16: Tip Toe

8 3 4
                                    


Inspired by Tip Toe by HYBS

Napabuntong hininga naman ako nang makitang naka-left on read lang ako kay Kysler, halos buong araw na ata itong walang paramdam. Ka-talking stage ko, sa internet nga lang. Nakilala ko sa omegle na dinala ko sa tg. Ayaw niya kamo mag-reveal ng name kaya sa telegram na raw muna kami.

Gago, baka magulat nalang talaga if one day may mag-post na sa akin tapos side chick pala ako. Masusumpa ko talaga ang isang 'to. We do call from time to time, nags-send din naman siya ng pics, well mostly hindi nga lang kita mukha pero okay lang din naman sa akin. It's not we were really into serious commitment tho, talking stage palang naman.

But I think that plays a big part isn't it? Kasi dapat dun palang kinikilala mo na iyong tao sa stage na iyon? Pero hindi mo alam kung anong totoong pangalan niya, or iyong mismong itsura niya. Pero hindi na naman bago sa akin iyong ganto, suki ako dati sa rpw.

Napabangon naman ako kaagad sa kama ko nang tumunog ang phone ko. Hindi ko alam pero tila ba bigla na lamang akong napangiti nang makita kong si Kysler na nga ito. Despite of my doubt about him, hindi ko na rin naman maipagkakailang may nararamdaman na ako para sa kanya.

But I'm keeping it moderately kasi baka maudlot pa ang isang 'to. I can't give him anything if wala rin namang assurance na magiging kami. Baka nga hindi lang ako ang babae ng isang 'to. Sinagot ko naman ang tawag nito.

"Hoy! Grabe ah! Akala ko ig-ghost mo na ako!", pabirong bungad ko rito at narinig ko naman ang tawa nito. Ang cute.

"Nah, hindi ba't sinabi kong hindi ako mahilig mang-ghost?", sagot nito kaya napahinga naman ako ng malalim. Kapag ang isang 'to ni-ghost din ako.

"Baba ka.", napakunot noo naman ako sa sinabi nito.

"Anong baba?", sagot ko rito at halos magwala naman ang puso ko sa sinagot nito.

"Sa may baba ng bahay niyo, labas ka muna.", turan niya kaya nanlalaki ang mga mata kong sinilip ang labas at nakitang may nakaparadang kotse sa may harap ng bahay. Dali-dali naman akong tumakbo pababa at muntikan pa akong matalisod sa may hagdan.

"Ey love, hinay-hinay lang baka mapano ka.", sabi pa nito pero halos hindi na magkahumayaw ang nararamdaman ko. Halos nanlamig naman ako nang may makita akong lalaking nakatayo sa may gate. Nandun din sina kuya at Mama. Buti nalang wala si Papa.

"M-ma sino iyan?", sambit ko at nanigas na lamang ako ng humarap iyong lalaki at namukhang si Kysler nga ito.

"Manliligaw mo raw, galing pang Batangas, dumayo pa rito sa Cavite para ipagpaalam ka. Hindi mo naman sinasabing may manliligaw ka na pala.", sagot ni Mama kaya napanganga ako.

"Ah, actually hindi niya po alam na manliligaw ako. I just want to get yout approval first before asking her, para sigurado hong matutuloy since may blessing na ako galing sa inyo.", ani naman ni Kysler kaya napatakit na lamang ako sa bibig ko.

"Don't worry po, I'll bring no harm for your daughter Ma'am. I'm actually still studying pa po, sa may PUP Sto. Tomas Batangas with the course of Mechanical Engineering, but I do have a work na po, I'm working for my cousin sa firm niya.", dagdag niya pa kaya napangiwi ako.

Saka ko palang napansin na may nakalapag na bouquet ng bulaklak sa may mesa sa veranda. May mga box ng chocolates at Pizza. Like wow, he prepared that much ah.

"We were already talking for months na po and I'd like to have her as my girlfriend ma'am. Don't worry manliligaw pa naman po ako, and I don't care for how long niya ako gustong manligaw, I just really want to pursue her first bago pa man maunahan.", napangiti naman ako sa sinabi nito. Aba, competitive.

"And I know, it's not yet sure if sasagutin niya ako but I can reassure you po that she's safe with me.  I am willing to do what it takes just to have your blessing and her yes po.", dagdag pa nito. May ginawa kaya 'tong kaya hindi siya nauutal? Or sanay na siyang mangbola sa harap ng magulang ng babae niya?

"Graduating na rin naman po ako, and saktong nasa Cavite ang main office ng firm ng pinsan ko so I could be by her side po by that time.", turan niya pa at tumango naman si Mama.

"Eh ano bang nagustuhan mo sa isang iyan? Aba napakatamad ng isang iyan.", sabi ni Mama kaya napanganga ako. Likeee wwwhhaat theeee??

Napatawa naman ito saka sumagot. "Marami po, I like her in any way. I like how she talks about how her day was, I like how clumsy she was, I like how she stiffles a laugh sa tuwing may kinu-kwento siyang nakakatawa, I like how her eyes seemed to brighten sa tuwing kinu-kwento niya iyong bias niya sa BTS. I like how she is po Ma'am.", napangiwi naman ako sa sagot nito. Nagv-video call kasi kami minsan, kapag may oras siyang makipag-kwentuhan.

"I like her in many ways, actually I love her po.",  dadag niya pa kaya napanguso ako. Gusto ko nang tumili dahil sa kinikilig na ako pero hindi pwede. Baka akalain nina Mama nababaliw na ako.

"I am madly inlove with your daughter po, so pwede po ba?", aniya saka sumulyap sa akin at nginitian ako.

"Kung matatalo mo ako sa inuman.", napatigil naman kaming lahat nang biglang may sumingit. Napanganga naman ako nang makitang nasa may likuran niya lang pala si Papa.

"Pa naman, anong inuman?", singit ko na rin agad sa kanila kasi baka ayain talaga nila siya sa inuman.

"Uuwi pa iyang Batangas tas paiinumin mo." dagdag ko pa at tinaasan naman ako ng kilay nito.

"Pwede naman dito muna siya matulog, anong pino-problema mo?", sambit naman ni Papa kaya napatingin uli ako Kysler.

Pinanlakihan ko naman ito ng mata at nagkibit balikat naman ito. Sa reaction ng mga magulang ko, it seems like green light na ang panliligaw nito sa akin. Aba kung naka-jackpot ka pa nga naman.

22 One Shots, 22nd BirthdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon