CHAPTER 34

1.1K 40 0
                                    

HIDING THE SON OF THE MAFIA BOSS

CHAPTER 34

Jion's

Nasa kotse na kaming lahat nila Luca, Aiden, ako at ng bata, samantalang nasa isang kotse naman ang mahahalagang gamit na pinili naming dalhin ngayon.

Gusto ko pa sanang kunin ang iba, kaso masyadong marami nakong bitbit at hindi na magkakasya ang lahat sa kotse ni Luca kung pati ang kapritsuhan ko ay susundin ko pa.

"Matulog muna kayo, medyo mahaba haba ang byahe natin" ang sambit nito na ikinatango ko lang.

Parehas kaming nasa front seat ni Luca, at siya ang nagmamaneho. Samantalang nasa backseat naman si Aiden at katabi nito ang natutulog na bulinggit.

Hindi ko na ito ginising pa lalo na't gayon din naman ang magiging takbo nito, matutulog lang ito sa byahe kaya naman hinayaan ko nalang itong tulog habang mabilis na inakay papaloob ng kotse ni Luca.

"Ayoko munang matulog, mamaya na" ang sambit ko lalo na't ayoko namang iwanan nalang ng basta si Luca, kaya kahit gusto ko munang umidlip ay pipigilan ko.

"Ay ako te, matutulog nako. Bukod sa nakakalanggam ang kasweetan niyong dalawa ay pagod rin ang katawan ko, alam niyo naman kung bakit diba? Hehe sige na" ang sambit niya sabay suot ng sleeping mask niya at mabilis na inayos ang sarili para makatulog ng mahimbing.

"G*ga ka, nabebend yan. Wag kang matulog nang naka upo lang at sasakit yang leeg mo te" ang natatawa kong sambit sa bruha kong kaibigan kaya naman mabilis niyang inayos ang upuan niya upang maging komportable ang pagkakahiga niya.

"P*ta ka te! Dito ka binabarurot ni Luca hano? Perfect na perfect to sa missionary position oh" ang komento pa nito kaya naman mabilis kong binato ang neck pillow sa kanya na ikinatawa lang ng g*ga sabay suot muli ng kanyang sleeping mask.

Akmang magsasalita na sana ako ng mabilis kong naramdaman ang mainit na kamay ni Luca sa hita ko na bahagyang hinihimas ito.

"Gawin kaya natin yon next time, mukhang masaya" ang nakangiti niyang bulong sakin na ikinairap ko lang.

"Che, wag ka ngang magpapaniwala sa mga pinagsasasabi ni Aiden" ang natatawa kong tugon sa'kanya.

"Eh ano naman? Hindi pa naman talaga natin nagagawa yon. Paniguradong exciting yon lalo na't kunti lang ang espasyo" ang natatawa niyang sambit na ikinatawa ko naman ng mahina.

"Magmaneho ka nalang, andami mong naiisip" ang natatawa kong sambit sabay layo ng kanyang mukha lalo na't mukhang gusto na namang niyang magpahalik kahit kanina ko pa siya hinahalikan ng pa-ulit ulit.

Habang nasa byahe ay nanatili paring nakahawak ang kanyang kamay sa mga hita ko ngunit hindi naman siya gumagawa ng kung anong kabulastugan kaya hinayaan ko nalang.

At ang pangako kong sasamahan ko siya sa pagmamaneho ay nabigo ng dahan dahan akong nakaramdam ng antok, hanggang sa tuluyan nakong lamunin ng kadiliman.
__

"Andito na tayo"

Agad naman akong napabukas ng aking mata ng marinig ko ang mahinang boses ni Luca habang marahang niyuyugyog ang katawan ko upang magising ako sa mahimbing kong pagkakatulog.

"Andito naba?" Ang wasted kong sagot na ikinatawa naman ng mukong.

"Oo nandito na" ang nakangiti nitong sambit sabay unbuckle ng seatbelt ko.

Lalabas na sana ako ng kotse ng mapansin ko ang isang napakalaking bahay na parang gawa ng isang pinakamagaling na enhenyero at arkitekto sa sobra nitong ganda at laki.

Ang hitsura nito ay aakalain mong pag aari ng isang milyonaryo sa Amerika, lalo na't ang disenyo nito ay modernong moderno na animo'y isang mansyon.

"L-luca" ang hindi ko makapaniwalang sambit habang nakatingin sa pinakamagandang bahay na nakita ko sa tanang buhay ko.

"What? Panget ba?" Ang sambit ni Luca na ikinagulat ko.

"Nagbibiro ka ba?! Anong panget dito?! Ang ganda nga eh?! Sayo ba to?" Ang gulat na gulat kong tugon sa'kanya.

"Buti naman at nagustuhan mo, balak ko pa sanang ipagiba aura mismo kung hindi mo nagustuhan" ang mayabang na sambit nito habang nakapamewang pa.

Samantalang nakangaga lang naman ako sa sobrang pagkamangha sa nakikita. Talagang sobrang napakaaliwalas ng paligid lalo na't medyo malapit kami sa karagatan, at mas naloloka ako lalo na't sa napakalaking swimming pool nito.

"Dito talaga tayo titira?" Ang nakangiti kong sambit lalo na't naghahalo halo sa puso ko ang iba't ibang emosyon.

"Oo nga" ang natatawa nitong tugon na ikinangiti ko ng sobra.

Akmang gigisingin ko na sana ang dalawa ng biglang lumabas si Aiden habang karga karga ang natutulog na si Chibi.

"O.M.G" Ang nakatulalang sambit ni Aiden habang dahan dahang naglalakad papunta saamin na wari'y namaligno sa sobrang pagkamangha.

"Hindi ko na mabilang sa isip ko ang mga litratong ipopost ko sa Instagram habang nakatira sa bahay na to. Paniguradong pag aagawan ako ng mga lalake dahil yayamanin na shukes" ang parang maiiyak at naeexcite nitong sambit.

"Hayofff ka fafa Luca, ano bang trabaho mo at tinalbugan mo pa ang malacañang sa sobrang ganda ng bahay mo" ang sambit ni Aiden habang mangha mangha parin sa nakikita niyang napakagandang bahay.

"Baks, magsuswimsuit photoshoot tayo dito! Bongga to! Paniguradong magviviral na naman ang kagandahan natin" ang excited na excited na sambit ni Aiden, na paniguradong iniba ang usapan lalo na't ramdam niyang hindi iyon sasagutin ni Luca, na ikinaisip ko rin ng sandali.

"Wag mo nang idamay ang asawa ko sa mga kalokohan mo Aiden, kung gusto mo magphotoshoot diyan wala akong pakialam. Basta't wag mo lang idadamay ang asawa ko lalo na't ayokong may naglalaway na ibang lalake sa'kanya" ang nakangising sambit ni Luca sabay lapit sakin at hikbit ng bewang ko.

"Ayyy oo na, tatawagan ko na mismo si Blake ngayon at para hindi lang kayo ang masaya sa gabing to" ang mataray nitong sambit sabay bukas ng kanyang cellphone at tinawagan ng si Blake.

"Bakit hindi mo sinagot yung tanong ni Aiden kanina, ano nga bang trabaho mo?" Ang kyuryoso kong tanong na ikinakunot ng kanyang noo.

"Alam mo naman diba? Ako ang may ari ng isa sa pinakasikat na vehicle company sa bansa" ang hambog nitong sambit na ikinatango ko nalang lalo na't bahagyang hindi ako satispado sa mga sagot niya.

Alam kong iyon nga ang trabaho niya at kompanyang pag-aari niya ay alam kong may iba pa siyang ginagawa na likas na sa kaalaman ko. Dahil bago ko pa siya makilala ay marami nakong nalaman patungkol sa'kanya, at karamihan doon ay ilegal ngunit umaasa naman akong nagbago na siya lalo na't matagal rin naman iyon at may pamilya na siya ngayon.

"Magandang gabi po sir, sila Gaston nalang ang bahala sa mga gamit ninyo at tumuloy nalang kayo sa loob" ang magalang na sambit ng isang ginang na bigla nalang sumulpot sa kung saan.

"Pakikuha nga ng anak ko Manang at kanina pa yan gustong mahiga sa kama niya. At samahan mo nalang itong Sir Aiden mo sa kanyang kwarto. Salamat" ang utos ni Luca sa ginang na ikinatango lang ng ginang.

"Ay dito lang muna ako sa labas at magseselfie selfie lang muna ako" ang suhestyon naman ni Aiden na ikinatawa ko lalo na't ngayon palang ay nagsimula na siyang kumuha ng litrato habang nagpopose pose pa na parang model.

"Ate, picture-an mo nga ako dito. Parang maganda ang lighting dito eh" ang walang kahiya hiyang sambit ni Aiden sabay abot ng camera sa kasama ng ginang na kaedad lang yata namin.

"San sir? Dito ba?" Ang tugon naman ng babae, samantalang todo posing naman si Aiden na animo'y kasali sa Asia's Next Top Model.

"Pasensya na po sa kaibigan kong yan, ganyan po talaga yan nung pinanganak palang" ang natatawa kong sambit sa ginang na ikinangiti lang rin nito.

"Ah sige sir at pupunta muna kami sa loob at baka mahamugan pa ang bata" ang sambit naman ng ginang sabay dali daling naglakad papasok sa loob ng bahay.

"San tayo pupunta?" Ang takang tanong ko lalo na't inilabas na ni Luca ang kanyang susi.

"Bibili ako ng pagkain, hindi ko kasi nasabihan si Manang Cynthia na magluto lalo na't biglaan ang pagdating natin" ang nakangiting sambit nito na ikinatango ko nalang sabay ngiti.

"Tara na" ang sambit ko at nauna pakong pumasok sa loob.








DANGEROUS CLOAK: Hiding the Son of the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon