06: Bloodline

11 4 0
                                    


Inspired by Bloodline by Ariana Grande

Kakatapos lang ng shift ko kaya naman pagkalabas ko sa establishment namin ay agad kong binilisan ang paglalakad. Sa dami na ng nangyayari ngayon, we all need to be cautious at all times. I bit my lip nang may mapansin akong nakasunod sa akin.

Is he a serial killer?

Hindi ko naman mapigilang hindi mapangiwi dahil sa sariling tanong ko. Serial killer agad, baka kagaya ko lang nakakatapos lang ng shift. Pagkaliko ko naman sa may kanto ay mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko.

Nakasunod nga siya sa akin, sh*t!

Halos tumatakbo na ako nang makita kong malapit na ako sa may 7/11, katapat lang sana nito nung apartment ko nang maramdaman kong may dumaan sa likuran ko. Someone bumped into the man who's following me. Napatakip naman ako sa bibig ko.

Nanigas ako sa kinatatayuan habang nakatitig sa lalaking ngayon ay wala ng malay dahil sa nasira iyong parang dingding na siyang napagtapunan niya. Hindi ko na tuloy alam kung saan ako matatakot.

Agad din naman akong napatalikod saka humakbang para umalis na sana nang magsalita ito. At hindi ko alam kung anong nangyari pero tila ba kusang gumalaw ang katawan ko para harapin ito. It was as if his voice was commanding my body to move on its own!

"Are you okay?", tanong nito kaya napalunok naman ako nang magsimula itong maglakad papalapit sa akin.

"Okay lang, okay lang.", sagot ko sa kanya na parang naging pampakalma ko sa sarili. Nang mapansin nitong kinakabahan ako ay tumigil ito sa paghakbang at tiningnan ako.

"That's good then.", ani nito saka ako tinalikuran at naglakad papunta sa kabilang direksyon. Wth just had happened?

- - - - - - - - - - -

Hindi ko alam pero ang daming nangyayaring weird sa akin ngayon after nung pakikisalamuha ko sa lalaking may lahing hulk. Kinakabahan tuloy ako kasi baka balikan niya ako. Will he hurt me?

Sinagip ka nga niya noong nakaraan hindi ba?

Napabuntong hininga naman ako dahil sa boses na nagsalita sa utak ko. Kita niyo na, nababaliw na ako. Kinakausap na ako ng sarili ko. Friday ngayon kaya naman ay nagkayayaan na magpunta ng bar.

Ayoko sanang sumama pero tumanggi na ako last week. Baka masamain na nila kapag hindi pa ako sasama ngayon. Madali pa namang ma-butthurt itong mga kasamahan ko sa trabaho.

Mabuti na nga lang din ay may nadaanan kaming food stall kaya nakakain na muna kami before kami nakarating sa may bar. Ang lalakas kasi ng tama nila kesyo uminom nalang daw kami kaagad para isang shot lang tulog na agad.

"Hindi ka ba iinom, Xy?", tanong sa akin ni Derek nang mapansin niyang hindi ko pa nagagalaw iyong unang shot na ibinigay nila sa akin.

"Ah, maya-maya na.", sagot ko sa kanila kaya tumango naman ito. Nasa pang-apat na baso na nila sila kaya naman ay ininom ko na iyong akin.

Magka-same ng direction iyong uuwian nina Nelia saka Harin kaya pwede sila sumakay sa iisang taxi lang. Ako lang itong mag-isa since magkakasama rin sina Derek at Carson. They're a couple by the way. Binigyan naman ako kaagad ni Carson ng isa pang baso at pinilit na inumin iyon kaagad kaya naman ay wala na akong magawa kung hindi ang inumin ito.

May iniabot pa agad si Nelia kaya sinubukan kong tanggihan ito pero sabi niya ay iyon na raw ang huli at hindi na raw nila ako pipilitin kaya tinanggap ko nalang din ito. Pagkatapos kong ininom iyon ng isang lagukan lang ay nagpaalam naman akong pumunta muna sa banyo. Nanghihilab na iyong tiyan ko, pucha.

22 One Shots, 22nd BirthdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon