"Wala ka na talagang konsensya, pati kapatid mo sinasaktan mo na" ang maanghang na mga salitang lumabas sa bibig ni Kieth habang nakatayo sa entrada ng kwarto naming dalawa."Wala akong panahon para makipag usap sayo, kaya pwede ba umalis ka muna" ang naiinis kong tugon sabay kuha ng mga gamit ko at makalat na iniligay sa maleta.
Wala na kasing oras para sa mga walang kwentang bagay at wala narin akong oras para magtupi pa ng mga damit at maging organisado.
"Wag kang aalis" ang may otoridad niyang pagkakasambit na ikinatawa ko lang nang mapakla.
"Wala ka nang magagawa, atsaka ayaw mo ba non? Mas masosolo mo na ang kapatid ko at hindi na kayo magtatago sa likod ko para lang magk*ntutan" ang sarkastiko kong sambit sabay tingin sa kanya na animo'y diring diri ako sa pagkatao niya.
Imbes na magsalita at tumugon ay mabilis niyang sinara ang pinto sabay lapit sakin ng dahan dahan.
"Patawarin mo na naman ako oh, pinapangako kong magbabago ako. Babawi ako sa lahat nang pagkukulang ko" ang parang asong nagmamakaawa niyang sambit habang hawak hawak pa ang kamay ko.
Totoo pala ang sabi sabi nang iba na pumapangit ang isang tao kapag nakikita mo na ang totoong siya.
"Eh pano naman ang kapatid ko? Iiwan mo nalang ba siya?" Ang pagsakay ko sa kanya habang dahan dahang hinahaplos ang kanyang mukha.
Kung maari lang na magsusuka sa harapan at mukha niya sa sobrang pandidiri ko sa katauhan niya ay ginawa ko na.
"Hindi naman siya mahalaga sakin, sadyang natukso lang ako lalo na't nagbibigay rin siya ng motibo. Lalake lang ako kaya normal lang sakin ang matukso, may kasalanan ka rin naman kasi. Kung hinahayaan mo lang ako sa mga gusto kong gawin sa'yo, edi sana hindi ako napipilitan na pumatol sa kapatid mo. Pinatulan ko lang naman siya lalo na't lagi siyang nakabukaka sa tuwing nanjan ako.
Kaya mahal, patawarin mo nako. Pangako kong magbabago ako para sayo. Hindi ko naman mahal si Clark eh, ikaw parin ang mahal ko, sadyang hindi mo lang ako nasasatisfy sa s*x. Yon lang naman iyon"
Ang mahaba nitong litanya na labis labis ang dalang hatid na pandidiri sa buong sistema ko.
"H*yop ka! H*yop ka! Pagkatapos kong ibigay sayo lahat lahat!"
Ganon nalang ang aming gulat nang biglang bumukas ang pintuan at inuluwa roon si Clark na naghihimutok sa galit habang pulang pula ang mukha at pinagsusuntok sa dibdib si Kieth.
"Arayyy mahal ko tulungan mo ko" ang pagtawag sakin ni Kieth habang parang baliw na nagwawala si Clark at pinagsusuntok at pinagkakalmot siya.
Imbes na intindihin ang mga walang kwentang bagay ay mabilis ko lang na kinuha ang mga dapat kunin at iba pang mga mahahalagang bagay at isinilid ito sa maletang dala dala ko.
Nang masigurong plastado at wala nakong naiwang gamit ay dali dali kong inayos ang sarili ko habang walang humpay parin ang dalawang basura sa bugbug*n.
"Ah ngapala Kieth, baka makalimutan ko ulit sabihin sayo. Hiwalay na tayo kagabi pa, nakalimutan ko lang sabihin sayo nung mahuli ko kayo" ang nakangiti kong saad na ikinatigil nilang dalawa.
Kitang kita ko naman ang galit at pagkabigla ni Kieth sa sinabi ko.
"Hindiiiiii! Hindi mo ko iiwan!" Ang sobrang lakas nitong sigaw na parang nagtatantrums na bata.
"Hindiiiiiiii! Bawiin mo!!!! Bawiin moooo!!!! Bawiin mo!!!" Segunda nito habang naglulumpasay sa sahig na parang batang spoiled na hindi pinayagan ng mga magulang na bumili nang sarili niyang airplane.
"Eww" ang naibulalas ko nalang habang nakatingin sa ginagawa ni Kieth.
Maging ang g*ga kong kapatid ay napatigil sa kabaliwan niya nang maglulumpasay sa sahig si Kieth.
"Hindi ko kaya!!!! Wag mo akong iwan mahal ko!! Pap*tayin ko sarili ko" ang naglulumpasay nitong iyak habang sinasakal ang sarili niya.
Imbes na maawa ay hindi ko mapigilang hindi matawa lalo na't sa sobrang pagmamahal ko sa kanya noon ay hindi ko napansin na kung gaano pala siya kabasura.
"Sabi mo mahal mo koooooo!!!!! Bakit mo ko iiwan!!!!!! ARGGHHHHH" Ang parang batang sigaw nito habang sakal sakal ang sarili at inuuntog ang ulo sa sahig. Samantalang pinipigilan naman siya ni Clark na parang nanay na pinapatahan ang anak na nagtatantrums.
Kahit na nageenjoy akong tignan silang dalawa, ay mas minabuti ko nang umalis na lalo na't natatakot ako na baka mahawa ako sa kabaliwan nilang dalawa.
Sa paglabas ko nang bahay ay mas lalong lumakas ang sigaw ni Kieth na parang batang mapuputulan na nang litid, habang aligaga naman ang kapatid ko sa pagpapatahan sa isip batang si Kieth.
__"Ahhh pasensya ka na ha, wala na kasi akong malapitang iba" ang nahihiya kong sambit sa kaibigan/katrabaho kong si Aiden.
Gaya ko ay lalambutin rin siya kaya naman magkasundong magkasundo kaming dalawa.
"G*ga andaming drama, always welcome ka dito anytime anywhere. Atsaka hindi naman kita papabayaan nalang basta basta no, lalo na't nalaman ko pa ang mga nangyari sayo. Kapag talaga nakita ko yang jowa mo, babalatan ko yan ng buhay gamit nail cutter" ang malungkot nitong pahayag na ikinagiti ko lang nang mapakla.
"Oh pasensya ka na kung dito sa maliit na kwarto lang ang meron ako, ito lang kasi ang kwarto bukod sa kwarto ko eh" ang parang nahihiya niyang sambit.
"Nako, maraming salamat nga at may matutuloyan pako. Atsaka hindi naman ako mapili, maganda na nga ito eh. Salamat talaga ha" ang buong puso at sensiro kong pagpapasalamat sa kanya.
"Oh siya, maiwan muna kita at magluluto pako para sa panghapunan natin. Magpahinga ka muna at mukhang pagod ka" ang nakangiti niyang sambit na ikinatango ko lang at nagpasalamat ulit.
Dali dali ko munang inayos ang aking sarili at mga gamit bago napagpasiyahang matulog. Hihiga na sana ako nang mapansin kong parang may nagtext sakin, kaya naman mabilis kong kinuha ang phone para tignan kung sino ngunit mas nainis lang ako nang makompirma ko kung sino nga.
"Asan ka?" Ang mensahe nang hambog na lalakeng yon, na animo'y kung umakto ay walang "baby" at shota.
"Baby mukha mo! Magsama kayo! Wala na talagang matinong lalake! Mga cheater!" Ang inis na inis kong sambit sabay kuha nang sim at inilagay ito sa basurahan.
"Argghhh makatulog na nga" ang naiinis kong litanya habang pinipilit na pinapakalma ang sarili lalo na't sa sobrang dami nang iniisip ko ngayon ay may dumadagdag pang nakakab*set.