HIDING THE SON OF THE MAFIA BOSS
CHAPTER 13
"Siguro naman pwede ka nang lumayas?" Ang nagmamadali kong sambit gamit ang mahinang tono habang nakatingin ng deretso sa kanyang gwapong mukha.
"Bakit ba atat na atat kang mawala ako sa paningin mo?" Ang nakangisi niyang sambit habang dahan dahang lumalapit sa pwesto ko.
"U-umalis ka na" ang kinakabahan kong ani lalo na't mas lumalapit pa siya saakin na halos isang pulgada nalang ang lapit namin sa isa't isa.
"Alam mo, napapansin ko lang na sa simula nang magpakita ako sa'yo, ay aligagang aligaga ka na paalisin ako. May tinatago ka ba sa'kin?" Ang makahulugang sambit niya na ikinakaba ko naman.
"Dada"
Agad kaming napatigil ng biglang magsalita si Chibi habang hawak hawak parin ang hotdog na kanina niya pa pinapapak. Mabilis akong kumilos at mabilis na tinulak ang malaki niyang katawan, lalo na't baka ano pang maisip ng anak ko.
Mabilis akong lumapit sa kanya at kinarga habang mabilis na pinandilatan si Luca na ngayon ay nakatutok ang mata saming dalawa ng anak ko.
"Oh sige na, say bye to your Tito Luca. Aalis na kasi siya" ang napipilitan kong sambit at mabilis an lumapit sa pwesto kung nasaan siya nakatayo.
Imbes na magsalita ay ngumisi lang naman si Luca at mabilis na tumaas ang dalawang kilay ng sabay, na animo'y wala siyang ibang desisyon lalo na't ginamit ko na ang bata para lang mapaalis siya.
"Oh sige, anong gusto mong pasalubong?" Ang sambit nito na ikinataas ng kilay ko.
"Excuse me, hindi ko kailangan ng pasalubong. Hindi mo ako mabibili sa mga ganyan ganyan mo" ang may halong inis kong sambit na ikinangisi niya lang naman.
"Ang bata ang tinatanong ko" ang sambit nito na bahagya kong ikinabigla at ikinahiya.
"Anong gusto mong pasalubong ni Tito?" Ang sambit niya sa bata.
"Donuts" ang sambit naman nito na ikinangiti ng damuho.
"Okay" ang simpleng sambit lang nito na ikinataas ng kilay ko.
"Hindi mo papasalubungan ang anak ko dahil hindi ka na makakatapak sa bahay na to. Umalis ka na at baka hinahanap ka na ng girlfriend mo!" Ang may halong inis kong sambit at mabilis na sinara ang pintuan.
Hindi rin naman nangbulabog at kumatok ang damuho at mukhang nakaalis na nga na labis labis ang pasasalamat ko.
Hindi ko alam kung bakit parang ang weird ng araw na ito, ang dami daming mga nagsisulputang mga tao na kahit kailan ay hindi ko inaasahan na makikita ko ulit sa tanang buhay ko.
"Oh besh wala na ba ang jusawa mo?" Ang panambit ni Aiden na ikinakunot ng ulo ko.
"Pinaalis ko na" ang sambit ko na ikinataas ng kilay niya.
"Ay ewan ko sayo" ang sambit nalang nito habang nakatingin pa sakin na animo'y sobrang mali ng ginawa ko.
Imbes na pansinin pa ang kag*gahan niya ay mabilis ko nalang pinagtuonan ang ibang mga gawaing bagay, linggo ngayon kaya restday ko. Kaya pagkatapos kong magligpit at maglinis ay pinatulog ko muna ang bulinggit na kanina pa nakapikit ang mga mata habang nakaupo sa sofa.
__Narrator's POV
"Jusko wag na naman yang mga wig ko" ang natatarantang sambit ni Aiden ng makita niyang pinagbubuhol buhol na naman ni Chibi ang mga buhok na binili niya.
Imbes na tumigil ay mas binuhol buhol pa nito ang mga wig na halos ikahimatay ni Aiden lalo na't sobrang higpit ng pagkakahawak ng bata sa mga wig niya.
Agad naman siyang nabuhayan ng marinig niya ang doorbell, hudyat na bumalik na ang kaibigan niya na bumili lang ng mga sangkap para sa negosyo nito.
Dali dali niyang binuhat ang bata at mabilis na binuksan ang pintuan.
"Oh ito na ang anak mo! Jusko maloloka ang kip*y ko talaga sa'kanya" ang sunod sunod na sambit ni Aiden sa simula na bumukas ang pintuan.
"Uh??"
Agad namang natahimik si Aiden ng marinig ang baritonong boses na iyon, kaya naman mabilis niyang klinaro at tinignan kung sino ang nasa pintuan.
Ganon nalang ang kanyang gulat ng makita niyang si Luca ito, kaya naman mabilis niyang binawi ang bata sa kamay ni Luca at mabilis na tumalikod.
"Ah wala pa dito yung beshie ko, bakit ka pala nandito" ang kinakabahan niyang ani dahil sa kapalpakang ginawa niya.
Kahit hindi naman niya sinasadya ang nangyaring iyon, ay bahagya ring totoo ang kanyang sinambit. Anak niya si Chibi, ngunit mabuti nalang at hindi ito narinig ng kanyang kaibigan lalo na't paniguradong kakalbuhin siya ng buhay kung nagkataon.
"Ahh I can wait, atsaka pwede ko bang mahawakan ang bata. May pasalubong pala ako" ang sambit nito sabay abot ng 6 na box ng donuts na ikinabigla ni Aiden.
Samantalang nagningning naman ang mga mata ng bulinggit ng makita ang paborito niyang pagkain na hawak hawak ng lalake.
"Baba ako tito" ang malditong sambit ni Chibi kay Aiden habang tinatampal pa ang braso ng kanyang Tito Aiden na nakapulopot sa'kanya.
"Ohhh sayo na" ang buong galak na sambit ni Aiden na animo'y parang simpleng bagay na ipinamigay ang bata.
Agad na lumapit si Aiden kay Luca para kunin ang anim na box ng donuts. At mabilis na ibinigay si Chibi sa'kanyang ama.
"Ako na ang bahala dito, mukhang nabibigatan ka kasi" ang sambit ni Aiden sabay kuha ng mga box.
Lingid sa kaalaman ni Luca at Chibi ay linalantakan na ni Aiden ang isang box ng donuts habang dinadala ito sa kusina.