Inspired by Dangerous Woman by Ariana GrandeNapatitig lang ako sa kaharap nang hindi man lang ito nagpakita ng reaksyon matapos kong barilin ang mga gwardya nito. He just stood there looking at me.
"What are your plans? Do you really think you can easily kill me, young lady?", tanong nito at sa isang iglap lang ay nasa tabi ko na ito at ang hawak-hawak kong baril ay nasa kamay na nito pointing the gun at my forehead.
"Who sent you?", nakakatakot nitong bulong pero hindi ako nagpadala sa takot. Sh*t, mukhang ginawa pa nga ata akong pain nung nag-utos sa akin nito.
"I was just hired anonymously.", sagot ko sa kanya at ikinasa naman nito ang baril. I just looked at his eyes. Hindi ko hinayaang ipakitang takot ako sa kanya. He has no intentions of killing me. Ramdam ko ito.
Akala ko ay kakalabitin na nito ang gantilyo pero sa halip ay hinakawan nito ang braso ko saka ako niyakap. May nagpaulan naman ng bala sa kung saan kaya dali-dali ako nitong hinila sa may kabilang banda. Hindi ko naman kaligtaan iyong pabango niya. It smells so expensive. Well, he also looks so expensive. I wonder if he also taste expensive.
'Fvck! Umayos ka Georgina!', napangiwi nalang ako dahil sa kung ano-ano pa ang naiisip ko eh nasa bingit na ako ng kamatayan. Maybe I am just too chill dahil hindi lang naman ito iyong unang na nangyari ang ganito. Sanay na ako sa ganito.
"When I say run, you run.", sambit niya kaya tumango naman ako. I mean, patay na dapat ako ngayon but he choose to keep me alive. So might as well I'll follow his order.
"Run!", sigaw niya kaya naman ay sabay kaming tumakbo palabas ng building. Muntikan pa akong matalisod. P*steng heels ito! May naghihintay namang sasakyan pagkalabas namin at agad kaming sumakay dito.
"Go!", utos nito sa driver at akala mo naman ay parang nasa set kami ng fast and furious sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ng driver. Binigay naman nito ang baril ko.
"You need that.", ani ng katabi ko at saka ko lang napansin na sobrang laking tao pala ng isang isa. Kaya niya atang i-ocupy ang buong backseat! I mean, alam ko namang matangkad siya at maskulado but not this much. Inabutan naman siya nung driver ng rifle.
"Where are you going?", tanong nito sa akin nang balak ko sanang lumipat sa may front seat.
"Lilipat ako, I can't move here.", sagot ko sa kanya at ngumisi lang ito. Imbes na palipatin ako ay pinaupo niya ako sa lap niya saka iniusog pa forward ang front seat. Is he even serious? Kahit iyong driver ay tiningnan siya ng parang nababaliw na siya.
Napapikit nalang ako ng mariin dahil sa amoy na amoy ko na naman ang pabango niya. I could even feel his breathing on my neck. Like for the love of God! Can he just stop distracting me?
"We need to get rid of those fvcktards.", sabi niya at tinutukoy nito ang mga nakasunod sa amin.
Napamura pa iyong driver namin nang may makasabay na sa amin at pinapaulanan na kami nito ng bala. Buti nalang at bulletproof itong kotse nila. Pero hindi nagpapigil ang mga ito dahil sinusubukan ng mga itong ibangga ang sasakyan nila sa sasakyan namin.
"Ako na sa isang ito. Iyong likuran ang iyo.", sabi ko sa lalaking ang alam ko lang ay pangalan.
He's name is Dux. Walang ibang impormasyon na ibinigay sa akin ang kliyente ko, ganun na naman na palagi. Iyon pala ay mukhang suicide mission itong naibigay sa akin. Sa oras na malaman ko kung sino ang nag-utos nito ay babalikan ko talaga.
Kahit ang mga kasamahan ko ay mukhang iniwan ako. It's either may nalaman sila tungkol sa isang ito o binayaran sila ng kliyente ko para iwan ako. Lalo na't wala sa usapan ang pagpapaulan nila ng bala habang nasa loob pa kami.
BINABASA MO ANG
22 One Shots, 22nd Birthday
RandomAhoy, ladies & gents! For my upcoming 22nd birthday which is in April 1st, I'll be writing 22 one shots per day before my birthday. I am hoping that you'll like the one shots that will be posted later on. Lovelots, Rikamadz Start: March 11, 2024 E...