CHAPTER 29

1.2K 46 2
                                    

HIDING THE SON OF THE MAFIA BOSS

CHAPTER 29

Isang linggo din akong namalagi sa ospital, hanggang sa nagdesisyon kaming sa bahay nalang ako tuluyang magpagaling. Maayos na kasi ang lahat nang sugat ng bata at agad itong naghilom, samantalang ang akin ay kitang kita parin ang mga maraming galos sa iba't ibang parte ng katawan ko ngunit pahilom narin naman.

Kahit na super boring ang ang mapunta sa hospital ay naging masaya naman ang bawat minuto namin doon lalo na't nandiyan si Aiden na puro kalokohan nalang ang lumalabas sa bibig.

Lalo pa itong naging maloko ng araw araw na bumisita ang kaibigan ni Luca samin na si Blake.

Naalala ko pa nga ang sinabi niya saakin nang una niyang masilayan ito.

"Ate namamasa ang kiffy ko grabe, yan ba ang frenny ni Daddy Luca? Grabe naman, parang manlalaspag talaga, sa itsura pa lang oh. Ganyan na ganyan pa naman bet ko, yung parang mga sadista ang lewk" ang malaswa nitong sambit na ikinailing ko nalang.

Dahil dito ay laging ganado ang b*kla, bawat segundo ay produktibong produktibo ito.

Sa tuwing may ipapabili si Luca sa labas ay agad namang nagpepresenta si Aiden na sumama dahil kesyo may bibilhin o ano, pero ang totoo niyan ay gusto niya lang itong malandi.

Alam ko na kasi ang likaw ng bituka niyan, kayang kaya niyang sabayan ang mga trip ng mga lalakeng gusto niya at talaga namang pursigido itong makuha ang gusto niya.

And walang halong kaplastikan or what, pero maganda talaga ang frenny ko. Lalo na't halatang halata sa kilos niya ang pagiging mahinhin, na kinombohan pa ng feminine features niya. Siya kasi yung sexy/skinny femboy na halatang may kaya sa buhay dahil sa kutis niyang porcelain, gaya ko hehe. (UMAGREE KA NA TE)

Noon nga ay nagviral pa ang dalawang picture namin ni Aiden sa social media.

Hindi naman kasi sa pagmamayabang ay talagang alagang alaga namin ni b*kla ang sarili namin. Dalawa nga ang ref namin sa bahay, ang isa para sa skincare at ang isa para sa mga pagkain. Ganon kami kaselan sa katawan.

Kaya naman lumalabas ang resulta ng mga skin care keme latik namin, at dahil doon ay nagviral ang isang photo namin na pinost ni Aiden, umani ito ng mga papuri patungkol sa super lakas naming face card na kahit na sino ay matatalbog sa sobrang lakas! Ganong level!

Kidding aside, pero totoo talaga. Nang sumikat iyon ay umulan iyon ng papuri lalo na't very bongga ang pagkakuha ng litrato and very Instagrammable ang datingan. Pihadong papasa iyon sa Pinterest lalo na't aesthetic iyon.

Ngunit bukod sa papuri ay syempre meron ding mga loko loko, karamihan kasi sa mga nagcocomment ay puro "fem bottom" "two bottoms in a room they might kiss" "versusan ng mga bottom" at "sigurado akong masarap amuyin ang ut*t nila dahil amoy cherry"

Hindi ko makaya ang pag iisip ng mga tao, kaya naman pinadelete ko na kay Aiden ang picture lalo na't baka mas kumalat pa at makita ng mga taong ayaw kong makaharap.

Ngunit isa lang naman iyon sa patunay na hindi easy easy ang face card naming magkaibigan. Kaya don't us!
__

FLASHBACK

Aiden's

"How old are you?" Ang takang tanong ni Blake nang makasakay ako sa kotse niya.

"18" ang pabebe kong sambit sabay tingin sa'kanya, ngunit imbes na magtaka ay agad lang itong tumango.

"Keme lang, 24 talaga" ang pag amin ko lalo na't ayaw ko namang magsinungaling no.

"Really? Akala ko talaga 18 ka lang, baby face ka kasi" ang sambit nito na ikinatawa ko naman ng mahina.

DANGEROUS CLOAK: Hiding the Son of the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon