01: Can't Help Falling In Love With You [Dark Version]

30 6 0
                                    

Song link: https://youtu.be/PDboeQfAsww

Inspired by Can't Help Falling In Love With You by Tommee Profitt ft. Brooke

I shivered when I feel him staring at me. He's here, again. I just took a deep breathe and continued washing the dishes. Ilang beses na itong nangyayari, pero kahit isang beses ay hindi ko man lang naisipang isumbong ito sa pulis. O hindi kaya ay sabihin sa mga kaibigan ko. I just let him be.

Kung papatayin niya naman ako, he could have done it already hindi ba?

But the thing is, he's pulling me closer into him. Am I just insane as him? Alam ko namang hindi na normal itong nararamdaman ko o kahit itong pinagagawa ko. Pero naman kasi, why does it feel we're close to one another? Bakit naman kasi parang naiintidihan niya ako sa paraang hindi ako naiintindihan ng iba?

And he has always been there sa tuwing nangangailangan ako ng tulong. Iilang beses na rin iyong kamuntikan na akong ma-hold up sa may kanto pero magugulat nalang ako kasi nasa may likuran ko na siya. Hindi siya lumalapit sa akin ng sobra, he has always been keeping a safe distance between us.

Minsan ay gusto ko na ring kausapin ito pero natatakot ako. Paano kung hindi naman pala talaga siya totoo? What if he's just in my imagination? Paano kung gawa-gawa ko lang pala siya para sa ganun ay mayroon akong kasa-kasama araw-araw? He has always been my safe haven magmula nang lumitaw ito bigla sa buhay ko dalawang taon na rin ang makakalipas.

Sa loob ng dalawang taon, ay kahit isang beses ay hindi ako nagkagusto sa iba. At wala rin namang sumubok na gustuhin ako. Hindi ko tuloy sigurado kung dahil ba iyon sa kanya o ano. Pagkatapos kong maghugas ay tinuyo ko naman ang mga kamay ko.

Huminga naman ako ng malalim saka humarap sa gawi nito. He just stood there, staring at me. He doesn't look bad. He doesn't look scary. Yes, there's some sort of eerie feeling about him but that makes him more comforting. I have always been comforted by darkness kahit mula pa noong bata ako.

Lumapit naman ako sa kanya pero wala itong reaksyon. He's keeping his distance kaya nir-respeto ko iyon kahit minsan ay gusto ko na siyang hawakan para malaman kung totoo ba siya o hindi. In-off ko naman ang ilaw saka naglakad palabas ng kusina.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay ramdam ko naman ang pagsunod nito. It maybe creepy for others pero nasanay na rin ako sa ganito. Hindi ko nga alam pero iyong mga pinagagawa niya ay parang normal na sa akin kahit nung una palang. Maybe he's my past lover? Sa dating buhay?

Humiga naman ako sa kama saka tumitig sa kisame. Never itong lumapit sa kama ko. Palagi lang itong nakatayo sa may pinto ng kwarto ko, but this time ay lumapit ito. Umupo ito sa upuan na nasa may bedside table ko.

Does this mean that he's slowly closing the distance between us? Napalunok naman ako dahil tila ba lumamig ang kwarto ko. Is it because of him? Hindi ko nalang pinahalata na napansin ko ang pagbabago ng temperatura ng kwarto ko.

"Good night, kung sino ka man.", bulong ko at alam kong narinig niya ako dahil tila ba napatayo ito sa pagkakaupo. Hindi niya ba alam na nakikita ko siya?

Makalipas ang ilang minuto ay iminulat ko rin naman ang mga mata ko saka ito tiningnan. He's looking at me as if I am the weird creature between the two of us.

"Why do you look so surprised?", tanong ko sa kanya at mas lalo naman itong nagulat. Bumangon naman ako saka siya tiningnan.

"You thought hindi kita nakikita?", sambit ko sa kanya pero nanatili itong tahimik.

"Totoo ka ba? O sadyang nababaliw na ako?", tanong ko sa kanya at sa sarili ko.

"Lana", napasinghap naman ako nang marinig ko ang boses nito. It was as cold as an ice but I don't know why it brought warmth in my heart.

22 One Shots, 22nd BirthdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon