CHAPTER 31

1.2K 47 0
                                    

WARNING NI AIDEN!
BAWAL SA MINOR AND IF HINDI MO BET ANG SUPER TAGALOG NA JUGJUGAN AY WAG MO NANG BASAHIN.

HIDING THE SON OF THE MAFIA BOSS

CHAPTER 31

Jion's

"Mukhang pagod na pagod ka ha" ang mahinang sambit ko, habang dahan dahang lumapit sakanyang likod at tinulungan siyang hubadin ang kanyang coat.

Pagkatapos niya lang kasi sa trabaho ay agad niya kaming inaya lumabas, ngunit hindi na ako sumama lalo na't nakakasawa nang lumabas labas at kagagaling ko lang rin sa mahabang lakaran kaya naman hinayaan ko nalang na ang bata muna ang sumama sa'kanya lalo na't pagod din ako.

"Hindi naman, lalo na't hindi naman pasaway si Chibi" ang nakangiti nitong tugon na ikinangiti ko lang rin.

"Hindi narin ako nagtataka kung bakit ganon nalang ang asal nang bata. Ikaw ba naman ang nagpalaki."

"Good girl" ang sambit pa nito sakin sakin sa baritonong boses na ikinangisi ko.

"Alam mo bang bukod sa bata ay magaling din ako sa ibang bagay?" Ang mahinang sambit ko sa'kanya habang mabilis na tumingkayad para maabot ang kanyang leeg, sabay pulupot doon ng dalawa kong kamay habang nakatingin sa'kanya na animo'y parang kawawang pusa.

"Ano?" Ang nakangisi nitong sambit na animo'y may kung anong naglalaro sa'kanyang isip na hindi ko mawari.

"Napapansin ko kasing sa tuwing umuuwi ka, lagi ka nalang pagod at maraming ginagawa. Nong nasa ospital naman tayo ay lagi kang puyat sa pagbabantay samin, kaya naman naisipan kong baka kailangan mo ng masahe" ang nakangisi kong sambit sakanya na ikinangisi naman ng mukong.

"Arayyy" ang sambit nito ng biglaan sabay hawak sa'kanyang likod na wari'y nakakaramdam ng matinding sakit.

"Nako mabuti nalang at sinabi mo yan, sobrang sakit kasi talaga ng katawan ko grabe. Parang pakiramdam ko nga ay malulusaw na ang mga buto ko" ang sambit nito na ikinangiti ko lang naman lalo na't alam kong umaarte lang ito.

"Ah talaga ba? Kawawa ka naman" ang pagsakay ko sa'kanyang kalokohan.

"San ba masakit?" Segunda ko, na ikinangisi naman nito.

"Dito sa ulo ko tapos dito sa bandang hita ko tapos sa likod at balikat. Pero mas masakit sa bandang hita ko talaga eh" ang umaaktong nasasaktan niyang sambit habang tinuturo pa ang parte kung saan daw siya nakakaramdam ng masakit.

"Nako, edi kailangang hubo't hubad ka niyan lalo na't sa bandang hita pala ang masakit" ang pagsakay ko sa pinagsasasabi niya na ikinalawak ng ngiti ni hudas.

"Parang ganon na nga" ang mahinang sambit pa nito sabay lagay ng kanyang ulo na animo'y pagod na batang gustong magpaalaga.

"Oh sige, humiga ka na para maging magaan na ang pakiramdam mo at masimulan na natin" ang sambit ko naman na agad namang ikinaangat ng kanyang ulo sabay plastar ng kakaibang ngiti sakanyang mukha.

Hindi paman lumipas ang apat na segundo ay agad agad itong naghubad ng saplot na animo'y isang masiglang lalake na walang iniindang kahit na anong sakit, malayong malayo sa mga pinagsasasabi niya kanina.

"Oh tapos na" ang nagmamadaling sambit nito sabay harap sakin na tanging ang boxers nalang ang suot suot.

"Akala ko ba madaming masakit sa katawan mo? Bakit parang energetic ka naman yata, malayong malayo sa sakiting diskripsyon mo" ang natatawa kong sambit sakanya na ikinakunot ng kanyang noo.

"H-hindi, ang totoo kasi niyan ay binilisan ko na para kaagad na gumaan na ang pakiramdam ko" pagdadahilan nito na ikinatango ko nalang.

"Oh siya sige, humapla ka para masimulan ko na ang likod mo" ang sambit ko na agad naman nitong ginawa.

DANGEROUS CLOAK: Hiding the Son of the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon