HIDING THE SON OF THE MAFIA BOSS
CHAPTER 26
Jion's
Pagkagising na pagkagising ko palang ay kakaibang sakit agad ang namutawi sa bandang ulo ko. Ngunit imbes na iyon ang pagtuonan ko nang pansin ay agad naman akong napatingin sa lalakeng natutulog sa gilid ng kama.
Sa hindi malamang dahilan ay napangiti nalang ako habang tinitignan ang kanyang napakagwapong mukha. Kaya naman dahan dahan kong hinaplos ito nang aking palad na ikinagising niya.
"Sorry kung nagising kita" ang sambit ko sa'kanya lalo na't mukhang nagulat ito sa paghaplos na ginawa ko.
"Hindi na importante yon, ang importante ngayon ay gising ka na. Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Sabihin mo lang sakin at agad kong tatawagin ang nurse" ang aligaga nitong sambit na ikinangiti ko naman.
"Nawala lang ako nang saglit ay nahawa ka na kay Aiden sa pagiging OA" ang sambit ko na ikinagiti niya naman.
"Pinakaba mo ko ng todo, akala ko kukunin ka na sakin" ang madrama nitong sambit na ikinatagpo ng dalawa kong kilay.
Imbes na sagutin ay agad akong napalinga linga upang hanapin ang anak ko.
"Nasan ang anak ko? Bakit wala siya dito? Sabihin mong okay lang siya" ang kinakabahan kong ani na ikinatawa naman ng mukong na'to.
"Okay lang ang bata, kaya wag kang mag hysterical diyan, atsaka alam mo namang hindi ko hahayaan na may mangyari sa anak mo" ang sambit nito na ikinangiti ko.
"Dapat lang, dahil ililibing kita nang buhay kung wala kang gagawin" ang sambit ko na ikinangiti naman niya.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla nalang akong natulala nang sumagi saking isipan ang pagkakabundol naming dalawa ng anak ko. Gustuhin ko mang humanap nang rason upang hindi ko matawag ang sarili kong selfish ay wala akong mahanap.
Lalo na't hanggang ngayon ay hindi niya parin alam na anak naming dalawa si Chibi.
At habang iniisip ko na kung sakali ngang hindi naging maganda ang naging tadhana naming dalawa ng anak ko, ay mananatili siyang walang alam at walang kaide-ideya na ang kinikilala niyang anak ko ay anak niya rin.
"Oh natulala ka na" ang biglang sambit nito sabay nakaw ng halik.
"Aba aba, namimihasa ka na. Porket hinahayaan lang kita ay akala mo naman ay pwede mo nang gawin ang lahat kahit anong oras mo naisin" ang nagagalit galitan kong sambit na ikinangiti naman niya.
"Bakit hindi mo ba gusto?" Ang nakangisi niyang sambit na ikinangiti ko.
"Gusto" ang mahina kong sambit sakanya na ikinangiti naman ng mukong.
Walang ano ano ay mabilis niyang sinakop ang aking labi kaya naman mabilis ko siyang tinulak lalo na't nasa ospital kami.
"Ano ba! Next time na pag nakauwi na tayo" ang kinakabahan kong sambit sabay hawak sa malapad niyang dibdib.
"Wala nang next time next time dahil iba na ang gagawin natin next time. Ngayon ito muna" ang sambit niya sabay angkin muli nang bibig ko.
"AYYYYYYY"
Agad naman kaming nataranta nang marinig namin ang kakaibang tili galing sa babaeng nurse na papasok sana sa loob. Pipigilan ko narin sana ang paglabas niya, ngunit mukhang nabigla siya kaya hinayaan ko nalang.
"Tapusin niyo na po muna yan" ang nagmamadaling sambit nito na ikinahawak ko nalang sa noo lalo na't nakakahiya ang nasaksihan niya.
Hindi ko naman mapigilang hindi pandilatan ng mata si Luca na ngayon ay patawa tawa nalang habang hambog pang nakatingin sakin.
"Tama nga ang sabi ng kaibigan mo, nagpapabebe ka lang nong una para kunyari hard to get ka" ang hambog nitong sambit na ikinarolyo ko nalang ng mata ko lalo na't totoo naman.
Mga ilang minuto kaming nagharutan nang biglang may pumasok sa loob, ganon nalang ang galak ko nang makita ko ang masayang mukha ng anak ko habang akay akay siya ni Aiden. Bagama't nakakaawa ang hitsura nito lalo na't may bendahe pa ito sa ulo, ay sobra parin ang galak ko lalo na't maayos ang kanyang kalagayan.
"Papa!" Ang nakangiting sambit nito kaya naman agad ko siyang yinakap ng mahigpit.
"Kamusta ang baby? May masakit ba sayo?" Ang nag aalala kong tanong na agad naman nitong ikina iling.
"None po, masakit lang yung tummy ko kasi gusto ko na mag eat" ang sambit nito na ikinatawa ko naman.
"Ikaw talagang bata ka, laging pagkain ang nasa isip mo" ang nanggigigil kong sambit sabay lakumos sa chubby niyang mukha.
Hahalikan ko na sana ang ulo ng bata nang biglang tumunog ang cellphone ni Luca kaya naman agad kaming napatingin doon.
"Sagutin mo na, baka importante" ang sambit ko na agad naman nitong ikinatango.
Agad itong lumayo at mabilis na sinagot ang tawag, gustuhin ko mang makinig at malaman kung sino ang kausap niya ay mag nagpokus nalang ako sa anak ko na ngayon ay mahigpit ang pagkakayakap sakin.
"Papa, eat ako siopao ha" ang nakangiti nitong request na ikinatango ko lang lalo nat naka'y Luca ang aking atensyon.
"Papa eat ako siopao haaaaa" ang mas malakas nitong sambit kaya naman mabilis akong tumingin sa anak ko sabay tango.
"Uhmm aalis muna ako, may importanteng lalakarin lang" ang sambit nito sakin na bahagyang ikinataas ng kilay ko sabay tingin sa'kanya na wari'y may tinatago siyang sekreto.
"O sige, mag ingat ka nalang" ang sambit ko sabay halik sa'kanyang pisngi.
"Bye baby" ang paalam niya rin sa bata sabay halik sa ulo nito.
"Bye Daddy! Bili ka siopao ha!" Ang pahabol nito na ikinakunot ng noo ko, samantalang napatango lang naman si Luca sabay nagmamadaling umalis.
"Anong Daddy? Bakit mo tinawag ang Tito Luca mo ng ganon?" Ang intriga kong sambit.
"Sabi kasi ni Tito, Daddy na daw itawag ko sa'kanya eh" ang simpleng sagot nito kaya naman mabilis akong napatingin kay Aiden na ngayon ay nakatingin na sa bintana na wari'y iniiwasan akong matignan.