HIDING THE SON OF THE MAFIA BOSS
CHAPTER 15
"Kumain ka na, baka sabihin pa ng iba na ginugutom kita" ang seryoso kong sambit sabay lapag ng ulam at mainit na kanin sa lapag kung saan siya nakaupo.
"Sabayan niyo nako, saktong sakto at gutom nako" ang takam na takam nitong sambit habang nakatingin sa putaheng niluto ko.
"Hindi kami ang sasabay, Ikaw ang sasabay saming kumain. Baka nakakalimutan mong bahay ko tong kinatatayuan mo" ang pagmamaldita ko sa'kanya na hindi niya pinansin.
"Ohhhhh" ang parang batang sambit nito habang papikit pikit pa ang mga mata habang linalantakan ang pagkaing nasa harapan niya.
"Ansarap naman nito, parehong pareho sa mga pagkaing natitikman ko sa mga mamahaling restaurant. San mo ba natutunan ang magluto?" Ang tanong niya na ikinataas ng kilay ko.
"Ano bang pake mo? Basta't bata palang ay alam ko nang magluto, hindi man ako kagalingan ngunit meron nakong ideya sa gawaing pang kusina. Mas nahasa ko lang ito nung ipamana sakin ng Mama ang recipe book ng aming pamilya" ang pagkukwento ko na ikinangiti niya.
"Ah ganon ba? Papaano kaya kung gumaw-"
Agad namang naputol ang sasabihin sana ni Luca ng biglang magring ang kanyang cellphone, hudyat na may tumatawag sa'kanya.
"Ah excuse me" ang nakangiti niyang sambit sabay tayo at mabilis na lumayo sa hapag.
"Hindi ba pwedeng sa isang linggo nalang? May mas importante kasi akong gagawin eh" ang mahinang sambit ni Luca, ngunit sapat na upang marinig ko.
"Ganon ba? Oh siya, sabihin mo nalang na bukas, alas otso ng umaga" ang huling sambit niya bago mabilis na inend ang tawag.
Agad ko namang binalik ang atensyon sa anak ko na ngayon ay ngumangatngat ng donut, na animo'y hindi ko pinapakinggan ang usapan nila.
"Ah sino yon?"
Ang biglang tanong ko na kahit ako mismo ay nagulat, ngunit huli na upang bawiin ko pa yon lalo na't nakalapat na ang malawak na ngisi sa bibig ni Luca.
"If you're thinking something, you're wrong. Business meeting lang yon at wala kang dapat pagselosan. And besides lalake yon, kilala mo ba yung Chua Family sa binondo? Ang nag iisang anak lang naman nila ang makakausap ko bukas.
I actually don't know kung anong naging sadya nila sakin, ang layo layo ng negosyo nila sa negosyo ko ngunit sa di maipaliwanag na dahilan ay nais makipag kita sakin ng mga Chua" Ang paglalahad nito an ikinatahimik ko naman.
"Maraming Chua sa Binondo Luca, sino namang Chua ang binabanggit mo?" Ang sambit ko upang maging klaro sakin ang lahat.
"Sigmund Chua" ang deretsahan niyang tanong na ikinatigil ko sabay tingin sa'kanya ng mariin.
"At sino kamo ang kikitain mo bukas?" Ang aligaga kong tanong sa'kanya.
"Clark? I don't know basta Clark ang unang pangalan niya. Nag iisang anak nung Sigmund na sinasabi ko" ang deretsahan niyang sagot na bahagyang nagpatambol sa puso ko.
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa mga salitang lumabas sa bibig niya, papaanong ang matagal ko nang karibal sa pagmamahal ng aking ama at kayamanan ng aming pamilya ay malapit pala sa ama ng anak ko.
"Bakit? Kilala mo ba sila?" Ang takang tanong sakin ni Luca na ikinailing ko lang.
"Hindi naman, medyo pamilyar lang sakin" ang pagdadahilan ko na ikinatango niya lang.
Naging matiwasay naman ang buong hapag, nanatiling tahimik ang buong bahay dahil narin punong puno ang isip at utak ko ng mga bagay bagay.
Gustuhin ko mang sungitan si Luca sa buong durasyon ng pagkain namin ngunit masyado akong nakapokus sa mga planong isasagawa ko sa pamamagitan narin ni Luca.
Masama mang manggamit ng iba, ngunit marahil ay ito na ang hinihintay kong pagkakataon para isagawa ko na ang matagal ko nang plano.
"Salamat pala sa pagkain, hindi ko akalaing magaling ka palang magluto. May iba pa palang talento ang mga kamay mo" ang sambit ni Luca sakin na bahagyang ikinataas ng kilay ko.
"Lumayo layo ka at naghuhugas ako ng pinggan, baka biglang madulas ako sa pagkakahawak ng baso at maipukpok ko sa ulo mo" ang sagot ko na ikinangisi niya.
"Ohh violent, I like it" ang mahinang sambit nito na ikinasimangot ko lang.
"Baka inaakala mong libre ang pagpapatuloy ko sayo dito, pwes! nagkakamali ka! Bayaran mo ako, kasama na doon ang pagtitiis ko na makita ang pagmumukha mo kahit masakit sa mga mata ko at sa mga pagkaing kinain mo" ang sambit ko sakanya na ikinataas lang naman ng dalawa niyang kilay.
"Pwede ko bang kainin to?" Ang biglang sambit niya na ikinakunot naman ng noo ko lalo na't wala na namang pagkain na natira pa at kaming dalawa lang ang nasa kusina.
"Ano bang pinagsasabi mo? Kung gusto mo kumain ay pumunta ka sa stall ko bukas. Wag kang umasang magluluto ako ng bago para sayo" ang sambit ko na ikinangiti niya lang.
"Hindi naman iyon ang ibig sabihin ko, pero okay." Ang mahina niyang sambit na ikinarolyo ko lang ng mga mata ko.
"Nasan pala ang bata? Kakausapin ko lang bago ako umalis" ang sambit niya na mabilis ko namang itinuro gamit ang labi ko.
"Doon" ang sambit ko sabay nguso sa kwarto ng bata.
"Saan?" Ang muling pag uulit nito na ikinainis ko naman.
"Doon nga ang kuli-"
Naputol naman ang sasabihin ko ng biglang lumapat ang labi ni Luca sa labi ko ng sobrang bilis. Ang pagturo ko gamit ang aking labi ay binigyang daan niya upang gawin ang mahalay niyang gawain.
"Sweet" ang baritonong sambit nito sabay mabilis na kinuha ang coat niya at patakbong naglakad papunta sa kwarto ng bata.
Samantalang naiwan naman akong tulala at hindi makagalaw sa sobrang bilis ng mga pangyayari.
"G*ga anong nangyari sayo? Na engkanto ka ba?" Ang takang tanong na sambit ni Aiden ng makita niya akong nakatulala at wala sa sariling nakatayo sa lababo.
"Hoy baks, naeerna ka ba? Wag dito! Babaho ang floor!" Ang OA nitong sambit kaya naman kahit puro sabon ang kamay ko ay binatukan ko talaga siya lalo na't lumalala ang pagiging OA niya.
"Aray ko naman! Ikaw kasi eh! Para kasing nagmumurang kamatis yang mukha mo. Akala ko nga magtatransform ka na bilang si Majimbo ng dragon balls. Ano bang nangyari sayo?" ang sambit nito na ikinatahimik ko naman lalo na't wala akong masabi sa'kanya.
At kung sabihin ko man sa'kanya ang totoo ay alam kong buong linggo ako nito aasarin hanggang siya nalang ang magsawa sa kaasar.
"Dada, bigay ni Tito Luca" ang matinis na sambit ni Chibi na rinig na rinig ang mga nagmamadaling yapak papunta sa kusina, kung nasaan kami
"Ano yan?" Ang sambit ni Aiden ng makita naming may dala dalang papel si Chibi at mabilis na inabot sakin.
"T*ngina baks! Cheke to ah! OMG! 200K? Jusko ang yaman talaga ng Papa mo te! Jusko ganyan na ganyan pa naman ang weakness ko ate q. Yung handsome rich fvck boi. Ohhhh yessss" ang parang sinasapiang sambit nito na ikinakunot naman ng noo ko.
"Jusko dai, wag ka nang pakipot at baka imassage kita gamit ang pison. Wag nga ako! Wag kang mag ala Maria Clara kung todo halinghing ka naman nung ginagawa niyo si Chibi. Jusko andiyan na ang grasya dai, mabubuang ako sa'yo kung papakawalan mo pa. Pinabayaan ko na siya sayo kahit alam kong mas virgin ako sayo, tapos mag iinarte ka pa" ang segunda nito na ikinailing ko nalang.