon nito na ikinakunot ng noo ko.
"Yan, yan ang mahirap sayo kasi kinukunsinti mo! Tignan mo nga yang ngipin ng anak mo" ang sambit ko sa'kanya lalo na't pudpod na ang ngipin nito kakain ng candy at chocolate na madalas na pasalubong ng damuhong to tuwing umuuwi sa bahay.
"Last nayan, imbes na mga healthy foods gaya ng mga prutas at gulay ang pinapakain mo. Mga candy at chocolate pa na panget sa katawan" ang sermon ko na ikinatawa lang nito.
Dali dali naman kaming pumunta sa fruit and vegetables section at halos lahat ng makita kong masusutansyang pagkain ay linalagay ko, todo lagay narin si Luca ng mga prutas samantalang halos ubusin ko na ang lalagyan ng avocado, lalo na't ito ang pinaglilihian ko.
Dati rati ay ayaw na ayaw ko sa avocado lalo na't madalas kong nakikita si Aiden na lagyan ito ng gatas, asukal at yelo sabay durog sa avocado.
Diring diri akong tignan yan noon lalo na't hindi kaaya aya ang hitsura nito ngunit nang makita ko ito noong nakaraang linggo at ginawa rin ang ginagawa ni Aiden ay talaga namang nagustuhan ko na ito.
Lalong lalo na kung maraming gatas! UGHHHHHH SO YUMMY AND CREAMY!!!!!
"Magtatayo ka yata ng avocado farm sa bahay. Hindi pa nga ubos yung pinamili mo kagahapon tapos mamimili ka na naman" ang saway sakin ni Luca lalo na't minu minuto ay linalamutak ko ito sa kakakain.
"Baka naman maging the Grinch yang anak natin sa kakakain mo sa avocado" ang sambit nito na ikinatawa ko naman.
"Pero sabagay, nilulunok mo pala t*mod ko araw araw kaya kinukuntra ng puti kong t*mod ang kulay green na avocado" ang sambit nito kaya naman mabilis na lumipad ang kamay ko sa'kanyang braso.
"Bunganga mo nga, ilugar mo" ang naiinis kong sambit ngunit natatawa rin lalo na't totoo naman kasi.
Habang naglilibot pa ay bahagya naman kaming napahinto ng makadapuang palad namin ang isang estrangherong lalake na nang madaan ko ito ay halos hindi na mawala ang tingin saakin.
Hindi ko naman maiwasang maweirdohan sa ginagawa niya lalo na't nakapokus ang kanyang mga mata saking mukha na animo'y kilala niya ako.
"Pareeeee, long time no see" ang nakangiting sambit ni Luca sa lalakeng nakatingin sakin na bahagyang ikinagulat ko.
"Magkakilala sila?" Ang takang tanong ko sa sarili, ngunit imbes na tumingin kay Luca ay tanging nakapokus lang ang kanyang paningin sakin kahit na kaharap niya mismo si Luca.
"Grabe ang tagal mo rin sa Canada, nakarating ka na pala sa Pilipinas" ang natutuwang sambit ni Luca sa lalake.
Kaya naman imbes na makipagtitigan sa weird na kaibigan ni Luca ay mabilis ko nalang binawi ang aking mga tingin lalo na't hindi ako komportable sa kung paano niya ako tignan.
"Nako matagal tagal narin, mga 1 month" ang nakangiting nitong tugon.
"Ahhh baka gusto mo'kong ipakilala sa kasama mo" segundo nito na ikinatingin ko sakanila.
"Ahhh sorry, ASAWA ko pala pre" ang sambit ni Luca na diniinan pa talaga ang salitang asawa kahit na hindi naman pa kami kasal.
Marahil siya rin ay nakaramdam ng kakaiba sa kaibigan niya.
"Ahhh talaga ba? Ayos rin mga taste mo, talagang dekalidad" ang nakangising sambit nito habang nakatingin pa sakin na wari'y hinuhubaran ako sa'kanyang mga titig.
"Pre, alalahanin mong nasa supermarket tayo. Ayaw mo namang dito pa tayo magkasubukan" ang maangas na sambit ni Luca lalo na't maging siya ay nabastusan rin sa sinabi ng kaibigan niya.
"Chill lang pre, sinasabi ko lang naman na masarap lamutakin ang asawa mo. Paniguradong tiba tiba ka, lalo na't sa naamoy ko sa'kanya, pihadong carrier siya" ang manyak na sambit nito.
Agad ko namang namataan ang nakakuyom na kamao ni Luca na mukhang babangasan na ang kaibigan ng mabilis akong lumapit upang pigilan siya.
"Isa pang pangbabastos mister, at tatawagin ko ang gwardiya para ipadampot ka at ilagay sa kulungan"
"Magpasalamat ka at napigilan ko ang asawa kong bangasan ang p*nget mong mukha, dahil paniguradong malalamog at hindi mo na mabubuksan ang mga mata mo sa ginawa mong pangbabastos sakin, kaya kung ako sayo ay lalayo nako at baka hindi ko na mapigilan ang asawa ko na saktan ka" ang mahina at seryoso kong sambit habang hawak hawak ang kamay ni Luca na galit na galit na at gustong bangasan ang lalaking kaibigan.
Naging epektibo naman ang pananakot ko kaya naman mabilis rin itong umalis.
"Ikaw, alam kong mali ang ginawa non ngunit wag kang magpadalos dalos sa mga desisyon mo. Mas magiging magulo lang kung parating kamao ang uunahin mo" ang saway ko sa'kanya, habang marahang inaayos ang kanyang hitsura lalo na't nanginginig ito sa galit.
"H*yop na yon, nagawa ka pang bastusin" ang maangas na sambit nito kaya naman tinapik ko siya.
"Hayaan mo na, paniguradong takot naman iyon lalo na't binantaan na. At huwag na huwag kong malalaman na may mangyayaring masama sa lalakeng yon ha" ang pagpapakalma ko sa'kanya sabay halik sakanyang labi ng mabilis.
Bahagya naman siyang huminahon kaya naman ipinagpatuloy narin namin ang pamimili.
Kinuha ko na ang cellphone niya lalo na't may kutob akong babalikan ni Luca ang lalakeng iyon at tuturuan ng leksyon, kaya naman upang maiwasan ang pangyayaring iyon ay nagiging mas advance nako, mahirap na.
Nang makarating kami sa counter ay dali dali nang pinack ang mga pinamili namin, si Luca na ang halos nagdala at nagbuhat, tumulong narin ang ibang staff ng store sa paglagay ng mga pinamili namin kaya naman hindi na kami nahirapan.
Naging matiwasay naman ang byahe, hanggang sa hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa bahay.