CHAPTER 8

2.1K 82 3
                                    

Alas singko palang nang umaga ay prinepara ko na ang maliit kung stall, bagamat mahirap sa una ay kahit papaano ay kinakaya ko naman.

Napagtanto ko kasing nasayang lang ang pinag aralan at natapos kung kurso kung ipagpapatuloy ko pa ang pag trabaho sa opisina.

Culinary kasi ang kinuha ko, ngunit sa kasamaang palad ay hindi ko ito nagamit lalo na't pagkagraduate na pagkagraduate ko palang ay nalaman nalang ni Papa na may karelasyon ako, dati ay nagtataka pako kung paano niya nalaman iyon. Lalo na't tago naman kami kung magkita ni Kieth at wala akong pinagsasabihang iba maliban kay Clark.

Nagtataka rin ako noon kung bakit bigla nalang pinag usapan ni Papa ang tungkol samin ni Kieth samantalang wala naman siyang oras para malaman kung anong nangyayari sa buhay ko.

Ngunit sa mga nangyaring hidwaan namin ni Clark, ay napagtanto kong siya lang ang may alam nang lahat bukod saming dalawa ni Kieth. Kaya wala naman akong ibang pagbubuntungan nang nangyari kundi siya.

Malas ko lang at hindi ko kaagad nabistong siya pala ang surot at anay na tumutupok sa samahan naming dalawa ni Kieth. Sa sobrang pagmamahal at pagtitiwala ko sa kanya ay ni hindi ko manlang naisip na siya pala ang may kagagawan nang lahat at siyang punot dulo kung bakit nangyayari ang lahat nang to sa'kin.

"Dadaaa tubig" ang malakas na sigaw ni Chibi habang nagtatalon talon pa sa kanyang upuan habang inaabot sakin ang basong hawak hawak niya.

Kukunin ko na sana ang tubig nang biglang may kotseng nagpagiwang giwang sa kalsada, kaya naman naalarma kaming lahat lalo na't mukhang dadausdos at aararuhin kami nito.

Dahil sa sobrang pangamba ko ay wala pang segundo ay dali dali kong kinarga ang anak ko papalayo sa stall namin.

Buong akala naming lahat ay aararuhin niya ang lahat nang stalls, mabuti nalang talaga ay nakahinto ito at nakapreno ang nagmamaneho sa tamang oras, lalo na't siguradong malaking kawalan kung mawawala samin ang maliit naming mga tindahan.

"Mister! Kung sa susunod na magmamaneho kayo ay siguraduhin niyong matiwasay ang pag iisip niyo at hindi kayo nakakagawa nang kaguluhan, ano nalang ang nangyari samin kung hindi ka nakapreno" ang nagagalit kung turan at pilit na pinapalabas ang lalakeng nasa loob nang sasakyan.

"Pasensya na kayo, nahulog kasi ang yosi ko at napaso ako kaya hindi ako nakapagfocus kaagad. Pasensya na, may nasugatan ba" ang nagpapanic nitong turan sabay tingin sakin nang deretso saking mga mata.

Ganon nalang ang aking kaba nang magkatinginan kaming dalawa, ang mga ala ala naming dalawa ay dali daling nagsibalikan sa isip ko, kabilang na ang panlolokong ginawa niya sakin.

"J-jion" ang natulala niyang sambit sa pangalan ko.

Maging ako ay nagulat sa biglaan niyang pagpakita, ngunit agad ko namang inayos ang aking hitsura habang ipinapakita sa kanya na wala akong kareareaksyon sa presensya niya.

"Kamusta ka na? Anong nangyari sayo? Bakit bigla ka nalang nawala?" Ang tanong nito sakin habang nakahawak saking mga kamay.

Kung pwede ko lang siyang pagsasampalin sa harap nang mga tao, ay pinigilan ko. Ayaw ko namang magmukhang masama sa mga taong nasa paligid kaya naman kahit mahirap ay pinipigilan kong hindi siya saktan.
Ll ko kayo kilala, baka nagkakamali kayo" ang maang maangan ko upang layuan na niya kami.

"Hindi mo manlang kami binisita, matagal ka na naming hinahanap. Nandito ka lang pala sa Manila" ang nakangiti nitong sambit at mukhang yayakapin pa sana ako nang bigla ko siyang tinabig.

"Pasensya na ho mister, ayaw ko hong maging bastos sainyo ngunit hindi ko talaga kayo kilala" ang deretsahan kong sambit at tatalikod na sana nang bigla niyang kabigin ang braso ko.

Ganon nalang ang aking gulat nang sa sobrang paghugot niya nang braso ko ay nawalan ako nang balanse sa paghawak sa anak ko na kamuntikan na nitong ikahulog.

"Ano ba! Huwag niyo hong idamay ang anak ko dito! Hindi porket na mayaman kayo ay mang aalipusta na kayo nang simpleng mamayan" ang malakas kong sambit upang makakuha pa kami nang maraming atensyon.

Samantalang nakayakap lang naman ang anak ko nang mahigpit sakin wari'y takot na takot kay Kieth.

"Sumama ka sakin" ang pamimilit niya na mas lalo kong ikinagalit.

"Mister! Hindi niyo ho ako mabibili sa kahit na singkong duling para sumama sa'inyo. May puri akong iniingatan at hindi ako baliw para sumama sa taong kagaya mo, mahintakutan naman kayo sa balak niyo, may anak ho ako" ang malakas kong sigaw na ikinahatak nang maraming tao.

"Lumayas ka dito! Imoral ka! Hindi ka na naawa sa mag ama, pagkatapos mong sagasaan ang tindahan nila ay babastusin mo pa?!" Ang sigaw nang isang lalake na wari'y ipinagtatanggol ako.

Samantalang naguguluhan naman si Kieth sa mga nangyayari at mukhang walang naiisip na magandang solusyon upang ipaalam na wala siyang masamang balak gaya nang iniisip nang karamihan.

"Mga huwad talaga ang katauhan niyong mayayaman! Mga mapangmata!" Ang sambit naman ng isang ale sabay bato nang gulay kay Kieth na sumapol mismo sa kanyang pagmumukha.

Dali daling nanguha nang mga pagkain at gulay ang mga tao at walang habas na pinagbabato so Kieth na ngayon ay maduming madumi na dahil sa mga mantsang galing sa mga pagkaing ibinabato sa'kanya.

At dahil doon ay kinuha ko na itong oportunidad upang makatakas sa h*yop na lalakeng yon. Kahit nagpupuyos ang aking damdamin at gusto ko siyang sumbatan at bugb*gin sa sobrang kakapalan nang kanyang pagmumukha na tanungin at kamustahin ako, ay pinigilan ko parin ang sarili ko lalo na't nasa braso ko lang ang bata at ayokong makita niya mismo ang mga gagawin ko kung sakaling hindi ako nagpapigil sa damdamin ko.

"Tubig" ang nauuhaw na nitong sambit na ikinatawa ko lang naman nang bahagya lalo na't sa naganap na komusyon ay hindi talaga nawala sa kanyang isip na nauuhaw siya.
___

Someone's POV

"Anong nangyayari? Bakit andaming nagkukumpulang tao?" Ang takang tanong nang lalake sabay baba nang windshield at tinapon ang upos na sigarilyo.

"May nangsagasa daw Boss at mukhang pinagkukumpulan nang mga tao dahil nakasagasa na nga, namabastos pa" ulat nang tauhan niya na ikinangisi niya lang.

"Sa ibang ruta ka na dumaan, mukhang hindi pa yata matatapos yan" ang natatawa nitong sambit na ikinatango lang naman nang kanyang tauhan.

Akmang aandar na sana ang kotse at mag iiba nang direksyon nang mapansin ng lalake ang isang pamilyar na pigura nang isang tao na matagal na niyang hinahanap. Kaya naman dali dali siyang sumigaw sa driver na ihinto ang sasakyan na lalarga na sana kung hindi niya lang pinatigil.

"Put*ngina sabing hinto!" Ang naiinis niyang sambit na ikinatakot naman nito kaya hindi pa nagsegundo ay mabilis niya itong hininto.

Hindi na nag aksaya pa nang oras ang lalake at mabilis na kumaripas nang takbo upang puntahan ang pamilyar na wangis at pigura nito. Buong lakas at bilis niyang tinakbo ito upang maabutan niya at hindi na kailanman makawala pa.

"Put*ngina wala ka nang kawala" ang nanggigigil niyang sambit lalo na't sa 3 taon niyang paghahanap dito ay kahit na kahit katiting na impormasyon ay bigo siyang makuha.

Dali dali niyang linapitan ito sabay tapik nang braso nito, ang kaninang galak na nararamdaman niya ay bigla nalang gumuho nang pagharap nito ay ibang tao ang kanyang nakita.

Bahagya siyang naguluhan lalo na't sigurado siyang nakita niya mismo ito sa kanyang mga mata at hindi siya pwede magkamali.

"Bakit po Sir?" Ang tanong nang ekstrangherong lalake na pinagkamalan niya.

"Ah wala wala, pasensya ka na" ang seryoso niyang sambit sa lalake at mabilis na na lumisan pagkatapos niyang makumpirma na hindi nga ito ang hinahanap niya.

Habang binabagtas ang daan papunta at pabalik sa'kanyang sasakyan ay napansin niya ang cute na bata na nasa isang upuan habang hawak hawak ang isang maliit na baso na nakatingin sa kanya habang naglalakad.

Imbes na pag aksayahan nang panahon ay mas binilisan niya nalang ang paglalakad kahit na banaag sa kanyang mukha ang pagkabigo.
__

DANGEROUS CLOAK: Hiding the Son of the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon