HIDING THE SON OF THE MAFIA BOSS
CHAPTER 46
MAKALIPAS ANG 9 NA BUWAN
Jion's
"Luca! Bilisan mo!!!" Ang naiinis kong sigaw habang pinipigilan ang sarili na hindi maiyak sa sobrang sakit ng contraction na nararamdaman ko.
"Sorry sorry" ang natatarantang sambit ni Aiden habang dala dala ang mga mahahalagang gamit na kailangan sa hospital.
"H*y nako, kung hindi ka lang talaga gwapo ay hindi nako magpapabuntis sayo! Grabe ang sakit!!!" Ang naiiyak kong sambit lalo na't parang gustong gusto na talagang lumabas ng mga bata.
"Shhhhh sorry" ang natataranta ring sambit nito habang pilit akong pinapakalma.
"Mang Ben! Bilisan mo na! Baka dito pa manganak itong si Jion!" Ang natatakot na sambit naman ni Luca na halatang halata ang takot at pangamba dahil sa kalagayan ng anak.
"Ang daya daya mo! Kapag sa pagpapasarap ay pareho tayong dalawa, pero sa hirap ako lang mag isa! Hayp na buhay to" ang naiinis kong sambit lalo na't kahit puro ako reklamo ngayon, ay tutuwad at tutuwad parin ako sa'kanya.
Kung noon ay nakakaya ko pa ang ganitong bagay, lalo na't isa lang naman ang nasa tiyan ko. Pero ngayon parang mababaliw nako sa sakit! Pano ba naman at tatlo silang lahat!
"Hindi nako magpapabuntis sayo! HUHUHU" ang umiiyak na sambit ko kahit alam ko naman sa sarili ko na sisige parin ako lalo na't magaling siya sa kama at talagang tinuturing niya akong prinsesa na parang hitad na pak*ntot at sabik sa b*rat.
"Shhh oo hindi na" ang pang aalo nito kahit alam ko naman na hindi iyon mangyayari.
Mga ilang minutong byahe pa ay agad naman kaming nakarating sa ospital, dahil sa emergency kami. Ay agad naman kaming inassist ng mga nurse.
"Arghhhhh Luca!" ang umiiyak kong sambit habang nakahawak nang mahigpit sa kanyang mga braso.
"Wohhhh wohhh" ang nahihirapan kong sambit lalo na't sobrang sakit na ng contraction na nararamdaman ko.
"Ikaw talagang lalake ka! puro ka lang pasarap samantalang ako puro hirap. Hindi ka na talaga makakaulit! Damuho ka!" Ang hirap na hirap kong tugon habang inis na inis sa kanya.
"Shhhhh oo hindi na" ang tanging sagot nalang ni Luca habang mariing nakahawak sa kamay ko. Ramdam na ramdam ko rin ang kanyang kaba at takot lalo na't ito ang unang beses niyang makita akong nanganganak.
"Bakit pa kasi ako nakipagbalikan sayo, kung alam ko lang na dadanasin ko lang to ulit! Hindi na sana kita tinanggap sa buhay ko!" Ang umiiyak kung sambit samantalang hinahayaan lang naman ako ni Luca sa sinasabi ko at para akong batang inaalo habang paulit ulit na sinasabayan ang paghinga ko. Alam niya kasing nasasabi ko lang ito lalo na't sobrang sakit talaga ng nararamdaman ko.
"Mr, maari niyo na pong iwan ang asawa niyo" ang sambit ng doktor samin.
"Dok hindi ba pwedeng nandito lang ako, hindi ko yata kayang iwan nalang ang asawa ko" Ang kinakabahang ani ni Luca.
"Huwag ho kayong mag alala, magiging successful ang delivery ng anak niyo. Magtiwala lang kayo" ang sambit ng doktor na mas lalong ikinahigpit ng hawak niya.
"Mahal na mahal kita ha, kayanin mo. Nasa labas lang ako" ang mga salita niya bago dahan dahang kumalas sakin, nagiwan muna siya ng mga munting halik bago tuluyang lumabas.
"Jusko, ikaw na po ang bahala sakin. Basta't masurvive ko lang ang pagbubuntis na'to kasama ng mga isisilang kong anak" ang muntik kong hiling sa diyos sabay tingin sa nag aalalang mukha ni Luca sa labas.
"Arghhh Luca! malaki nga ot*n mo pero di parin ako prepared sa panganganak! Last mo na talaga to at hindi ka na makakaulit" ang inis na inis kong sambit saking isipan habang pilit na isinisiksik ang inis ko para kay Luca, kahit alam ko namang araw araw parin akong magpapak*ntot sa kanya sa oras na maging okay na ang kondisyon ko.
Duh hello, syempre nagrereklamo lang ako ngayon kasi naman sobrang sakit talaga. Pero syempre araw araw parin akong magpapabuntis sa kanya.
Sa mukha palang at katawan ay ang swerte swerte ko na, tapos may malaking ot*n pa!
Totoo nga talaga yung kasabihan na mauuna ang sarap tapos susunod ang hirap! Kaya naman kung noong una ay puro kami pasarap, ngayon ay naghihirap na.
Bagama't nahihirapan si Luca, ay mas nahihirapan naman ako. T*ngina! Tatlong bata ang nasa tiyan ko! Kung pwede ko lang pagsisigawan si Luca kung bakit ang lalakas ng t*mod niya at talaga namang dalawahan o di kaya tatlohan ang nakakapasok.
"Argghhh" ang umiiyak kung sambit ng sumakit ang aking tiyan na parang pinipilipit, na naging sanhi upang tawagin ko ang lahat ng mga Santo na kilala ko.
__MAKALIPAS ANG TATLONG BUWAN
"Magpahinga ka muna, halos buong araw ka nang nagbabantay sa bata" ang alalang sambit ko kay Luca na ngayon ay pinapadede ang dalawang anak niya.
"Hayaan mo na, matutulog rin naman tayo mamaya eh" ang tanging tugon lang nito.
Kaya naman mabilis akong lumapit sa kanila para tignan narin ang mga bata.
"Bawing bawi ka na po, tama na yang pagiging dakilang ama mo. Baka maungusan mo pa ang mga pastor sa salitang Father" ang pabiro kong sambit na ikinatawa naman niya.
"Hayaan mo na nga, at nag eenjoy naman akong alagaan sila. Grabe talagang pinaghalo ang mukha natin. Paniguradong maraming babaeng paiiyakin tong mga to" ang sambit nito na ikinangiti ko naman.
"Malaki ang tiyansa na maging babaero silang tatlo, ikaw ba naman ang tatay" hirit ko na ikinakunot ng noo nito.
"Baka loyal ang ibig mong sabihin, dahil sa oras na pinatikim mo sakin yang putahe mo. Lagi ko nang hinanap hanap" ang nakangising sambit nito kaya naman mabilis ko siyang pinalo.
"Pero sa totoo lang, ang gwapo ng mga anak natin noh? Pwedeng pwede mag artista" ang sambit nito na ikinatango ko lang.
"Naman, nagmana sa tatay eh" ang nakangiti kong sambit na ikinangisi naman ng damuho.
"Alam kong patay na patay ka sakin, pero wag mo namang ipahalata" ang natatawang sambit nito saba'y lapit sakin at hawak sa bewang ko.
"Loko, ikaw ang patay na patay sakin" ang nakangiting tugon ko na ikinatawa naman niya.
"Hindi nako kokontra, totoo kasi" ang sambit nito sabay halik saking labi na agad ko rin namang tinugon.
Hindi ko alam ngunit pakiwari ko ay ako na yata ang pinakamaswerteng tao sa buong mundo, sino ba naman ang mag aakala na makakabingwit ako ng lalakeng alam kong ako lang ang mahal at kahit kailan ay hinding hindi titingin sa iba.
Masarap sa pakiramdam na kahit kailan ay hindi ako nakakaramdam ng selos lalo na't lagi niya akong inaassure na ako lang ang mahal niya.
Kaya naman bilang mabuting kapareha ay ginagawa ko rin ang lahat lahat upang tuluyang maging maganda ang takbo ng aming relasyon.
Hindi man maiwasan ang mga kunting problema, ngunit sabay namin itong haharapin.
KASAMA ANG BINUO NAMING MASAYANG PAMILYA.
(THE END)