HIDING THE SON OF THE MAFIA BOSS
CHAPTER 24
Narrator's POV
"H*yop ka Jion! H*yoppppppp!!!!" Ang galit na galit na bulyaw ni Clark habang walang pakundangang pinagbababasag ang mga mahahalang mwebles nang kanilang bahay. Basta't makakita siya ng pwede niyang ibato ay ibabato niya dahil sa sobrang poot na lumulukob sa kanyang puso.
Kahit ano man ang kanyang gawin ay hindi niya parin mahigitan ang mortal niyang kaaway kahit na napilayan na niya ito, simula palang nung pinanganak sila ay halos lahat nang kanyang gusto ay lagi nitong nakukuha. Samantalang pagdating sa'kanya ay kung hindi tira tira ay pinaglumaan.
Mapalaruan, pagmamahal, maging sa lalake ay mas nauuna ang kanyang kapatid.
"H*yoppp ka! Pati si Luca! Pati si Luca inagaw mo pa?!! Lagi mo nalang ako pinag kakaitan! Ang damot damot mo!" Ang galit na galit na bulyaw ni Clark habang mabilis na pinagbababasag ang mga bagay na mahawakan niya.
"Anong nangyayari?!" Ang gulat na tanong ni Kieth nang tumambad sa'kanya ang kanyang nobyo na halos parang baliw na kung magwala.
"Lahat nalang kinuha niya sakin! Papat*yin ko siya! Papat*yin ko siya!" Ang umiiyak na hagulgol ni Clark habang mabilis namang lumapit si Kieth upang pigilan at i-alo ang kanyang nobyo.
"Shhhhhh" ang pagpapatahan ni Kieth sa nobyo sabay kuha ng kamay nito at ipinatong sa'kanyang pagkalalake na ngayon ay dahan dahang nabubuhay.
Ito kasi ang pampakalma na epektibo para kay Clark, ito rin kasi ang nakasanayan nang kanilang katawan kaya naman pareho na nilang hinahanap ito.
"Shhhhh" ang pagpapatahan nito sa nobyo sabay kabig ng mukha upang pagsaluhan ang kanilang (eww) halikan.
__Clark's
"Sawang sawa nakong laging pangalawa, ayoko nang maging talunan" ang sambit ko saking sarili habang nasa veranda ng bahay habang hubo't hubad na nakaupo doon.
"Nakakasawa na ang ganitong buhay, at patuloy akong magsasawa kung alam kong masaya at nagbubunyi ang bruha kong kapatid. Gusto ko nang bagong lalake, gusto kong makuha si Luca! Si Luca na inagaw niya sakin! Aagawin ko sa'kanya ang lahat nang mayroon siya, kung nagawa ko na ito noon ay sisiguraduhin kong magagawa ko rin ito ngayon"
"Hindi ako makakapayag na maging talo ako. Hindi ako papayag! Hindi!" Ang malakas kong sigaw sabay tayo at mabilis na naghanap ng damit habang nagpupuyos ang aking damdamin.
"Hello? Ano? Nasan ngayon ang bruha kong kapatid?" Ang sambit niya sa telepono nang makababa siya sa kanilang bahay.
"Nasa labas po kasama ang isang maliit na lalake at isang bata" ang sambit nang lalake sa kabilang linya.
"Alam mo na ang dapat mong gawin" ang maikli kong sambit sabay patay ng tawag.
"Magpaalam ka na sa mundong to kuya" ang nakangisi kong litanya habang kakaibang galak ang lumulukob saking puso.
___Jion's
"Baks, kunin mo nga tong pinamili ko. Kanina ko pa kasi karga karga tong bulinggit nato at nakakangalay na" ang reklamo ko habang hawak hawak sa kabilang braso ko si Chibi samantalang hawak naman ng kanan ko ang isang mango flavored shake na inuubos ko lang.
Marahil ay nagtataka kayo kung bakit wala dito ang alalay kong si Luca?
Pinagtrabaho ko kasi muna ito lalo na't napansin kong panay ang tawag ng mga tauhan niya sa'kanya at mukhang marami siyang ginagawang mas importante na pinagliliban niya dahil saamin.
Ayoko namang kami pa ang dahilan upang matigil siya sa kanyang trabaho kaya naman ako na ang nag assure sa'kanya na kaya ko ang lahat at wala siyang dapat ipag aalala.
"Mamimiss kita"
Yan mismo ang katagang sinambit niya na ikinarolyo ko lang naman ng mga mata lalo na't pawang katotohanan ang sinasabi niya. Sino ba namang hindi makakamiss sa gandang to? ems.
"Baks pagod na ang kiffy ko sa kakalikot, punta muna ako sa CR. Kinakain kasi ng kiffy ko yung brief ko eh" ang sambit nito na ikinalaki naman ng mata ko.
"G*ga ka bat mo pa sinasabi sakin, don ka na nga" ang natatawa kong sambit sabay tulak sakanya ng marahan.
Paubos narin naman ang iniinom kung shake kaya naman agad akong tumingin tingin kung saan may malapit na basurahan, agad ko namang namataan ito sa kabilang dako ng highway. Kaya naman mabilis akong napalinga linga kung may sasakyan bang papalapit, ngunit wala naman kaya dali dali akong dumaan sa gitna.
Dali dali akong naglakad hanggang sa nakarating ako sa basurahan at mabilis na tinapon ang basura, at gaya kanina ay mabilis rin akong napalinga linga para tignan kung may paparating na sasakyan, at gaya rin kanina ay wala naman akong nakita maliban sa isang sportscar na itim na nakaparada sa gilid ng highway, akmang tatawid na sana ako at nasa kalagitnaan nako nang mabilis nitong pinahurorot ang kanyang sasakyan papunta sa direksyon ko kaya naman mabilis akong tumakbo para makarating sa kabilang parte ng highway na agad ko rin namang nagawa.
Ngunit buong akala ko pa naman ay ligtas na kami nang biglang iliko ng driver ang sasakyan papunta sa direksyon namin ng anak ko na wari'y gusto kaming banggain.
Nang mga oras na yon ay gusto kong ihagis ang anak ko upang hindi na mapuruhan ngunit maging siya ay takot rin at sobrang higpit nang pagkakahawak niya. Mga ilang segundo bago pa tumama ang sasakyan mula saamin ay pinilit ko pang tumakbo upang maitakas ko ang aking anak sa bingit ng kamatayan ngunit pakiwari ko'y huli na.
Ganon nalang ang aking pagaalala nang malakas tumalbog ang katawan ko habang hawak hawak ko ang anak ko. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tanging nakakabinging tunog na umaalingawngaw ang aking naririnig habang ramdam na ramdam ko ang malakas na epekto ng pagkabangga ko nang sasakyan.
Ngunit magkaganon paman ay wala akong inaalala bukod sa anak ko na ngayon ay gaya ko ay puno rin ng d*go habang basang basa ang mukha dahil sa sarili niyang luha, ano mang lakas ang kunin ko upang maigalaw at iligtas ang anak ko ngunit maging ako mismo ay parang baldado.
"Jusko wag ang anak ko" ang nanghihina kong sambit habang nakatingin sa kalunos lunos na hitsura ni Chibi.
Dahan dahan kong inaabot ang kamay nang anak ko upang salugan siya, ngunit bago ko pa man magawa iyon ay dahan dahan nang bumigat ang talukap saking mata hanggang sa tuluyan nakong linamon ng kadiliman.