CHAPTER 14

1.8K 58 2
                                    

HIDING THE SON OF THE MAFIA BOSS

CHAPTER 14

Jion

Bagama't pagod na pagod ako sa pamimili ay buong lakas ko paring binuhat ang aking katawan papunta sa bahay upang makapagpahinga naman kahit kunti.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay ganon nalang ang gulat ko ng matagpuan kong naglalaro si Luca at ang anak ko sa sala.

Dahil sa sobrang gulat ko kung bakit nandito ang damuhong ito ay hindi ako umimik upang hindi sila maistorbo, bagkos ay dali dali akong naglakad papuntang kusina upang hanapin ang salarin na ngayon ay pihadong nagtatago dahil sa kabulustugang ginawa niya.

Ganon nalang ang aking gulat ng tumambad sakin ang parang bata nitong itsura habang walang humpay na kinakain ang isang box ng donuts.

"Pasensya na baks, donuts kasi to eh" ang katraydoran nitong sambit habang patuloy parin sa paglamon.

"Nako talaga naman oh" ang inis kong sambit habang tinitignan ang hitsura niya na animo'y hindi nakakain ng donut sa loob ng labing isang taon.

"Anong ginagawa mo dito?" Ang may kalakasan kong sambit na nagpatigil sa kanilang paglalaro.

Binitawan naman ni Luca ang mga laruan at mabilis na tumayo, habang nakapamulsa pang nakatingin sakin.

"Binibisita ko lang kayo, may masama ba doon?" Ang sambit nito na nagpataas ng kilay ko.

"Sino bang binibisita mo dito? Sa pagkakaalam ko ay wala kang kakilala dito kaya makakaalis ka na. Hindi kamanlang nagtataka na baka may asawa nako, pano nalang kung magkadapuan kayo ng misis ko?" Ang pagsisinungaling ko nalang sa'kanya, upang lubayan na niya kami.

Sino bang matutuwa na bigla nalang siyang susulpot sa hindi maipaliwanag na dahilan ay aaktong parang gusto niyang makasama kami.

"At satingin mo ba ay mapapaniwala mo ako sa mga ganyan ganyan mo? Kahit anong storya pa ang i-imbento mo ay hinding hindi ako maniniwala. Sa tagal tagal kong nagtiis at naghanap ay akala mo ba papakawalan nalang kita ng ganon ganon lang?" Ang seryoso niyang sambit na ikinatahimik ko ng bahagya.

"Ano bang dahilan mo? Hindi kita kailangan sa buhay ko kaya pwede bang umalis ka na" ang tugon ko na ikinangisi niya lang.

"Gusto lang kitang makasama. Mahirap bang intindihin yon? Wala akong pakialam kung may asawa ka na! Hindi naman mahirap mang agaw sa panahon ngayon" Ang banayad niyang sambit habang nakatingin saking mga mata na animo'y parang pag aari niya ako.

Hindi ko naman mapigilang kilabutan sa mga salitang lumalabas sa bibig niya ngunit hindi ko rin ikakaila na mas lalong naghuhurumintado ang puso ko sa kabang nararamdaman ko.

"Ahccckkk so sweet"

Agad namang naputol ang tensyon naming dalawa ng lumabas sa kusina si Aiden na punong puno ng powdered sugar ang bibig dahil sa Bavarian na kanina niya pang nilalantakan.

"Ubusin mo muna yung isang box doon, nahiya ka pa" ang sambit ko na agad naman niyang ikinatango at mukhang nag tira pa ng isang piraso.

"May pera ako na bubuhay sa'inyong dalawa. Kung pipiliin mo lang ang buhay na iyon ay sisiguraduhin kong magiging maganda ang kinabukasan mo pati narin ng bata" ang alok nito na ikinasinghal ko.

"Kailanman ay hindi ako masisilaw sa pera, hindi mo paako kilala kaya wag kang umastang ikaw na ang pinakamayamang tao sa buong mundo" ang nasambit ko nalang.

"Papaano ang bata? Wala siyang kinikilalang ama? Hahayaan mo nalang ba siyang lumaki sa isang pamilyang hindi buo. Alam kong natutustusan mo ang pangangailangan at pagmamahal na kailangan niya ngunit hindi mo parin mai-aalis sa bata ang kuwestiyonin ang pagkatao niya. Ano nalang ang maiisip niya kung laging ikaw ang nakakasalamuha niya bukod sa kaibigan mo" ang deretsahan niyang sambit na bahagyang ikinatahimik ko.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Nangangapa ako ng mga salita, ngunit wala akong mahanap.

Gustuhin ko mang salungatin ang mga katagang sinabi niya ngunit hinding hindi mawawala ang katotohanan na tama nga siya.

"Wala akong masamang intensyon, wala akong gagawing masama gaya ng iniisip mo. Nandito lang ako dahil gusto kong maging masaya. Hindi mo man ako naiintindihan sa ngayon ay darating din ang araw na mauunawaan mo ang lahat. Basta't hayaan mo lang ako sa mga ginagawa ko, kung satingin mo man ay gumagawa ako ng mga bagay na maglalagay sa kapahamakan ninyong dalawa ay ako mismo ang lalayo" ang seryoso niyang litanya na bahagyang nagpalambot sa damdamin ko patungo sakanya.

Imbes na umimik ay dali dali nalang ako tumalikod at hinayaan nalang silang dalawa ng anak niyang maglaro.

Hindi ko mawari sa isip at puso kung ano bang mararamdaman ko sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Gustuhin ko mang paniwalaan na wala siyang masamang intensyon gaya ng sinasaad niya ay hindi ko parin maiwasang mangamba lalo na't sobrang bilis ng pangyayari.

May kutob akong kukunin niya sakin ang bata, ngunit sa mga sinabi niya sakin ngayon ay ramdam kong hindi iyon ang intensyon niya. Hindi nga niya yata alam na anak niya si Chibi lalo na't halatang halata naman sa mga pinagsasabi niya.

"Bigyan mo lang naman ng chance, baka naman gusto ka lang makilala. Pinapangunahan mo kasi yung tadhana, hayaan mo lang siya sa mga gusto niyang gawin basta't alam mong hindi naman ikapahamak mo o nung bata. Hindi ibig sabihin na porket masama ang nakaraan niyo ay lilimitahan mo na ang lahat ng bagay. Minsan tinanong mo ba ang sarili mo kung may kasalanan ka rin ba?"

Ang matalinhagang sambit ni Aiden na bahagyang ikinatigil ko.

"Hayaan mo lang ang tadhana ang mismong magpasya, ito narin ang panahon para naman magfocus ka sa sarili mo. Buong buhay mo ay nakatapat nalang sa anak mo.

Wala namang masama doon, ngunit hindi ibig sabihin na papabayaan mo nalang ang sarili mo. Kahit papaano ay kailangan mo parin ng t*te, hindi tayo mabubuhay kung walang t*te" Ang mga kataga niya na ikinatingin ko sa kanya ng masama.

"Ang ibig ko lang naman sabihin ay maging masaya ka kahit papano, walang masama kung alagang alaga mo ang bata ngunit pahalagahan mo rin ang sarili mo paminsan minsan. Wag kang matakot at wag kang mag isip ng mga negatibong bagay, ano pa at siya rin naman ang ama ni Lucas diba? Hindi bat sign nato para magkaroon ka ng bonggang happy family?

Atsaka nhanandito lhang ako besh, whag kang mag alalah"

Buong puso ko na sanang tatanggapin ang mga sinasabi niya ngunit agad naman kumunot ang noo ko ng marinig ko ang huling mga salita niya.

Ganon nalang ang inis ko ng makitang linalantakan na naman nito ang isang box ng donuts, at mukhang pinapayuhan lang ako para hindi ko siya mahalata at mahuli sa pagiging masiba niya.





DANGEROUS CLOAK: Hiding the Son of the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon